Nagbabanta si Ellen Adarna na agawin ang korona mula kay Sam Pinto for being FHM’s no. 1 cover girl ngayong 2012.
Aba, natalbugan niya pareho sina Sam at Cristine Reyes sa paramihan ng dumating para sa kanyang FHM autograph signing session last Jan. 7!
Sold-out ang kanyang FHM January issue kahit pa sabihing more than a year na sila ng kanyang BF na si Filo, pinagnanasaan pa rin siya ng libu-libong mga kalalakihan sa buong Pilipinas!
Wala raw retoke na kahit na ano sa katawan niya at ang kanyang boobs ay 100% natural!
Bestfriends sa tunay na buhay sina Ellen at Sam dahil magkasama sila sa Bubble Gang at friendly rivalry lang ang namamayani sa kanilang dalawa. Kasama rin si Ellen sa Alice Bungisngis nina Bea Binene at Jake Vargas. At may gagawin siyang indie film under Topel Lee kung saan isang manananggal ang role niya.
* * *
Ibinalik na nga ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story ang action genre sa pelikulang Pilipino.
Aba, one month after na magbukas ang MMFF noong Pasko, showing pa rin ang Manila Kingpin hanggang ngayon. Katunayan, ito na lang ang natitirang MMFF entry ang showing pa hanggang ngayon.
It even outlasted ang na-ging no. 1 sa takilya na Enteng Ng Ina Mo. Ang nakinabang nang husto sa tagumpay ng Manila Kingpin ay ang comeback action movie ni Cesar Montano na Hitman kasi pinapalabas ang trailer nito bago ikarga ang pelikula ni Gov. ER. Kaya naman ang action fans, nasabik na panoorin ito.
Nakinabang din sa pagbalik ng action films si Philip Salvador dahil siya ang paboritong kuning suporta ng mga bida. Same goes with Joko Diaz na pareho ring nasa Manila Kingpin at Hitman tulad ni Ipe.
Nagdesisyon si Cesar na gumawa ng action film ulit dahil sa kakukulit sa kanya ng fans. So, naisip niya na napapanahon na para pag-bigyan ang mga ito.
Ang FHM no. 1 cover girl na si Sam Pinto na aminado siyang crush niya, ang kinuha niyang leading lady. Pati ang anak niyang si Diego Montano, isinama na niya para mahasa na rin ito sa aksyon.
Kapansin-pansin na isinunod na ni Cesar ang screen name ng anak niya na si Diego sa pangalan niya na Montano. Kaya ang dating Diego Loyzaga, naging Diego Montano na ngayon.
Wala naman daw problema ito kay Teresa Loyzaga, kasi okay na rin sila ni Cesar ngayon, ayon mismo kay Diego.
Ang hindi lang namin maintindihan ay ang conflicting statements nina Diego at Cesar.
Ayon kasi kay Diego, gusto niyang tumira ulit sa bahay ng dad niya dahil napakaganda nito at napakalaki. Pero ayon naman kay Cesar, depende raw ‘yun kay Teresa kung pababalikin si Diego sa poder niya.
Well….
* * *
Ayon kay Chris Tiu, Kapuso pa rin siya hanggang ngayon kasi sa GMA siya may regular show, ang bagong infotainment program na IBILIB kung saan mula sa Sunday, Jan. 29 (pagkatapos ng Kap’s Amazing Stories) ay makakasama niya si Isabelle Daza at ang comic pair na Moymoy Palaboy. Nakakapag-guest lang daw siya paminsan-minsan sa TV5 dahil ang manager niyang si Noel Ferrer ay taga-TV5.
Speaking of Isabelle, may boyfriend na pala siya at isa rin itong athlete tulad niya.
Ayaw niyang sabihin kung sino ang BF niya pero non-showbiz ito at football player. Nasa 20’s ang edad ng BF niya and three years na silang may relasyon nito. Sa mga hindi nakakaalam, Isabelle is into horseback riding, football and basketball. Mas gusto raw niya ang sports kaysa pagsali sa beauty contests, tulad ng mom niyang si Gloria Diaz.
Kaya nga magka-vibes sila ng co-host niyang si Chris sa IBILIB kasi pareho silang athletes.
* * *
Sina Dennis Trillo at Chariz Solomon ang special guests sa Bubble Gang this week. Kasama sila sa Out Of Court gags at sa Mentos (breakdance) commercial spoof. Alamin kung saan sine-serve ang Extreme Hot Steak at maa-avail ang promong Smogasbed na sleep-all-you-can sa isang hotel. Sino ang guest sa Cooking Show na inubos raw ang ingredients na iluluto sana dahil sa gutom? Kakantahin nina Moymoy Palaboy ang So Young ng The Corrs. Apir rin ang Cheche Bureche, Ba’t Ganun at Sumbong2.
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 14
By : Bong de Leon
THE members of the entertainment press came early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview with the lead actor, Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 14
By : Mario Bautista
THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 13
By : People's Tonight
GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 12
By : Nel Alejandrino

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family. Lalo pa nga at free from school ngayon ang only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 11
By : Vinia Vivar
FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more