SA Lunes (Jan. 30) pa magkakaroon ng pormal na announcement ang ABS-CBN kung ano ang pagbabagong mangyayari sa programang Showtime na ipapalit sa timeslot ng Happy Yipee Yehey.
Ayon kay Bong Osorio, kasalukuyan pang ipini-present sa ABS-CBN management ang mga bagong konsepto ng show at kung sinu-sino ang hosts na madaragdag sa programa.
Mukhang hindi rin totoong isasama sa Showtime sina Toni Gonzaga, Pokwang at John Estrada katulad ng mga napapabalita.
“Ang alam ko, lahat ng mawawalan ng show dahil sa Showtime, bibigyan ng iba-ibang assignments,” paniniguro pa ni Bong.
Samantala, hanggang ngayong Sabado na lang mapapanood ang E-Live dahil papalitan na ito ng bagong program next Saturday na SIR (Showbiz Inside Report) hosted by Janice de Belen, Carmina Villarroel and Ogie Diaz.
* * *
Maraming kuwento ang creative head ng Budoy na si Rondel Lindayag. Malalim pala ang pinaghugutan ng kuwento at hindi basta-basta lang sinulat para magkaroon ng bagong soap ang isang artsita.
“Last year, napabalita na bumaba ang literacy rate ng Pilipinas, bumababa ang antas ng edukasyon. ’Yung English dati, tayo ang number one, pero ngayon, wala na. Kaya sabi ni Ma’am Charo (Santos-Concio) kailangan 'yung mga bata ay ma-inspire muling mag-aral,” kuwento ni Rondel.
Dagdag pa niya, “From the start, education na talaga ang gustong ipromote ng Budoy. Pero siyempre, ’pag may advocacy 'yung show, hindi mo naman sinasabi, ’di ba? Hahayaan mo na maramdaman ’yan ng audience.”
At dahil value of education nga ang pangunahin nilang mensahe, bakas ito maging sa kanilang script. In fact, generous si Rondel na shinare na ang bahagi ng speech ni Gerald na tiyak na aantig na naman sa puso ng TV viewers.
Sey ni Budoy, "Hindi porke’t mahirap, wala kayong laban. ’Pag meron kayong pinag-aralan, may laban kayo, kaya ninyong lumaban sa kahit na sino. Kahit anong estado niyo sa buhay, mag-aral kayo. Walang laban ang pera kung may pinag-aralan kayo.”
Eh, ano nga bang moral lesson ng Budoy?
“Gustong sabihin ng programa, gamitin mo ang talino mo sa tama. Ang pinaka-lesson ng Bu-doy ay ‘mag-aral ka.’ Tapos number two, ‘be simple,’” pagbabahagi pa ni Rondel.
* * *
Magsasanib-puwersa ang lima sa pinakamagagaling na performer sa bansa — Jose Manalo, Wally Bayola, Gladys Chuchay Guevarra, Duncan Ramos at Aiza Seguerra — sa isang bonggang pagtatanghal na pinamagatang X5, hango sa pelikulang X-Men.
Magaganap ito sa Sabado, 10 p.m., sa Zirkoh Tomas Morato.
Kumpletos rekados ang show dahil may comedy na, may kantahan pa at siyempre, hindi mawawala ang pag-i-impersonate sa mga kilalang personalidad.
Siguradong "5 times the fun, 5 times the laughter" ang show at sulit na sulit talaga and ibabayad ninyo.
Para sa tiket, tumawag lang sa Zirkoh sa 376-7287 o SM Tickets, 470-2222.
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 16
By : Bong de Leon
THE members of the entertainment press came early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview with the lead actor, Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 16
By : Mario Bautista
THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 14
By : People's Tonight
GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 14
By : Nel Alejandrino

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family. Lalo pa nga at free from school ngayon ang only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 13
By : Vinia Vivar
FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more