ANAK ng isang factory worker ang 10 years old na si Roseanne Magan, ang bagong ilulunsad ng GMA7 sa pamamagitan ng "Biritera" simula sa February 6. Ito ang isusunod nila sa slot na iiwan ng “Munting Heredera” na umabot hanggang 9 months sa ere kung kaya't kailangang sundan ng isa pang teleserye na tiyak na hahanapin ng televiewers.
Jinky Mae Magan sa tunay na buhay, si Roseanne ay isa sa pitong anak nina Juanito Magan at misis niya. Taga-Mandaluyong City sila at nasa third grade na si Roseanne sa Eulogio Rodriguez Integrated School. Gusto raw niyang makatulong sa Papa niya kaya nagpilit siyang mag-audition nang araw na iyon sa GMA7. "Inabot po kami ng 9 p.m.," kuwento ni Roseanne. "Nag-alala nga po ang Papa ko na baka kung ano ang mangyari sa amin sa daan. Nag-explain ang tita ko na kasama ko noon na okey lang kami kaya hindi na siya nag-alala.”
Sa sampung nasalihang singing contest ni Roseanne, lima ang naipanalo niya. “Sa haba nga po ng pila (sa GMA), akala ko, wala na akong pag-asa. Magagaling po ang mga nauna sa akin. Tapos po ng audition, ilang beses po kaming pinabalik-balik. Iyon pala, minamasdan na nila ako dahil hindi lang pala singing contest 'yun kundi teleserye. Magiging artista na po pala ako at bida pa.”
Kung ninerbiyos siya sa iba't ibang workshop na ginawa niya, mas ninerbiyos siya nang tawagin para kumanta sa grand launch ng teleserye kung saan makakasama niya sina Dennis Trillo, Claudine Barretto (in a special role as Roseanne's mother), Angelica dela Cruz, Rich Asuncion, Ryan Eigenmann, Yul Servo, Ces Quesada, Kim Komatsu, Hiro Magalona, and Barbara Miguel as Darling. You will remember Barbara as the batang kontrabida in “Munting Heredera” na nagpahirap nang husto sa mga bidang sina Mona Louise Rey at Kyle Danielle Ocampo. This time, si Roseanne naman ang pahihirapan niya.
DENNIS, PINAIYAK SI ROSEANNE
SAMANTALA, naniniwala si Dennis Trillo sa kakayahan ni Roseanne. Aniya, maamo ang mukha ng batang ito, isang katangian na makatutulong para maipadama niya sa public ang husay niya sa pag-arte. Nang gabing 'yon, habang kumakanta si Dennis, napaiyak ang bata. Parang damang-dama niya ang kanta ni Dennis na "Pagsubok." Siguro, nararamdaman niya ang pinagdaanan niyang buhay dahil galing siya sa isang mahirap na pamilya. Noong Pasko nga, muntik na siyang iwanan ng kanyang pamilya para alagaan ng kanyang lola sa Samar. Siya kasi ang napili ng lola niyang iwan sa kandili niya dahil magaling daw kumanta. Nagpalahaw siya ng iyak dahil ayaw niyang mahiwalay sa Mama niya at ibang kapatid. Kaya ayun, dalawang elder brother na lang niya ang nagpaiwan sa Samar at bumalik na sila uli dito sa Mandaluyong. Kung nagkataon, hindi siya ang napiling bida sa “Biritera.”
BIANCA, DELIKADO SA BAGONG AKTRES
MULING pinutakte si Dennis Trillo ng walang kamatayang tanong tungkol kay Bianca King sa presscon ng 'Biritera.' Pero aminin man niya o hindi, alam naming si Bianca talaga ang nagpapasaya sa puso niya after Jennylyn Mercado.
Naku, delikado si Bianca kay Kim Komatsu na gumaganap bilang Gwen ang choir master na kasama ni Dennis sa banda. Mas maganda raw kasi si Kim kaysa kay Bianca, kahit sa tingin ko’y mas malakas naman ang appeal ni Bianca.
Malalaman natin habang tumatakbo na ang serye kung may magaganap ngang ibang serye sa buhay nina Dennis, Bianca at baguhang si Kim.
