Glaiza not closing her doors on Dennis


HINDI after sa rating ng show si Attorney Persida Rueda Acosta kungdi ang makatulong at magampanan ang tungkol sa public service show niyang Public Atorni: Asunto O Areglo ng TV5. Kaya naman kahit nagpalit sila ng timeslot ng Face To Face ni Amy Perez simula kahapon, Lunes, ipinagdiininan niyang walang kumpetisyon at wala silang away ng TV host-actress.

After one year sa ere on a weekly time slot, araw-araw na ang “mediation on air” program ng Public Attorney’s Office Chief. Pero walang conflict sa show nila ni Amy na halos magkapareho ng tema?

“Pareho ng batas ang ina-apply pero magkaiba ang pangyayari sa tunay na buhay. Ito po ang pagkakaiba namin… Sa umpisa pa lang ay binabawal ko na ang murahan. Bawal ang suntukan sapagkat ito po ay aura ng isang courtroom kung saan may kapangyarihan ang  aming opisina na mag-mediate. Kasi po, mula po nang ako ay umupo, mahigit kalahating milyong mediation cases ng hinawakan ng PAO,” pahayag niya at ipinakita sa video ang bilang ng mga kasong naresolba ng office niya  sa pamamagitan ng mediation.

Natanong din si Atty. Persida sa kasong namamagitan kina Annabelle Rama at Nadia Montenegro sa kung anong puwede niyang gawin nu’ng presscon na ipinatawag niya.

“Kung gusto nilang magpa-mediate sa office, ituturing kung unlimited ang services namin para maayos namin ’yan. Meron nga kaming guwapong cook sa Malacanang na imi-mediate namin ang kaso tungkol sa estate. Hingin ko muna ang approval ni P-Noy kung papa-yag ma-televise! Ha! Ha! Ha!” sagot ni Atty.

Pero nilinaw ni Atty. Persida na walang conflict sa trabaho niya ang taping ng kanyang show dahil tuwing Sabado at Linggo ang pakikipagharap niya at paggawa ng solusyon sa mga taong hindi nagkakaunawaan.

* * *

HUMAHATAW na sa ratings ang Eat Bulaga sa Mindanao nitong nakaraang linggo. No wonder, natutuwa ang namamahala sa program dahil ilang taon ding pinagsisikapan ng programa na makakuha ng malaking viewership sa parteng ’yon ng bansa.

As we all know, patuloy pa ring namamayapagpag sa ratings ang EB sa buong Maynila at karatig probinsiya. Maging sa parte ng Visayas, malaki-laki na rin ang audience share ng programa kaya inspirado ang nasa loob ng show.

Alam ng EB na sibak na naman ang katapat nilang show at merong bagong show na namang itatapat sa kanila. Pero hindi titigil ang program upang lalo pang palakasin ang programa hindi lang sa Metro Manila, Luzon at Visayas kungdi maging sa Mindanao.

Siyanga pala, sa kababayan natin sa San Francisco, California, isang pabulosong show ang handog ng EB Dabarkads sa March 31 na gagawin sa Cow Palace!

* * *

AYAW isara ni Glaiza de Castro ang pinto niya kay Dennis Trillo na leading man niya sa GMA drama na Biritera na mapapanood na sa Feb. 6 after 24 Oras.

“Basta masaya  ako sa nangyayari sa buhay ko. Kung meron mang darating, gusto ko alagaan ako eh,” rason ni Glaiza.

May mga dumarating naman ngayong mangliligaw sa young actress pero siya ang ayaw mag-commit sa isang relasyon.



Showbiz News

Raymart snubs presscon

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 58
By : Bong de Leon

THE members of the entertainment press came  early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview  with the lead actor,  Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more

Luis a good catch for Jennylyn

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 59
By : Mario Bautista

THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more

Thumbs up for 'The Road'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 50
By : People's Tonight

GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 55
By : Nel Alejandrino

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family.         Lalo pa nga at free from school ngayon ang  only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more

Angeline sapped Coco's strength

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 50
By : Vinia Vivar

FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC