Sa totoo lang, maswerte ang magiging daughter-in-law ni Governor Vilma Santos dahil aminado siyang hindi siya pakialamerang biyenan at may pagka-liberal-minded din.
One proof ay nang itanong namin ang kanyang point of view sa pagli-live-in at kung siya ba ang tipo ng ina na mato-tolerate ang ganu’ng set-up sa kanyang anak.
“Alam mo, iba na ang generation ngayon, eh. We are not saying it’s right. Pero maraming gumagawa. And hindi rin naman natin masasabi na tama ’yun or mali ’yun.
“Kung minsan, nakakatulong ’yun para makilala mo ’yung tao, you get me? So, wala akong ano, kung sa tingin mo, makakabuti sa ‘yo at wala kang inaapakan, then go!
“Ako, isang natutunan ko rin kasi, sa tinatagal-tagal ko na sa showbusiness, ’pag lagi mong iisipin kung ano ang sasabihin ng tao, naku, wala, hindi ka magiging masaya,” pahayag ni Ate Vi.
Basta raw ang importante, wala kang inaapakang tao at wala kang iniisahan or sinasaktan.
“Pero kung lagi mong iisipin kung ano ang sasabihin sa ’yo ng tao, wala kang pupuntahan. Because you cannot be perfect naman, eh. Ang importante lang, matuto ka. And at the end of the day, dapat, kung tumatanda ka, may pinagkakatandaan ka naman. ’Yon lang ’yun. That’s life,” aniya.
As a mother, pwede raw siyang maging makulit pero hindi raw siya mahilig mangialam.
“Makulit ako kasi lagi akong nagte-text, ‘anak, nasaan ka?’ ’Yun lang, malaman mo lang kung nasaan ang anak mo, ‘nandito ako mom, in the house or mom, nandito ako sa ganito’. Malaman mo lang na okay ang anak mo, that’s good enough.
“’Yun, kaya makulit. Pero ’yung pakialamera, I don’t think so. Because I don’t meddle with mga personal na bagay.”
Ano kaya ang mararamdaman niya kung one of these days, sabihin ng panganay niyang si Luis Manzano na mag-aasawa na ito?
“Well, okay lang. Okay lang sa akin.”
Sa tingin niya, ready na siya?
“Oo naman, hindi ko lang alam kapag nakita ko na sa aisle,” say niya saka tumawa. “Kasi, uma-attend ako ng wedding ng iba, kung sa iba, naiiyak ako, lalo na kapag close sa akin, tapos, nakikita ko, lumalakad ’yung bride, naiiyak na ako du’n, how much more, Diyos ko, kung anak ko na ’yun?
“Pero happy, ha? Hindi kontrabida, happy,” sey ni Ate Vi na natatawa pa rin.
* * *
Sa indie film na Bola ay sinubok ni Arnell Ignacio ang serious acting dahil say niya, it’s about time na rin daw siguro para i-try naman niya ang ibang linya bukod sa pagho-host at pagpapatawa.
In fairness, nang mapanood nga namin ang special screening ng Bola kamakailan na ginanap sa UP Film Institure, noon lang namin nalamang puwede pala siyang ilaban sa seryosong aktingan.
Ginagampanan ni Arnelli ang role na Pandi, isang gay couturier na mai-in-love sa isang gwapong aspiring basketball player na si Lester na ginagampanan naman ni Kenneth Salva.
And take note, hindi lang drama ang ipinakita rito ni Arnelli kungdi nagpaka-daring din siya dahil may kissing scenes sila ni Kenneth.
Nang makausap nga namin si Kenneth, aminado siyang natulala siya sa kissing scenes nila ni Arnelli. Kahit pa sabihing sinabi na sa kanya beforehand, natulala pa rin daw siya talaga.
“First time ko po kasing nakipag-kissing scene sa kapwa lalaki on screen. Pero inisip ko na lang po na trabaho lang ito,” he said.
Si Kenneth ay tubong Davao na lumuwas sa Manila noong 2010 para hanapin ang kanyang kapalaran. Napasali siya sa bikini open at tinanghal siyang first runner-up.
First break niya ang Bola kaya naman ibinigay niya ang kanyang makakaya sa pelikulang ito.
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 18
By : Bong de Leon
THE members of the entertainment press came early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview with the lead actor, Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 17
By : Mario Bautista
THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 16
By : People's Tonight
GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 16
By : Nel Alejandrino

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family. Lalo pa nga at free from school ngayon ang only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 14
By : Vinia Vivar
FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more