CLAUDINE, WALANG BALAK BUMALIK SA ABS-CBN
DINENAY ni Claudine Barretto na gusto nitong bumalik sa ABS-CBN. Hindi pa raw tapos ang kontrata niya sa GMA at masaya siya sa mga project na ibinibigay ng network. Inuunawa din nila ang concerns ni Claudine, kung kaya't alam nila kung bakit mapili ito sa projects na gusto niyang gawin.
“She’s a prized possession at alam namin ang mas makabubuti sa kanya as far as projects are concerned," sabi ng isang TV exec. " At walang problemang hindi napag-uusapan.”
Anang TV exec, hindi nga raw sila nahirapang kausapin si Claudine na tulungan ang bagong batang aktres na si Roseanne. Pumayag siyang gumanap bilang ina nito. "And yes, bubuhos ang masaganang luha kapag ipinalabas ito," paniniyak ng TV exec.
IMEE, BILIB SA MGA ARTISTA NIYA
MISMONG sina Vilma Santos at Nora Aunor ang pinabilib nina John Wayne Sace at Alwyun Uytingco sa kanilang pag-arte kaya't may katwiran si Madam Imee Marcos na ipagmalaki ang indie movie niyang “Pinta Kasi” na ipalalabas na sa Feb.8 sa ilang SM Cinemas kung saan kasama rin sina JM De Guzman at Erich Gonzales.
In fact, “anak" pa rin ang turing ni Madam Vilma kay John Wayne hanggang ngayon. Naging anak kasi ng Star for all Seasons si John Wayne sa pelikulang "Anak" kung saan ito nanalo bilang best child actor sa iba't ibang award-giving bodies. Nasubaybayan ni Gov. Vi ang pagbibinata nito hanggang gumanap bilang young Robin Padilla sa teleseryeng “Guns and Roses” ng ABS CBN
Anang producer na si Madam Imee: “Mismong director ko ang pumili kay John Wayne dahil ang kailangan niya ay hindi lamang magaling umarte kundi magaling ding sumayaw. Astig ang role ni John Wayne bilang si DJ na ang ibig sabihin ay makabagong Dr. Jose (Rizal)."
Si Alwyn naman ay napansin sa teleserye ng nag-iisang superstar (Nora Aunor) sa TV5 kamakailan lang. Totoong sa maraming pagkakataon ay nakapagnakaw siya ng eksena, maging sa superstar at kay Christopher de Leon mismo. Maraming beses siyang pinalakpakan sa premiere pa lang ng naturang teleserye sa SM North The Block cinema.
Si JM naman, tuwang-tuwa si Madam Imee. “Napakabait at matiisin ang batang iyan. Lagi siyang kausap ng mga crew. Nakiusap siyang matulog na lang sa location tuwing matatapos ang shoot kaysa umuwi pa. Magastos daw. Iyon, hindi lamang magaling na actor ang nakuha namin kundi tagabantay pa ng gamit sa location.”
Kontrabida kay John Wayne ang role ni J.M. sa "Pinta Kasi" at sidekick niya si Alwyn. "Hindi ko tuloy siya ma-imagine na napakaamo ng mukha kapag napapanood ko sa 'Angelito: Ang Batang Ama',” ani Madam Imee.
“Lahat silang tatlo ay magagaling. Kaya nga, sa susunod kong project, ang “Lam-Ang” posibleng kunin ko pa rin sila, pati na rin si Erich."
Samantala, sana raw ay dibdibin ni Madam Imee ang pakiusap ng movie press na dalas-dalasan ang pagpo-produce ng pelikula, mapa-mainstream o indie para makatulong siya sa industriya. Madam Imee kasi has the charm of her mom, former First Lady Imelda Marcos. Their love for filmmaking and the arts is infectious.
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 59
By : Bong de Leon
THE members of the entertainment press came early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview with the lead actor, Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 59
By : Mario Bautista
THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 50
By : People's Tonight
GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 55
By : Nel Alejandrino

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family. Lalo pa nga at free from school ngayon ang only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 50
By : Vinia Vivar
FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more