Pormal nang pumirma sina Ruffa, Raymond at Richard Gutierrez ng co-management contract sa Viva Artist Agency kahapon na mamamahala sa pagkuha ng TV commercials/endorsements ng tatlo.
Present siyempre sa contract signing sina Boss Vic del Rosario at Annabelle Rama.
"Hirap akong intindihin ang mga kontrata sa commercials kaya tuwang-tuwa ako nang mag-offer si Boss Vic sa akin.
“Matagal ko na siyang kaibigan. I'm sure hindi niya ako maituturing na naliligaw ng landas," rason ni Annabelle.
Dama rin ang excitement kay Raymond sa pahayag niyang, "I believe in them and I’m happy to be part of this family.”
"I've done movies with Viva back in 1980s. Hindi na iba sa amin si Boss Vic. I'm looking forward to a lot of projects with them in 2012. No love muna! No distraction!" sey naman ni Ruffa na paalis din kagabi papuntang Brazil.
Mabilis naman itong kinontra ni Annabelle ng, “I’ve heard that a thousand times, Ruffa!” kaya nagtawanan ang lahat.
Focus daw ang kailangan ni Ruffa, sey naman ni Boss Vic, na sinang-ayunan naman ng actress-TV host.
Kagagaling naman sa States ni Chard at sumabak agad siya sa meeting at contract signing.
"They're like family to us, so, proud to be part of Viva!" sambit niya na may jetlag pa, huh!
Kuwento ni Chard, simple lang ang naging birthday celebration niya sa Malibu, California, kasama ang ilang kamag-anak na naninirahan na sa Amerika.
Nag-dinner daw sila at nag-inuman, pero tigas-tanggi na siyang tukuyin kung may special na babae siyang nakasama nu’ng araw na ’yon (Jan. 21).
Sinamantala raw ni Chard ang pagkakataong makapagbakasyon pagkatapos ng Pasko dahil sa pagod na inabot sa taping ng Survivor Philippines.
At dahil matagal na nanirahan sa Tate, doon niya napiling mag-rest at mag-recharge para paghandaan ang muling pagsabak sa trabaho sa ’Pinas.
Nakipag-meeting agad ang aktor sa GMA execs kahapon para sa gagawing primetime soap, kung saan pulos bagong leading ladies at veteran actors ang makakasama niya.
* * *
SINAGAD ni Ruffa Gutierrez ang sarili nu’ng Miyerkules mula umaga hanggang hapon dahil kinagabihan ay umalis siya papuntang Brazil kasama si Cristalle Henares para sa dalawang linggong bakasyon.
“Umpisa pa lang ng taon, marami nang work na pumapasok. Magagandang bagay na nangyayari sa buhay ko. I’m now part of the Viva Artist Agency, so, I’m very excited!” sambit ni Ruffa matapos pumirma ng kontrata kasama ang mga kapatid na sina Richard at Raymond.
Wala pa muna siyang acting assignment sa TV5 at ’yon ang aasikasuhin ng mother niyang si Annabelle Rama habang wala siya sa bansa.
“Pagbalik ko, that’s when we’re gonna meet with TV5. Everything’s in the work and everything’s going on as planned!” saad niya.
Bakit pupunta siya sa Brazil? Mahilig na ba talaga siya sa Brazilians?
“No! It’s a gift from Dra. (Vicki) Belo. Dapat last year pa ’yon. She made me choose between South Africa and Brazil. I’ve decided… I’ve not been to South America before, so, we’re doing Brazil and Argentina. Two weeks lang naman,” sey ni Rufing.
Papasyal siya sa Sau Paulo, Rio, Buenos Aires, Bahia, El Salvador at Mendioza.
So, iisnabin niya ang mga lalaki roon dahil ayon sa kanya sa contract signing, ayaw niya ng distraction sa career niya?
“Ayoko ng distraction! Kung may distraction man, maiiwan sila roon! Hahaha!” tili ni Ruffa.
“I just really wanna focus now on moving forward. My plan for the next five years, so, hopefully, hindi mahulug-hulog ang mga papel ni mommy at maniwala sa akin. “Sabi ko, 2012 lang. Baka 2013, puwede na! Hahaha! Pero 2012, focus muna,” katwiran niya.
Ano na ang nangyari sa suitor niyang si Eduardo?
“Well, the problem is he doesn’t live here. So, why focus on something na hindi naman pangmatagalan, ’di ba? I’d rather be alone than with someone na hindi naman magtatagal. Hindi siya kasama sa trip,” paliwanag ni Ruffa.
Hindi sila magkikita roon?
“No! No, no, no! Hindi siya kasali sa equation!” tili ng aktres.
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 14
By : Bong de Leon
THE members of the entertainment press came early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview with the lead actor, Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 14
By : Mario Bautista
THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 13
By : People's Tonight
GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 12
By : Nel Alejandrino

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family. Lalo pa nga at free from school ngayon ang only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 11
By : Vinia Vivar
FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more