Karylle refuses to talk about Dolphy's health


PINUNTAHAN agad si Karylle ni Iza Calzado sa show nito matapos pumirma ng kontrata ang huli sa ABS- CBN.

“I love  Iza and siyempre, I’m happy for her. Gusto niya talagang gumawa ng more acting projects and ’yun ang na-promise sa kanya.

“Why not? Pinayagan din naman siya. Nakapagpaalam naman siya nang maayos. Nag-hello, hello siya sa akin after niya mag-dance,” chika ni Karylle na endorser ng sanitary napkin na Jeunesse.

Umani ng papuri si Karylle sa ginawang Kitchen Musical sa Singapore na napanood din dito.

Bukod sa papuri, ibinalita niyang meron siyang doll na patterned sa role niya sa TV show.

“Ginawa nila ’yon. Okey naman ang reception sa amin. Marami kaming tweets na nakukuha sa Indonesia, Singapore. Ipapakita na ito next week sa Korea and in other countries, gagawa sila ng sarili nilang version,” pahayag pa ng singer-actress.

Eh, pagdating sa lovelife niya with Yael of Spongecola, hindi sila magkakasama sa Valentine’s Day dahil hiwalay ang lugar ng show nila.

Pero mabibigyan naman siya ng Valentine present ng nababalitang boyfriend pero hindi ’yon flowers and chocolates, huh!

“Herb garden ang hinihingi ko sa kanya. ’Yung mga basil. Kasi ’pag bumili ka, ’di ba, mahal? Para meron na du’n sa house. Pero nu’ng Christmas ko hiningi ’yon,” sey niya.

Bilang ganti, isang book naman ang ibinigay niya kay Yael. Pagdating naman sa Valentine’s Day, hindi problema kay Karylle kung anuman ang ibigay sa kanya.

“Hindi ’yon, kumbaga, ang center ng utak ko. Hindi naman ako materialistic eh,” aniya.

Wala man lang flowers at chocolates?

“Everyday naman siyang nagbibigay ng flowers, eh! Totoo naman, eh. ’Yan ang maganda ’pag hindi halata. Mas masakit na iniisip mo na sweet, hindi naman pala,” rason ni Karylle.

So, happy siya kay Yael?

“Basta happy ako in general! Hahaha!” sagot ng singer-actress.

Meron ba siyang alam sa kalagayan ng stepdad niyang si Dolphy?

“Hindi ko alam, eh. Kasi ayoko nang magsalita. The last time na nag-comment-comment ako, tapos, mali ’yung comment ko. Siyempre, I leave it to the family na lang to be the one to comment. Nagkamali na ako once,” paliwanag ni Karylle.

Natuto na rin si Karylle na pigilan ang pagkukuwento tungkol sa sarili kahit aminado siyang mahilig sa tsismis noon.

“Dati kasi, panay criticisms ang dumarating dahil lumalabas na nagiging bitter ako. Eh, tinatanong lang ninyo ako kaya ako nagsasalita.

“Ngayon, ayoko na! Kasi ’pag nagsalita ako na happy, patterned na ang kasunod na tanong base sa aking research after mo umamin. Mamaya pag-alis ko papuntang Singapore, matsismis na buntis ako uli! Hahaha!” katwiran ng singer-actress.

* * *

SAGAD to the max ang shooting ni Jacky Woo sa Busan, Korea ng 24 Days kaya naman hindi muna siya makakauwi ng bansa upang tanggapin ang commitments niyang guesting sa Spooky Nights at sa Bubble Gang ng GMA pati na mga indie movie.        

Minamadali kasi ang pagtatapos ng pelikula kung saan kapareha ng Japanese actor ang sikat na Korean actress na si Jang Kyung Ah.

Kahit nangangatog nga sa lamig ang mga taong involved sa movie, hindi naging sagabal ’yon upang hindi nila araw-arawin ang trabaho.  

Hindi lang kasi sa Korea at Japan iri-release ang 24 Days kundi worldwide din, huh!

Eh, bukod kasi sa pagiging mabait na actor/producer, marami ring natutulungan si Jacky dito kaya naman sobrang blessings ang dumarating sa kanya.

* * *

MAKABAGBAG-DAMDAMIN ang mga tagpong mapapanood sa huling gabi ng top-rating series ng GMA na Munting Heredera.

Hanggang sa huling sandali, gagawa pa rin ng krimen ang character ni Gabby Eigenmann bilang si Desmond.

Maghiwalay man ang buong cast, pangako naman nila sa isa’t isa na magkakaroon pa rin sila ng communication.

Pero kung malalaman na kung sino ang tunay na munting heredera, isang touching climax ang hatid ng series dahil may eksenang kasama ng bidang si  Mona Louise Rey ang dalawang batang na sumasailalim sa cancer treatment sa tulong ng Kapuso Foundation.



Showbiz News

Raymart snubs presscon

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 59
By : Bong de Leon

THE members of the entertainment press came  early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview  with the lead actor,  Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more

Luis a good catch for Jennylyn

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 59
By : Mario Bautista

THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more

Thumbs up for 'The Road'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 51
By : People's Tonight

GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 56
By : Nel Alejandrino

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family.         Lalo pa nga at free from school ngayon ang  only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more

Angeline sapped Coco's strength

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 51
By : Vinia Vivar

FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC