PROMDI pa rin si E.J. Falcon (PBB Teen Edition grand winner) hanggang ngayon. Ayon sa kanyang manager na si Benjie Alipio, sa Mindoro siya nagpatayo ng sariling bahay sa halip na dito sa Maynila. Sa isang paupahang condo lang siya nakatira dito sa Maynila na malapit sa ABS-CBN.
Madalas siyang umuwi ng Mindoro during long vacation at nakikipag-bonding sa mga dating kaibigan.
Noong Pasko, sa Mindoro siya nag-celebrate at nagdala ng maraming regalo para sa kanyang pamilya at mga kaibigan.
Mukhang artista siya sa panlabas na kaanyuan. But deep in his heart, Mindoro pa rin ang laging nasa puso niya. He’s his happiest kapag nasa probinsya siya.
Malayo na ang narating ni E.J. magmula nang manalo siya sa PBB (Teen Edition), Matiyaga niyang pinag-aaralan ang lahat ng itinuturo sa workshops. Pero, hindi pa rin naaalis sa kanya ang pagiging mahiyain, lalo’t kaharap niya ang mga artistang tulad ni Robin Padilla sa “Guns and Roses” at nitong makaharap niya sina Eula Valdez, Tessie Tomas, Agot Isidro, Pinky Amador, Jimmy Fabregas, Ariel Rivera, Allan Paule, at si Nikki Gil sa “Mundo Man ay Magunaw” na malapit nang ipalabas sa direksyon nina Jeffrey Jeturian at Rechie del Carmen.
Kahit sa panliligaw ay hindi pa rin nawawala ang pagiging mahiyain ni E.J. Nahihiya siyang ligawan ang kanyang paboritong leading lady, si Empress. Kahit inamin na ng dalaga na kampanteng-kampante siya sa friendship ni E.J., wala raw ligawang nangyayari. Gustung-gusto nga niya ang pagiging mahiyain ng binata. “Hindi po siya presko. Aware din po kami na bagay ang pagiging matangkad niya sa akin, dahil ang bilis ko pong tumangkad when I turned 19. Siya lang po talaga ang pwede sa akin (Hello, Enchong Dee!).
“Kahit po sa acting, nagkakatulungan po kami...nagbibigayan,” patuloy ni Empress. “Hindi kami nagsasapawan. Inaalagaan namin ang isa’t isa para lalong maging kapani-paniwala ang pag-iibigan namin. Pero, sa project lang po ito at hindi sa tunay na buhay.”
Pinatunayan din ni Eula nang sabihin niyang: “Magaling sa drama si E.J. hindi pa lang niya inilalabas lahat-lahat. Marami pa siyang itinatago na kapag nagkaroon siya ng lakas ng loob, kakabugin niya ang mga magagaling nating actor. Ganun din po si Empress.”
EMPRESS ISTRIKTO ANG INA
SI E.J. ba ang dahilan ng pagiging blooming na blooming ni Empress? Napakaganda kasi ni Empress ngayon. Hindi kapanipaniwala na hindi maaakit ang kahit isang promdi na tulad ni E.J.
Bahagyang namula ang dalaga, pero, sumagot na rin sa tanong: “Pareho po kaming tumutulong sa pamilya namin.”
Ayaw pa rin ba siyang paligawan ng istriktong mom niya? “Opo, pero, hindi naman po kaso iyon," ani Empress. "Wala pa rin po kasi akong balak magkarelasyon at this point in time. Wala po 'yon sa priorities ko, ganun din po si E.J. Sa dalas ng pag-uusap namin, hindi namin napag-uusapan ang tungkol sa relasyon. Lagi pong ang height namin ang napagtutuunan namin ng pansin, dahil, bagay na bagay po kami. Ang bilis po talaga ng pag-tangkad ko." (Hello again, Enchong!).
Paano kung magkaroon ng lakas ng loob si E.J na ligawan siya?
“May ganun po ba? Hihintayin ko na lang po, kung saka-sakali. Palagay ko, baka mainip ako sa kakahintay,” natawa niyang sabi.
BUGOY MAS MAY EDGE
MULA umpisa hanggang matapos ang presscon ng 'E-Boy,' hawak-hawak ni Bugoy Cariño ang mikropono.
Sayang, at hindi natanong si Bugoy kung ano ang naging reaction niya nang manalo siya bilang best child actor noong MMFF. Hindi siya kasi nakadalo. Otherwise, makikita sana ang excitement niya, na ipinakita sa presscon.
Hindi siya masisisi kung sabihin niyang feel niyang kasing sikat na rin siya nina Zaijan Jaranilla at Xyril Manabat. Actually, may edge siya sa dalawa dahil bukod sa acting, mahusay pa siyang sumayaw.
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 15
By : Bong de Leon
THE members of the entertainment press came early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview with the lead actor, Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 15
By : Mario Bautista
THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 13
By : People's Tonight
GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 13
By : Nel Alejandrino

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family. Lalo pa nga at free from school ngayon ang only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 12
By : Vinia Vivar
FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more