Binigyan ng napakagandang welcome si Carmina Villarroel last Sunday sa The Buzz para sa kanyang pagbabalik-Kapamilya na talaga namang ikina-touch ng aktres.
Mahaba at malaman ang naging panayam kay Carmina. At first, si Boy Abunda lang ang nag-i-interview sa kanya pero tila may part 2 pa at dito ay ka-join na rin ang dalawa pang co-host na sina Toni Gonzaga at Charlene Gonzales.
Ang nakakatuwa, sa tinagal-tagal ng panahon, first time lang nagsalita si Carmina tungkol sa ilang detalye ng pinagdaanan nila ng dating asawang si Rustom Padilla na as we all know ay BB Gandanghari na ngayon.
Matatandaang not even once, as in never talaga, nating narinig magsalita si Mina tungkol sa dating asawa kahit noong time na kasagsagan ng pag-amin ni BB na gay siya.
Ang daming interesadong kunin ang pahayag niya, pero talagang hindi napilit si Carmina na magsalita.
Last Sunday, sa The Buzz lang niya nasabi finally at na-reveal na bago pa man nag-out si BB, alam na raw niya ang lahat dahil sinabi raw ng ex-husband niya.
“Naku, BB, 'wag ka nang magagalit. Hayaan mo na, tapos na ’yun,” tila pagpapaliwanag ni Carmina kay Rustom sa ere.
"Nakipag-coordinate siya kay Candy (Pangilinan),” kuwento ni Mina tungkol sa kung paano sinabi sa kanya ni BB ang lahat.
“Sabi nga niya, gusto niya kaming magkausap. So, ako naman, ‘sige, usap tayo.'
“Tapos, kuwentuhan lang. Nakakatuwa kasi para kaming friends. 'Yung tawa lang kami nang tawa. Kinda weird, pero maybe because wala nang galit sa puso ko. Happy na ako sa buhay ko. Parang right timing lang talaga.
"Tapos ’yun, may mga bagay-bagay na sinabi siya sa akin. Sinabi na yata niya sa PBB. So, kung ang lahat ng tao nagulantang sa sinabi niya, ako, hindi na. Kasi, sinabi niya sa akin."
Nasa Kapamilya na si Carmina ulit at dalawang taon ang kontratang kanyang pinirmahan. Nakatakda siyang magkaroon ng bagong show with Janice de Belen, isang teleserye at isang pelikula sa Star Cinema.
Pero kung kami ang tatanungin, parang bagay din kay Carmina ang mapasama sa The Buzz bilang co-host yaman din lamang at wala na si KC Concepcion.
* * *
Malalantad na ang tunay na kinaroroonan ng nawawalang anak nina Maria (Erich Gonzales) at Luis (Enchong Dee) sa Primetime Bida teleseryeng Maria la del Barrio.
Matapos malaman ni Sabrina (Jewel Mische) ang katotohanan tungkol sa itinuturing niyang anak, magawa kaya niyang ibalik ang bata sa karibal niyang si Maria?
O makikipagtulungan siya kay Victoria (Angel Aquino) upang itago ito at tuluyang wasakin ang pag-asa na mabuo ang pamilya ni Maria?
Abangan ang mga kaganapan gabi-gabi sa Maria la del Barrio sa ABS-CBN.
* * *
No comment pa rin si Matteo Guidicelli tungkol sa nababalitang pagsasara ng Happy Yipee Yehey. Muli namin siyang tinanong last Saturday sa show nila ni Ai-Ai de las Alas at Derek Ramsay sa Zirkoh at wala pa rin siyang naisagot.
Aniya, wala raw siya sa posisyon para magsalita at kung meron mang announcement, ito ay manggagaling sa management, not from him.
Sa halip, inanyayahan na lang niya kaming manood ng movie nila ni Maja Salvador with Xian Lim, My Cactus Heart na, incidentally, ay showing na nationwide ngayong araw, January 25.
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 13
By : Bong de Leon
THE members of the entertainment press came early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview with the lead actor, Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 13
By : Mario Bautista
THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 12
By : People's Tonight
GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 11
By : Nel Alejandrino

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family. Lalo pa nga at free from school ngayon ang only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 11
By : Vinia Vivar
FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more