Tito, Vic & Joey receive LV bags from Willie


BATI na nga pala talaga sina Tito, Vic & Joey at Willie Revillame matapos ang mahabang taon ng “pagpapalitan ng maaanghang na salita” dahil na rin sa programang Eat Bulaga at noo’y Wowowee ng ABS-CBN 2.      Ayon kay Senate Majority Leader Tito Sotto, pinadalhan sila ng tig-iisang bag na Louis Vuitton kamakailan ni Willie, bagay na ikinatutuwa hindi lamang ng senador, kundi pati na rin nina Vic at Joey.

“Si Vic pa ang may dala pagpasok sa Eat Bulaga. Nang tanungin namin kung kanino galing, ipinadala raw ni Willie. Sabi ko nga kay Vic, sinong Willie? Willie Revillame? Oo raw sabi ni Vic,” kuwento ni Sotto sa ilang Senate mediamen.

Hindi makumpirma ng beteranong senador kung ‘Christmas gift’ ba ito sa kanila o bahagi na ng Chinese New Year.

Sabi ng mister ng multi-awarded veteran actress na si Helen Gamboa, nagpapasalamat daw kasi sa kanila si Willie dahil tuwang-tuwa ito nang minsang i-impersonate ni Jose Manalo ang panggabing host ng TV5 Kapatid Network na Wil Time Big Time.

Hindi ba’t naging co-host pa ni Willie si Megastar Sharon Cuneta na paboritong pamangkin nina Sotto at Gamboa? So mukhang all’s well, that ends well. 

Hanggang ngayon, malapit nang pumalo sa isang milyon ang ‘hits’ ng panggagaya ni Manalo kay Willie na ini-upload sa YouTube.

Ang panggagayang ito ay nangyari noong Disyembre 17 ng nakalipas na taon nang sugurin ng EB Dabarkads sa kanilang Sugod Bahay portion ang Bgy. Doña Aurora, Quezon City.

Isang maybahay dito ang nagkamaling tawagin ang partner ni Jose na si Wally Bayola na Willie.

Sa kakulitan, inulit-ulit pa nina Vic at Jose kung Wally ba o Willie ang kanilang narinig. Ngunit ipinagdiinan ng ginang na Willie Revillame ang kanyang pinasasalamatan, bagay na pinagkatuwaan ng mga manonood, gayundin ng ng You tTube fanatics.

Ang catch dito, ginaya ni Jose ang lahat ng ginagawa ni Willie, kabilang na ang ‘mannerism’ nito na paggalaw ng balikat, pagpunas ng pawis sa mukha at pati na rin ang pagtawag ng nanay sa ginang, pagsayaw at pagkumpas sa pagpapahinto ng music.

Sa kanyang programa, pinasalamatan din ni Willie ang TVJ at sinabing isang malaking karangalan para sa kanya ang i-impersonate ng sikat na sikat na Dabarkads.

“Ang ginawa nina Vic Sotto at Joey  na ina-appreciate nila ang ating programa at na-appreciate naman din ako. Ganoon din naman ang buhay. Eh karangalan po namin na mabanggit ako ng Number 1 noontime show na undefeated, undisputed,” ani Willie.

“Saludo ako sa Eat Bulaga dahil walang personal. Kinanta pa iyong kanta ko na ‘Ikaw na nga’ ni Jose. Nagkendeng-kendeng pa, nagtantaranta pa. Lahat nag-congratulations pa. Nag-amazing pa. Lahat po ng ginagawa, nag-red white and blue, ginaya pa si Shalani. Karangalan namin na Tito, Vic and Joey at Dabarkads sa Eat Bulaga. Eh kami mababanggit ibig sabihin nu’n po, maganda ang ginagawa ng programang ito. Eat Bulaga pa,” dagdag pa ng milyonaryong host.



Showbiz News

Raymart snubs presscon

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 58
By : Bong de Leon

THE members of the entertainment press came  early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview  with the lead actor,  Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more

Luis a good catch for Jennylyn

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 59
By : Mario Bautista

THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more

Thumbs up for 'The Road'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 50
By : People's Tonight

GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 55
By : Nel Alejandrino

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family.         Lalo pa nga at free from school ngayon ang  only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more

Angeline sapped Coco's strength

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 50
By : Vinia Vivar

FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC