Jaclyn wonders why Mark is mad at her


Dinayo pa namin ang Lipa, Batangas para masilip kung saan ang location taping ng Valiente ng TV5.

Malawak at super-ganda ang Leviste Farms kung saan kinunan ang malalaking eksena ng bagong soap ng Kapatid Network.

Present halos lahat ng cast, maliban kina Nina Jose at Gina Alajar, na lalabas na misis ni Michael de Mesa sa teleserye, na idinirek ni Joel Lamangan.

Anyway, habang isa-isang ipinakikilala sa media ang bumubuo ng Valiente, kapansin-pansin ang pagde-dedmahan ng dating mag-asawang Mark Gil at Jacklyn Jose.

Mag-asawa rin ang role ng dalawa sa soap kaya hindi maiiwasan na madalas silang magkasama sa eksena.

Nang tinawag si Mark on stage at Jacklyn, walang anumang reaksyon ang aktor.

Pero nu’ng tinawag si Michael, excited na pumalakpak si Mark na hindi nito ginawa nu’ng umakyat sa stage ang former live-in partner niyang si Jacklyn.

Tsinika namin si Jacklyn afterwards at inamin naman nito na civil lang sila ni Mark sa taping.

Wala raw nangyayaring batian o ngitian. 

Ewan nga raw ni Jacklyn kung bakit galit sa kanya ang dating asawa.

Natawa kami nang sabihin ni Jacklyn na tuyot na si Mark samantalang siya, makatas , maganda at seksi pa rin.

Anyway, tsika pa ni Jacklyn nu’ng mabuntis ang anak nila ni Mark na si Andi Eigenmann, unang-unang tinawagan daw niya ay si Mark.

“Ganoon pala ang unang magiging reaction ng isang magulang kapag na-buntis ang anak mo. Unang-unang tatawagan mo, ‘yung ama ng bata. Okey lang at walang gaanong reaction si Mark nang sabihin ko,” kuwento ni Jacklyn.

Okey na raw si Andi and anytime next month, pu-wede na itong bumalik  sa showbiz.

May dalawang soaps daw si Andi sa ABS-CBN at wala raw balak ang anak na lumipat ng ibang network.

*  *  *

Sa taping pa rin ng Valiente sa Lipa, nakatsikahan din namin sina JC de Vera at Oyo Boy Sotto, lalabas na magkaibigan sa serye.

Ayon kay JC, walang katotohanan ang isyung ga-lit sa kanya si Daisy Romualdez dahil sa pakikipag-hiwalay niya sa anak nito na si Danica Paner.

Wala rin daw katotoha-nan na may ipinalit na siya kay Danica kaya niya ito hiniwalayan. Naging busy lang daw siya at nawalan sila ng time sa isa‘t isa kaya nag-desisyon sila na mag-cool off para mabigyan ng tamang oras ang kanilang showbiz career.

Samantala, itinanggi ni Oyo Boy na sinabi niyang galit siya kay Pauleen Luna dahil sa pakikipagrelasyon ng aktres sa kanyang ama na si Vic Sotto.

“Wala akong natatandaang sinabi na galit ako kay Pauleen. Sabi ko, ’di ako pabor sa naglalaba-sang may relasyon sila ng daddy ko,” say ni Oyo Boy.

Tsika pa ni Oyo, nire-respeto raw nilang magkapatid sinuman ang magustuhan ng kanilang ama.

Pero talagang hindi raw totoo na magkarelasyon ang daddy niya at si Pauleen.

“Si Daddy, hindi inililihim sa amin kapag may ba-gong girlfriend.  Isinasama niya kapag nagdi-dinner ka-mi. Tulad ni Tita Pia (Gua-nio) na isinama niya nu’ng mag-dinner kami. Kahit minsan, hindi nakasama ni Daddy si Pauleen. Kuya pa nga ang tawag sa akin ni Pauleen,” say pa ni Oyo Boy.

*  *  *

Ipinagdiinan ni Janno Gibbs sa presscon ng Alice Bungisngis na hindi toto-ong nagkaroon siya ng depression kaya nawala pansamantala sa showbiz.

“Dumarating sa buhay ng tao na napapagod din. Hindi na tayo teenager nga-yon kaya madaling mapagod. That time na nangyari ‘yun sinabi nilang depress daw ako dahil marami akong ginagawa.

“Dahil sa pagod, ma-dalas akong ma-late sa shows na kasama ako, ma-ging sa Eat Bulaga kaya kinausap ako ni Ma’m Ma-lou Choa Fagar (manager niya that time) na magpa-hinga muna sa EB para maiwasan ang pagiging late ko.

“Naintindihan ko naman si Mam Malou kaya nawala ako sa Eat Bulaga. Pero sabi ko sa kanila, anytime na kailangan ako, nandito lang ako,” paliwanag ni Janno.

Samantala, sa launching ng Alice Bungisngis, na-katsikahan din namin ang mother ni Bea.

Itinanggi nito na si Derrick Monasterio na ang manliligaw ng kanyang anak

Matigas nitong paha-yag: “No, hindi pa puwedeng ligawan si Bea. Fourteen  years old pa lang siya kaya  ‘di totoo ang tsismis na ardent suitor ng anak ko si Derrick.”

Itinanggi rin nito na si Derrick ang magiging ka-loveteam ni Bea.

Ang GMA7 management daw ang bahala sa career ng kanyang anak at kung sino raw ang gustong itambal kay Bea ng management ‘yun ang  masusunod.



Showbiz News

Raymart snubs presscon

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 59
By : Bong de Leon

THE members of the entertainment press came  early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview  with the lead actor,  Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more

Luis a good catch for Jennylyn

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 59
By : Mario Bautista

THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more

Thumbs up for 'The Road'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 50
By : People's Tonight

GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 55
By : Nel Alejandrino

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family.         Lalo pa nga at free from school ngayon ang  only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more

Angeline sapped Coco's strength

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 50
By : Vinia Vivar

FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC