Sina Richard at Raymond Gutierrez ang katabi ni Kris Aquino na nanood ng Annebisyosa concert ni Anne Curtis. Naging close ang tatlo nang magbakasyon sa New York, pero bakit sa birthday ng kambal, si Raymond lang ang niregaluhan ng TV host-actress ng LED TV?
Hindi lang sina Richard at Raymond ang Kapuso na nanood ng concert ng Kapamilya talent, naroon din sina Solenn Heussaff, Tim Yap at Isabelle Daza. Kapuso rin ang director ng concert na si Rico Gutierrez.
Ano kaya ang reaction ni Solenn nang umapir na topless sa stage si Derek Ramsay? Curious din kami sa reaction ni Erwan Heussaff nang mag-duet ang mag-ex na sina Anne at Sam Milby.
Successful ang concert ni Anne, nangangamoy repeat, dedicated niya sa non-singers ang concert. Aliw dahil pati mali ni Anne ay pinalakpakan at may number pa siyang ipina-take two dahil nagkamali siya ng pasok. Hahaha!
Sina Kris at Anne ang magkasama sa bagong soap ng ABS-CBN na Kailangan Ko’y Ikaw na sabi’y si Robin Padilla ang leading man at si Joyce Bernal ang director.
* * *
Naging super close ang cast ng Munting Heredera, kaya malungkot ang lahat at may usapan silang magkita once a month para magkuwentuhan o mag-videoke.
Dahil sa Muher, na-rediscover ang ilan sa kanila, gaya ni Leandro Baldemor, hindi na lang daw siya bold star. Karamihan ay may next project na sa GMA-7.
Si Gabby Eigenmann nasa Broken Vow, sina Neil Ryan Sese at Barbara Miguel ay nasa Biritera. Ang iba’y magre-rest muna, gaya ni Gloria Romero, pero sabi ni Direk Maryo J. delos Reyes, sa March, may family drama uli sa GMA-7 ang aktres.
Samantala sa Muher mamaya, sasabihin ni Michelle (Kylie Ocampo) kung saan nagtatago ang ama, pero ‘di ito susuko. Matatanggap na rin ni Simeon na hindi siya mamahalin ni Sandra (Camille Prats). Mababaril siya ng pulis.
* * *
’Katuwa ang kuwento ni Roseanne Mangan, ang batang introducing sa Biritera dahil akala’y singing contest ang audition na pinuntahan sa GMA-7, hindi nito alam na soap opera ang gagawin. Turning 10 years old sa February 22 ang bata at okey sa kanya na from Jinky, Roseanne na ang name niya sa showbis.
Umiyak si Roseanne nang kantahan ni Dennis Trillo dahil na-feel niya ang kanta. Kino-congratulate siya ng classmates niya sa Earist at ang kikitain niya sa Biritera ay ibibili ng gamit sa bahay nila, gamit ng anim na kapatid at mga gamit niya.
Naloka ang bagets sa biro ng press na bigyan sila ng kaldero na ginagawa ng ama sa pinapasukang factory. Sumasali na sa singing contest si Roseanne kaya wala ng kabang bumirit.
* * *
Last week na rin ng Daldalita at sa episode mamaya, hindi pa rin magkikita ang mag-amang Mateo (Ogie Alcasid) at Daldalita (Jillian Ward). Dadalhin sa presinto sina Daldalita dahil napagkamalang magnanakaw si Tanzan (Raymart Santiago) ng kapitbahay na umakyat ng bakod para maghanap ng tubig.
Nasa police station din sina Sam (Marc Abaya) at Katrina (Manilyn Reynes) para i-report ang pagkawala ni Marga (Julie Ann San Jose). Hahatakin ng una ang huli palabas ng presinto para hindi makita si Daldalita. Hindi rin papayag si Cherry (Rufa Mae Quinto) na malaman ni Mateo na buhay pa ang anak, itatapon nito sa aquarium ang celfone ni Mateo bago pa matawagan ni Katrina.
* * *
Sa Kokak, hindi matanggap ni Carl (TJ Trinidad) na anak si Kara (Sarah Lahbati) ng taong naging dahilan nang pagpapakamatay ng ate niyang si Vicky, kaya iiwan niya ang nobya. Hindi nito pakikinggan ang pakiusap ng dalaga na ’wag idamay ang relasyon nila.
Nagselos na naman si Norman (Gian Magdangal) kay Renato (Gary Estrada) at sasaktan uli nito si Angela (Jessa Zaragoza). Dumating si Kara at sinabing ang parents ang sinisisi nina Carl sa pagkamatay ng ate niya. Hindi papayag ang ina ng BF na magkatuluyan silang dalawa.
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 58
By : Bong de Leon
THE members of the entertainment press came early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview with the lead actor, Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 59
By : Mario Bautista
THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 50
By : People's Tonight
GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 55
By : Nel Alejandrino

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family. Lalo pa nga at free from school ngayon ang only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 50
By : Vinia Vivar
FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more