Kahapon sa presscon ng pelikulang Unofficially Yours, inamin ni John Lloyd Cruz na sila na ulit officially ni Shaina Magdayao.
May mga inayos lang daw sila sa kanilang relasyon at ngayon ay okay na sila.
Ang leading lady naman niyang si Angel Locsin, masaya na sa pagiging unofficial ng kanilang relasyon ni Phil Younghusband.
Actually, sa kanya talaga mas bagay ang title na Unofficially Yours dahil up to now, wala pa rin silang official confirmation ng kanilang relasyon.
“Pero siyempre, at the end of the day, gusto mo pa ring maging official. Mahirap kasi ’yung hindi ka sure, eh. Pero mahirap din naman kasing pilitin kung hindi pa naaayon.
“May confusion, inaamin ko naman ’yun. Lalo na ’pag tinatanong n’yo ako kung ano ba, kayo ba, ganyan. Eh, hindi ko po talaga alam. Basta ang alam ko lang, may love, in love. ’Yun,” pahayag ni Angel.
So, ’yun ang official pa lang sa ngayon — in love sila ni Phil sa isa’t isa?
“Ah, masasabi ko po, yes. Nandoon po ’yung love. ’Yung label and ’yung status, ’yun po ang isang malaking question mark pa po sa akin. Na hindi pa nga po namin napag-uusapan, napag-uusapan na ng lahat. Kaya mas mahirap po.”
Aminado si Angel na masaya siya ngayon.
Showing na ang Unofficially Yours sa Feb. 15 mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.
* * *
Sa presscon ng bagong talk show na Showbiz Inside Report last Tuesday night, hindi maiwasang matanong ang isa sa hosts na si Joey Marquez about Kris Aquino, dati niyang nakarelasyon.
Bilang Kapamilya na nga naman siya ulit, for sure ay hindi maiiwasang magtagpo ang landas nila sa ABS-CBN lalo na nga’t talk show ang kanyang programa.
Ani Joey, walang problema sa kanya kung sakaling magkaroon ng chance na ma-interview niya si Kris.
“As I said, walang limitation sa akin, ang tanong, magpapa-interview ba? Kasi, ako, okay lang sa akin, eh. Kaya sabi ko, being professional in the field of my work right now, it’s my job to do my best, to deliver what is expected and suggested.
“Kung papayag magpa-interview (si Kris), why not? It would be a great honor to interview such intelligent, lovely lady like Kris,” pahayag ni Tsong.
Eh, kung baligtarin natin, paano kung siya naman ang interbyuhin ni Kris?
“Bakit hindi? Sabi ko nga, I’m a person kasi na hindi nagtatago ng kung ano, ang sa akin lang naman kasi, we should all understand na ang lahat ng bagay na gagawin sa larangan ng trabaho, dapat gampanan.
“Parang doctor, porke’t magnanakaw ’yan, hindi mo na gagamutin?”
So, okay lang sa kanya na mag-guest din sa Kris TV?
“Kung kinakailangan, kung talagang may topic na dapat ano, ’yun nga ang question, eh. Ang question dito, eh, ano nauna, itlog o manok, eh.
“Sa akin naman, sabi ko, I’m open to everything, the same manner that I’d like everybody to be open to everything.”
So far, wala pa naman daw na naka-line-up for him para mag-guest kay Kris or vice-versa.
Asked kung hindi pa ba sila nagkikita ever since ni Kris, aniya, hindi pa dahil lately, nasa bahay lang siya.
Ngayong nasa isang network na sila, open daw siya sa possibility na magkita sila ulit at wala namang problema sa kanya.
“Kung magkikita, why not? Babati. I’d like to maintain as gentleman as I can be.”
Ngayong Kapamilya na si Joey, aniya, sobrang excited siya since he considers the network as his roots.
“At saka ang advantage rito, it’s nice to see old friends that you grew up with.”
Makakasama niya sa S.I.R. sina Carmina Villarroel at Janice de Belen na dati niyang kasama sa GMA-7.
Nasa show din si Ogie Diaz na first time naman nilang makakatrabaho.
Sa Sabado, Peb. 4, na magsisimula ang S.I.R., 3 p.m. First episode nila ang kaso ng magkasintahang Ramgen Revilla at Janelle Manahan.
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 59
By : Bong de Leon
THE members of the entertainment press came early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview with the lead actor, Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 59
By : Mario Bautista
THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 51
By : People's Tonight
GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 55
By : Nel Alejandrino

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family. Lalo pa nga at free from school ngayon ang only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 50
By : Vinia Vivar
FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more