Natiyempuhan ng ilang entertainment press si Direk Cathy Garcia-Molina last Friday night habang nagsu-shooting sa Starbucks ng ABS-CBN ng Unofficially Yours na pinagbibidahan nina Angel Locsin and John Lloyd Cruz.
Showing na pala ang movie sa Feb. 15 at may mga natitirang scenes na lang para matapos ang movie.
Natanong nga kay Direk Cathy kung true ba sangkatutak ang bed scenes dito nina Loydie at Angel at may balita pang hubo’t hubad daw ang dalawa.
“Marami kasing bed at kissing scenes, e, kailangan talaga nakahubad. Ayaw naman ni John Lloyd maglagay ng plaster kasi masakit daw, so, nakatakip lang siya ng kumot, ’pag take na, tatanggalin niya,” sey ng box-office director.
Si Angel siyempre ay may takip naman daw.
“Naka-bra at panty, may takip, siyempre. Bilib nga ako kasi walang kiyeme si Angel, talagang sumusunod,” pahayag pa ng box-office director.
In fairness kay Loydie ay alagang-alaga raw nito ang leading lady at napaka-gentleman daw. Hindi raw ito tumitingin kay Angel kapag hindi take at kahit kinakausap niya ito ay nakatalikod siya.
“Tapos ’pag take na, doon palang titingin si John Lloyd,” kuwento ni Direk Cathy.
Pagkatapos ng Unofficially Yours ay isusunod na ng lady director ang third movie nina Loydie at Sarah Geronimo na aniya ay wala pang title.
* * *
Sa Maria la del Barrio, matapos akalaing namatay ang kanilang anak ni Maria (Erich Gonzales), biglang makatatanggap si Luis (Enchong Dee) ng isang hindi inaasahang tawag tungkol sa tunay na naganap sa nawala nilang anak. Ito na nga ba ang magbubulgar ng kasinungalingan nila Sabrina (Jewel Mische) at Victoria (Angel Aquino)?
Samantala, lalabas na ang mga dokumentong magpapatunay na pineke ni Victoria ang papeles ng Amore na nagtanggal ng karapatan ni Sandra (Assunta de Rossi) sa kumpanya.
Sinong magwawagi sa muling pgtatapat ng dating magkaibigan? Patuloy na abangan gabi-gabi sa Maria la del Barrio sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.
* * *
Ngayong Lunes (Jan. 30) ay magkakaroon ng pagbabago sa programming ng ABS-CBN sabay sa pagsisimula ng teleseryeng Mundo Man ay Magunaw.
Ang nasabing serye na pinagbibidahan nina Empress at Ejay Falcon ay mapapanood ngayong 11:30am at kauna-unang locally produced drama ng ABS-CBN na mapapanood sa noontime slot.
Maituturing na isang ‘casting coup’ ang nasabing teleserye dahil sa bagong kombinasyon ng mga artista. Aside from Empress and Ejay, kasama rin sa serye sina Nikki Gil, Sylvia Sanchez, Allan Paule, Pinky Amador, Jason Gainza, Dianne Medina, Alex Castro, Tessie Tomas at Eula Valdes.
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 58
By : Bong de Leon
THE members of the entertainment press came early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview with the lead actor, Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 58
By : Mario Bautista
THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 50
By : People's Tonight
GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 55
By : Nel Alejandrino

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family. Lalo pa nga at free from school ngayon ang only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 50
By : Vinia Vivar
FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more