Masaya ang cast ng The Road dahil ipalalabas ang GMA Films movie na directed by Yam Laranas sa U.S. at Canada sa May 2012.
Sa North America, specifically, ipalalabas ang movie in 100 theaters, kasama na ’yung sa Canada.
Malaking factor na si Yam ang director ng The Road dahil kilala ito abroad.
Kaya pala may English subtitle ang movie nang ipalabas dito. Matanong nga kung pupunta sa States o Canada ang ilan sa cast to promote the movie.
* * *
Ayaw sanang umalis ni Carla Abellana sa GMA-7 dahil malaki ang utang na loob sa network at magagandang projects ang ibinigay sa kanya.
Ang pinakahuli’y ang Kung Aagawin Mo ang Langit na up to first week ng February na lang ang airing.
Kundi ire-renew ng Channel 7 ang kontrata niya na mag-i-expire sa February, baka lumipat din siya sa ibang network.
Wala pa siyang balita kung muli siyang papipirmahin ng kontrata. Ano pa ang hinihintay ng Channel 7, hahayaan ba nilang pati si Carla ay lumipat ng network?
Baka maubusan sila ng leading ladies n’yan.
Anyway, ikinatuwa ni Carla ang narinig na boto sa kanya si Michael de Mesa na maging asawa ng anak niyang si Geoff Eigenmann.
Sabi ni Michael, tiyak na magaganda ang magiging apo niya sa dalawa.
* * *
Ang daming pasabog ni Ellen Adarna nang ipa-interview ng GMA Artist Center.
Kabilang sa pasabog nito ay ang inaming pakikipag-live-in kay Filo Cucueco. Pumayag daw ang mom niya dahil hindi conservative ang family nila.
Isa pang pasabog ni Ellen ang pagiging bad breath at pagkakaroon ng putok ni Mara Yokohama, anak ni Maria Isabel Lopez.
Naamoy daw niya ang hininga nito nang yumakap sa kanya noong nasa Survivor Philippines pa sila. Wala pa rin siyang balak batiin ito at ang inang si Isabel, na makakasama niya sa isang indie film.
Nabanggit din ni Ellen na alam na niya ang Top 3 ng Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown, pero hindi niya binanggit.
Isa kina Betong Sumaya, Maey Bautista at KC Montero ang gusto niyang manalo sa naiwan sa competition.
May isa pang pasabog si Ellen, pero nakiusap na ’wag munang isulat dahil hindi pa right time, basta malapit na itong malaman ng lahat.
* * *
Role ni Michael de Mesa sa original Valiente ang gagampanan ni JC de Vera sa remake ng teleserye na sa pagbabalik ay sa TV5 mapapanood starting February 13.
Sabi ni JC, na-starstruck siya nang unang makita si Michael at nagpakilala siya sa actor.
Hindi siya nanghingi ng tips dito para maiba ang atake niya sa role ni Gardo Valiente.
Maraming eksena ni JC na nakahubad dahil trabahador siya ng mga Braganza.
May kissing scene rin si JC kay Nadine Samonte at dahil break na sila ni Danita Paner, wala siyang puproblemahing GF na magseselos.
Tinanong namin si JC sa pinagdaanan ng ex niyang si Rhian Ramos at sa ex nitong si Mo Twister.
Naawa ba siya kay Rhian at galit ba siya kay Mo?
“Hindi ko sure kung awa o concern ang mapi-feel ko, alam kong may natutuwa. Hindi ko alam kung saan ako pupuwesto, sa gitna na lang ako.
“Hindi bagay na sumali pa ako at makisawsaw. Hindi ko alam kung galit ako kay Mo, ayaw ko lang sa kanya at wala akong balak batiin siya.
“Ang plastic ko naman kung gagawin ko ’yun, good na ’wag ko na lang siyang pansinin, ’wag na lang siyang magsalita ng masama.
“Ako, pinili kong ’di magsalita at ’di siraan si Rhian nang mag-break kami, babae ’yun, parang nanay mo ’yun,” pahayag ni JC.
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 15
By : Bong de Leon
THE members of the entertainment press came early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview with the lead actor, Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 15
By : Mario Bautista
THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 14
By : People's Tonight
GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 13
By : Nel Alejandrino

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family. Lalo pa nga at free from school ngayon ang only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 12
By : Vinia Vivar
FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more