Annabelle: I'm not a pimp!


HINARAS-HARASS ng isang bading na talent manager ang isang waiter sa isang videoke bar sa QC kaya muntik siyang masapak nito.

Ang talent manager pa ang nagalit sa kabastusang ginawa at nagreklamo pa sa manager ng videoke.

Nagsumbong ang talent manager sa manager ng bar. Kinampihan siya ng manager dahil ang pahayag ng talent manager, milyonaryo siya dahil mayayaman ang kliyente sa business niya.

Eh, rason ng waiter, hindi naman niya kilala ang manager.

Pero mas pinakinggan ng manager ng bar ang katwiran ng talent manager na that time, nagpa-party sa bar niya.

In-assign na lang daw sa isang branch ng bar ang pobreng waiter para hindi na makita ng talent manager, huh!

Nang malaman namin kung sino ang talent manager na ’yon, tumaas na lang ang kilay namin dahil hindi naman sikat na sikat ang kanyang alaga.

May artista man siyang kliyente, matagal na siya sa showbiz, disinsana’y hindi siya mukhang gusgusin pa rin!

Granting na milyonaryo na ang manager, aba, alagaan niya ang pera niya’t manatili siyang humble, ’no!

* * *

Galit na galit pa rin si Annabelle Rama kay Nadia Montenegro na binulyawan at minura-mura matapos ang hearing nila sa San Juan last Monday.

Tungkol ito sa kasong theft na isinampa niya sa nanay ng talent niyang si Ynna Asistio.

"Sinungaling talaga siya! Hindi ko pinabebenta ang mga gamit ko at wala siyang binigay sa aking pera!" paliwanag ni Annabelle.

Pati nga si Ynna, nagsalita na rin ng reklamo sa manager tungkol sa biyahe nila sa Cebu kung saan pinagsuot umano sila ng sexy para ipakilala sa mga lalaking kaibigan.

“Naku tinuruan na ’yan ng nanay niya! Nahawa na rin siya sa pagiging sinungaling niya. ’Wag nila akong pagbintangang binubugaw ko siya! Ni wala nga silang boobs at hindi sila maganda, ’no?

“Kaya ko sila pinagbibihis ng presentable kasi ’yung mga damit nila, galing sa nanay nila! Niretoke kaya kasi mga luma.

"Eh, si Nadia, kirat na ang mata. Nasagi ni Sto. Niño ’yan kaya kirat na ang mata niya ngayon! Ipinagdasal ko silang lahat sa Sto. Niño!" patuloy pa ni Annabelle.

Paano kung bilhin nila ang kontrata ng mga anak ni Nadia?

"Eh, ’di bilhin nila! Bakit may pera ba sila? Magdusa sila dahil hindi ko pakakawalan sa kontrata ang mga anak niya," umuusok pa ring deklara ni Annabelle.

* * *

NAPAKATIYAGANG maghintay ni Gabby Eigenmann upang dumating ang tamang oras na ma-recognize ang pagiging actor at nasuklian namang lahat ng hirap niya dahil heto, leading man na ang status niya sa afternoon prime drama ng GMA na Broken Vow.

Nagsimula ang lahat ng magagandang breaks dahil sa papatapos na Munting Heredera kung saan kontrabida siya.

Hinahangaan ang husay niya kaya nabiyayaan naman siya ng best supporting actor award ng Entertainment Press Society.

“Sabi ko nga, we’ve talked about it before. Kelan ba ako magiging bida? Kaya ko ba? Heto na ’yon. Coming from… aminin na natin. Number one show ang Munting Heredera. Primetime. Tapos nabigyan ako ng show na afternoon prime  kaagad.

“Oo, nag-afternoon show na ako, pero ngayon, hindi ako sanay. Ito nga, inaasar nga nila ako. Sa lahat ng nilabasan ko, sa presscons at kasama sina Gabby Eigenmann… Ito, una ako! Sabi ko, ‘teka, ano ito? Pressure na ito! Cloud nine!’” tuwang-tuwa pahayag ni Gabby na pinagkakaguluhan na ng press sa interview, huh!

Ano naman ang sabi ng daddy niya (Mark Gil) sa magagandang roles niya?

“Sarap! ‘Congrats, huh! ‘Saan?’ ‘’Yung nangyayari sa ‘yo?’ ‘Bakit?’ ‘Finally may bago ka raw show! Panonoorin ko ’yan!’ Heto na ang advice, ‘Just remember the craft! Always be serious about your work!’

“The good thing about is nagpapalitan kami ng advice. Kasi what I’ve learned from the business, aside from the craft, is the politics. ’Yung matuto kang makibagay sa mga tao.

“My dad was like that. He’s nice. He’s sweet to those sa gusto lang niya. Sabi niya, maging mabait ako sa set kasi that was what I learned from him.

“At siyempre, ’pag magiging mayabang ako, ang natutunan ko naman daw sa kanya is the craft. Happy naman siya and he was so proud. Long overdue daw! Hahaha!” paliwanag ni Gabby.

* * *

DINAGSA agad ang Araneta Coliseum nu’ng Lunes nang maglabas ito ng tickets para sa Jose & Wally Show sa Araneta… Party for EveryJuan na gaganapin sa March 2.

To think na marami pang shows na naka-line-up sa Big Dome ngayong buwan, huh!

Sensyales ito na magiging box-office hit ang first major concert ng Eat Bulaga hosts kahit sobrang kaba ang nadarama nila ngayon.

Eh, malaking tulong din naman ang hatak nina Jose at Wally sa EB segment na Juan for All, All for Juan kaya kasabik-sabik na silang mapanood sa Araneta, huh!

Idagdag pa riyan ang presence nina Tito, Vic at Joey, Ai-Ai de las Alas, Aljur Abrenica at iba pa, sure hit na ang una nilang pasabog sa Big Dome.

Puwede na silang lumebel sa local at foreign artists na pumuno ng nasabing venue, huh!



Showbiz News

Raymart snubs presscon

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 58
By : Bong de Leon

THE members of the entertainment press came  early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview  with the lead actor,  Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more

Luis a good catch for Jennylyn

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 59
By : Mario Bautista

THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more

Thumbs up for 'The Road'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 50
By : People's Tonight

GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 55
By : Nel Alejandrino

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family.         Lalo pa nga at free from school ngayon ang  only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more

Angeline sapped Coco's strength

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 50
By : Vinia Vivar

FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC