Busy si Bianca King sa pagsagot sa mga tanong sa role at karakter niya sa Broken Vow at busy din sa pag-iwas sa mga tanong tungkol sa kanila ni Dennis Trillo, hindi tuloy namin naisingit itanong ang isyu sa kanila ni Chynna Ortaleza sa Legacy.
May special participation sina Bianca at Chynna sa Legacy bilang misis at kabit ni Dennis Trillo, may confrontation at sampalan scene.
Napalakas daw ang sampal ni Chynna kay Bianca na hindi naman sinasadya.
Nag-sorry si Chynna, tinanggap ni Bianca, pero sa ikinilos daw ni Bianca after, parang ’di tanggap ang sorry ni Chynna.
Agad-agad daw itong naghanap ng ice at inilagay sa pisngi niyang namula at sumakit dahil sa sampal ni Chynna.
Na-offend daw si Chynna sa ginawa ni Bianca. Tatanungin sana namin ang GF ni Dennis, pero nakalimutan namin.
Anyway, big challenge na naman kay Bianca ang role sa Broken Vow, mas mahirap ito sa Sinner or Saint at nangakong gagawin ang lahat para ’di ma-disappoint si Direk Gil Tejada Jr. at makasabay siya sa husay ng mga kasama. Ayaw din nitong ma-disappoint ang GMA-7 sa trust sa kanya, kaya kahit nahirapan sa rape scene, hindi siya nagreklamo.
Sa February 6, after Ikaw Lang ang Mamahalin, ang pilot nito.
“Eight years kong hinintay mabigyan ng lead role, ngayon pa ba ako mamimili at magrereklamo?” wika ni Bianca.
* * *
May tsikang hindi ikinatuwa nina Randy Santiago at John Estrada ang pag-iyak ng hosts ng Showtime last Saturday.
Ang feeling daw ng dalawa, inagawan sila ng eksena dahil sila nga naman ang mawawalan ng show, pero ang mga taga-Showtime ang nag-iyakan.
Hindi tuloy naiwasan nina Randy at John na magparinig dahil ang Showtime, babalik after one week, samantalang ang Happy Yipee Yehey!, up to Friday na lang yata. Sila raw ang dapat mag-emote, kaso na-preempt sila.
Dahil daw sa pag-iiyakan ng mga taga-Showtime, nag-overtime sila, may nag-walk-out tuloy na taga-HYY, kaya na-late ang pasok nito sa ere.
* * *
Tuwang-tuwa ang press sa costume ni Sheena Halili sa Alice Bungisngis and her Wonder Walis dahil para talaga siyang doll. Mula sa wig, eyelashes at costume, marami tuloy ang nagpa-picture na kasama siya.
Tsika ni Sheena, after Amaya kung saan topless siya, wish niyang ang next soap niya ay nakadamit siya, wish granted daw, pero balot na balot naman siya. Naloka rin ito’t same location ng epic serye ang location niya ngayon, iniba lang ang kubo. Maputik at malangaw pa rin, biro tuloy nito, na-miss siya ng mga langaw.
Sinag ang pangalan ni Sheena sa Alice Bungisngis, ang tanong namin ay kung Nacino ba ang apelyido nito. Wala pa ring linaw ang relasyon nila kahit exclusively dating sila, basta ini-enjoy nila ang company ng isa’t isa.
Sa Monday, bago mag-24 Oras, ang airing ng Alice Bungisngis sa direction ni Mark Reyes. Hindi pa alam ni Sheena kung bad or good doll siya rito.
* * *
Sa Daldalita, napulot ni Daisy the Bibe ang bracelet ni Daldalita at ibibigay nito kay Mateo (Ogie Alcasid), pero bigla itong babagsak dahil pinainom ng sleeping pills ni Cherry (Rufa Mae Quinto).
Maririnig ng mga hayop na sa isang resort dinala sina Katrina (Manilyn Reynes) at Daldalita (Jillian Ward).
Sumama sina Daisy kay Cherry nang puntahan nito sina Katrina at aaminin ni Cherry na hindi talaga siya buntis.
Kakalagan ng mga hayop sina Katrina para makatakas. Sa kasal nina Cherry at Mateo, uunahan ni Cherry ang tanong ng pari para makasal na sila ni Mateo.
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 59
By : Bong de Leon
THE members of the entertainment press came early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview with the lead actor, Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 59
By : Mario Bautista
THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 51
By : People's Tonight
GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 55
By : Nel Alejandrino

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family. Lalo pa nga at free from school ngayon ang only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 50
By : Vinia Vivar
FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more