Kris hit anew for her tweets


Matapos mag-tweet ng kung anu-anong pagpapakyut si Kris Aquino patungkol sa nakita nitong litrato ni P’Noy kasama ang Prime Minister ng Thailand, heto at mag-aanunsyo itong wala siyang planong mag-play Cupid sa dalawa.

Nabuking kasi, tugang na Butch, na nagkamali pala sa pag-research itong si Tetay patungkol sa estado ng Thai Prime Minister dahil may asawa’t mga anak pala ito.

Nakakaloka, ’di ba? Wala tayong pakialam sa mga pagpapakyut niya at walang tigil na pag-e-emote sa buhay ng kapatid na lider ng bansa, pero mas maging responsable naman sana siya, ’di ba? Masabi lang na pinag-uusapan siya, eh, kung anu-ano na ang gagawin at sasabihin, tapos kapag nasukol at nalagay sa nega, kung anik-anik din ang mga depensa.

Very Kris, indeed.

Heto pa, wala namang masyadong nagtatanong sa estado ng annulment niya kay James Yap, pero dahil siya itong mahilig manguna o magbigay ng hint, natural na kalkalin ’yun. Ang siste, pagdating sa mabubuking na siya, buong giting itong iiwas at magdi-divert kuno-kuno ng usapan at ibabalik sa kanya ang sentro ng pag-uusap para lumabas na siya ang bida o dapat bigyan ng simpatiya.

Nakakaloka talaga!

* * *

MAYROON na ngang nagpapasaya kay Christian Bautista ngayon.

At kung ang kuwento ng aming source ang pagbabasehan, walang kuwestiyon na natagpuan na ’yun ng singer-actor kay Carla Dunareanu, isang Singapore-based star na katrabaho nito sa Kitchen Musicale.

Ayon nga sa kuwento ng aming very reliable source, naispatan kamakailan ang mga ito sa isang bonggang restaurant sa may Tomas Morato, QC area kasama ang ilang co-stars nila sa naturang musicale, gaya ni Karylle with her rumored BF Yael Yuzon ng Spongecola band, Art Acuña and Maritina Romulo. 

“Hindi ba si Art ’yung bida du’n sa NINO na indie movie na gustung-gusto mo? Confirmed akong kasama siya saka alam ko na part siya ng musicale,” kuwentong-tanong sa amin, tugang na Butch, ng source namin.

Ayon pa rito, naging couple’s night ang naturang pagtitipon dahil very sweet nga raw na pinupunasan pa ng pawis ni Christian si Carla, habang gumaganting-punas naman ang dalaga sa bibig ng singer-actor. Panay din daw ang tuksuhan nina Karylle at Yael na dinaan sa kanta ang biruan. Pero dedma ang source namin sa duo nina Art at Maritina dahil baka raw masisante siya sa naturang resto, kaya nandun na ang clue kung nasaan sila.

Hahaha!

* * *

Hala, tila lumaki na nang husto ang isyu tungkol kina bossing Vic Sotto at Pauleen Luna dahil hindi na halos tumigil sa pagsasalita at pagbibigay ng kanyang disapproval si Oyo, anak ni bosing kay Dina Bonnevie.

Curious na curious nga kami kung ano ang saloobin ni Pauleen sa mga naglabasang pahayag ni Oyo sa kung anumang namumuong magandang pakikitungo raw nito kay bossing Vic?

Kahit sino kasi ang mag-analisa, tugang na Butch, masasabing harapang “pagtanggi at pambabastos” na matatawag ang pahayag ni Oyo Boy at kami ang naaawa for Pauleen, if ever nga na may relasyon sila ni Vic. Much more kung wala, ’di ba?

Pero saloobin lang ’yun ni Oyo. Ang pinal at huling desisyon, nasa tatay pa rin niya, whether tanggapin niya o aprubahan ang pakikitu-ngo nito sa maganda at batang aktres.

Siya na mismo ang nagsa-bing his father deserves to love and be loved. ’Yun nga lang, hindi nito inakalang sa mas bata pa pala sa kanya ito mai-in love.



Showbiz News

Raymart snubs presscon

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 15
By : Bong de Leon

THE members of the entertainment press came  early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview  with the lead actor,  Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more

Luis a good catch for Jennylyn

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 14
By : Mario Bautista

THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more

Thumbs up for 'The Road'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 13
By : People's Tonight

GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 12
By : Nel Alejandrino

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family.         Lalo pa nga at free from school ngayon ang  only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more

Angeline sapped Coco's strength

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 11
By : Vinia Vivar

FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC