Ynna proves she can function even without her manager


Payat na palang talaga si Ynna Asistio. Nakita namin siya kahapon sa launching ng website ni Dr. Ninia Rodilde Luna na www.dentalfocus.com.ph na ginanap sa EDSA Shangri-la.

Tsinika namin siya at sey niya, matagal na raw siyang pumayat kaya nga nang makita raw siya ng GMA bosses sa kasal nina Ogie Alcasid and Regine Velasquez, binigyan siya ng project dahil nag-lose na nga siya ng weight.

Si Annabelle Rama pa rin ang manager niya dahil sey nga niya, “’yun nga po ang reason kung bakit nagkakaroon ng demanda, ayaw po niya kaming i-release.”

Pero dahil nga sa problema nila, siyempre ay hindi na raw nakaka-function as a manager sa kanya si Annabelle kaya siya na raw ang naghahanap ng project para sa sarili niya.

“Ako na po lahat, pati ang pakikipag-usap. Kahit po ’pag dumadaan sa mommy ko (Nadia Montenegro), pino-forward na niya sa akin. Kasi, ang akin lang naman po, kaya ko rin naman po.

“Kumbaga, ang gusto ko lang i-prove sa kanya (Annabelle) ngayon, kahit na manager ko pa rin siya, na kahit paano, kaya kong mabuhay or gumawa ng paraan para sa sarili ko pagdating sa trabaho.”

Ayon kay Ynna, ang alam daw niya ay hanggang 2013 na lang ang kontrata niya kay Annabelle pero naiba raw ito.

“Isa rin po sa ipinaglalaban ni mommy, iniba niya po ang contract ko, ginawa niyang 5 years instead of 3 years. So, ’yon ’yung ipinaglalaban niya sa amin, ang pinirmahan daw namin is 5 years. Ang totoo po nu’n, 3 years lang.

“So, hindi po namin alam kung paano nangyari ’yun. Kaya ang hirap po kasi ’di ba, sabi ko nga, kung ganu’n, kahit na mahirap sa akin na ngayon, ako nga po ang kumukuha ng trabaho, ako lahat, may komisyon siya, parang okay na rin, para wala na rin siyang masabi.

“Basta ang alam ko, hindi ko siya pinahihirapan kagaya ng ginawa niya sa amin,” sey pa ni Ynna.

Ano bang pahirap ang ginawa sa kanila ni Annabelle?

“Dami po, kasi po kahit magpa-Pasko at magnu-New Year nu’n, talagang hindi po kami tinigilan. Ang alam ko po, ginagawa niya talaga ang lahat para sumuko si mommy, para tumigil na magdemanda or tumigil na ipaglaban ’yung case.

“So ako po, nakasuporta lang ako kay mommy kasi alam ko, tama ang ginagawa ng mommy ko.”

Natanong din namin kay Ynna ang tungkol sa tsismis sa mommy niya at kay JM de Guzman. Ayon sa dalaga, friend daw nila ang nasabing Kapamilya actor.

“Ang maganda kasi sa mommy ko, kung sino ’yung kaibigan namin, kaibigan niya. Na-link din naman siya kay Mark (Herras, her boyfriend) ’di ba? Lahat talaga ng lalaki, nili-link sa mommy ko.

“Ang masasabi ko lang, wala talaga akong magagawa kung ang mommy ko, close sa mga kaibigan ko at wala akong magagawa kung mabait ang nanay ko sa mga kaibigan ko. Lahat nga ng kaibigan ko nagpapasalamat na kaibigan nila si mommy, eh.

“So, ako, bahala na po kung ano ang isipin ng mga tao. Masaya lang po ako na ang mga kaibigan ko, nakakahanap ng isa pang nanay sa nanay ko.

“Sobrang kapatid na po ang turingan namin ni JM, sobrang close po talaga kami sa kanya. Kung ano ’yung nangyari kay Mark noong una, ganundin kay JM.

“Pero nung naiisyu-isyu na, medyo umiwas na rin kasi parang ano ba ’yan, naaawa na nga ako sa nanay ko, parang lahat na lang, pati ba naman mga bata, ili-link pa?” sey ni Ynna.

Samantala, ayon sa dentistang si Dra. Ninia, isa lang si Ynna at ang pamilya Asistio sa mga kliyente niya. More than 100 stars daw ang kanyang hina-handle and mostly ay Kapuso stars.

Sa launching kahapon ng kanyang bagong website, namataan din namin doon sina Rochelle Pangilinan, Luis Alandy, Bobby Andrews, mag-asawang Ronnie Ricketts and Mariz gayundin sina Aubrey Miles and Troy Montero, ilan sa mga Sex Bomb Girls, Bella Padilla, Ruby Rodriguez, among others.



Showbiz News

Raymart snubs presscon

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 58
By : Bong de Leon

THE members of the entertainment press came  early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview  with the lead actor,  Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more

Luis a good catch for Jennylyn

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 59
By : Mario Bautista

THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more

Thumbs up for 'The Road'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 50
By : People's Tonight

GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 55
By : Nel Alejandrino

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family.         Lalo pa nga at free from school ngayon ang  only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more

Angeline sapped Coco's strength

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 50
By : Vinia Vivar

FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC