Dennis: Gwen ready for kissing


NAGKATAON lang daw na after Carlene Aguilar, pawang mga artista ang naging girlfriend ni Dennis Trillo. Hindi raw niya plinano ito.

Biro nga ni Dennis sa interbyu namin sa presscon ng Biritera, “Sila ang nai-in- love sa akin! Ha! Ha! Ha! Wala na ako magawa, so, sige! Loko lang ’yon, huh!”

Sa tingin ba niya, mai-in-love sa kanya si Glaiza de Castro na kapareha ngayon?

“Hindi! Hindi! Kaibigan ko ’yan!” tanggi niya.

Pero si Gwen Zamora ang isa rin sa kapareha niya na nakahalikan niya sa isang eksena palaban din, huh!

“Palaban ba?  Ewan ko ba sa GMA at palaban ang binibigay sa akin! Ha! Ha! Ha!”

Isang smack pa lang ang halikang nagawa nila ni Gwen kaya hindi pa niya malasahan masyado ang eksenang ’yon.

“Tingnan natin sa susunod!” saad ng aktor.

So naghihintay pa siya ng kasunod?

“Hindi naman. Sigurado meron pa. Kasi ’yung eksenang ’yon, nu’ng isang araw lang namin kinunan,” rason ni Dennis.

Sabi ni Gwen, sayang daw kung walang mangyayari.

“Naku, huwag siyang…Ha! Ha! Ha! Loko lang. Gusto ko lang kayong patawanin. Hindi. Hindi. Baka may magalit sa atin,” dugtong ng aktor.

Baka pagselosan ni Bianca sina Gwen at Glaiza, huh!

“Hindi naman. Trabaho lang ’yon. Hindi naman ako nagseselos sa katrabaho niya at ganoon din siya sa akin. Kasi parehong malawak na ang pag-iisip namin sa aspetong ’yon! Bakit kailangang magkaselosan?” katwiran ni Dennis.

Pero sabi ni Bianca, pinapaubaya na raw niya ang buhay niya sa kanya.

“Wala, wala pa talaga! Nasabi lang siya ’yon… Nakita niyang naging mabuting kaibigan ako. Nandoon ang tiwala niya sa akin. So bilang kaibigan, nandoon ‘yung pag-aalaga!” rason ng aktor.

* * *

PINOY na Pinoy pala ang hitsura ni Kenneth Salva at tisoy na tisoy naman ang dating ni John Miller na bida sa indie film na Bola.  Rumampa ang dalawa sa birthday party nina Gorgy Rula (Abante Tonite) at Shirley Pizarro (Manila Bulletin) sa Music Bank sa Timog, QC.

Kapwa malalaki ang kaha ng dalawa at magkaiba rin naman ang kaguwapuhan nila, huh! Mas mahiyain nga lang ang dating ni Kenneth hindi gaya ni John na game tumagay ng shooters at nag-videoke pa, huh!

Nagkalat nga ang indie boys sa party at tanging si John Ray Tanada lang ang kakilala namin. Pero game naman silang himas-himasin at landi-landiin, huh!

Present din sa party si Sen. Bong Revilla, Jr. Nasa Amerika kasi si Congresswoman Lani Mercado kasama ang nagpapagamot sa anak na si Jolo Revilla kaya hindi nakarating ang fave actress ni Gorgy, huh!

Fresh na fresh namang dumating na parang bagong ligo ang lovers na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Nandoon din ang unwed mothers na sina Jennylyn Mercado at LJ Reyes. Akala namin ay hindi babati si Jen kay Malou Choa Fagar ng Eat Bulaga matapos ang denial na walang negosasyon sa kanya o sa manager nito sa kumalat sa Twitter na papalit siya kay Iza Calzado bilang host.

Naging konsentrasyon kasi ngayon ni Jennylyn ang hosting kaya wala siyang drama project ngayon sa GMA so hindi natin siya masisisi kung may magkalat man magiging bahagi na siya ng noontime show.

Ilan pa sa mga dumalo sa party nina Gorgy at Shirley ay sina  Mother Lily, Joan Maglipon of Yes mag, Benjie Paras at iba pa.



Showbiz News

Raymart snubs presscon

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 58
By : Bong de Leon

THE members of the entertainment press came  early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview  with the lead actor,  Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more

Luis a good catch for Jennylyn

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 58
By : Mario Bautista

THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more

Thumbs up for 'The Road'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 50
By : People's Tonight

GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 55
By : Nel Alejandrino

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family.         Lalo pa nga at free from school ngayon ang  only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more

Angeline sapped Coco's strength

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 50
By : Vinia Vivar

FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC