Danica also against Vic's relationship with Pauleen


MATAGAL ding nanahimik ang mga anak ni Vic Sotto sa isyung naglalabasan tungkol sa umano ay relasyong Vic-Pauleen Luna.

Tahimik sila, lalo na si Oyo Boy Sotto, dahil sa pag-aakalang puwedeng tsismis lang ito.  Ganoon naman sila hanggang wala silang naririnig na pag-amin mismo mula sa kanilang ama.

But since umamin na nga raw si Vic na girlfriend niya si Pauleen, nagpa-interview na si Oyo Boy at nagsabi ng kanyang saloobin tungkol dito.

“Hindi ako galit kay Daddy pero tutol ako sa ginawa niya,” say daw ni Oyo.

Hindi raw yata matanggap ni Oyo na mas bata pa sa kanya ang kinuha ng ama. Hindi raw ayaw ni Oyo kay Pauleen, kundi ang pagiging sobrang bata nito.

Si Oyo kasi talagang madalas makipag-usap sa ama. Kumbaga, daddy’s pet ’yan. Mahal na mahal ni Oyo ang ama. ’Yun bang super, as in, over-protective ito sa ama. Kaya kahit na noong naglalabasan pa lang ang isyu kay Pauleen, nagparinig daw ito kay Vic na kung magmamahal ulit, kumuha naman ng babaeng hindi masasabing parang anak na lamang niya ang edad.

Ganoon din daw ang saloobin ng isa pang anak ni Vic na si Danica.

Pero ayaw pa raw nitong mag-comment sa ngayon hanggang hindi pa nakakusap ang ama.

Kung totoo man na tutol ang mga anak ni Bossing Vic sa pakikipagrelasyon nito kay Pauleen, hindi natin sila masisisi.

Bilang mga anak kasi, ayaw lang nilang makitang nasasaktan ang ama.

Ramdam kasi ng mga ito ang laki ng paghihirap ni Vic sa ginawang pagpapalaki sa kanila, pati ang pagsasakripisyo ng ama para mabigyan sila ng magandang buhay, kaya natatakot lang sila baka kung saan lang humantong ang pakikipagrelasyon nito sa isang bata, tulad ni Pauleen.

Pero sa isang banda, dapat ding unawain ng mga anak ni Bossing Vic ang kanilang ama. Dapat ding isipin ng mga batang ito na hindi nila maibibigay ang ilang pangangailangan ng kanilang ama.

Alalahanin sana ng mga anak ni Bossing Vic na hindi nadidiktahan ang puso kung sino ang dapat nitong mahalin. Dapat ay unawain at suportahan na lang nila ang ama kung sino man ang mamahalin nito.

* * *

MAY nakarating sa aming tsika na umano, hugas-kamay ang singer na si Rico Puno at sinabing never daw niyang siniraan nang talikuran si Willie Revillame.

“Ganyan talaga si Rico, may pagkasinungaling. Hindi niya kayang panindigan kung anuman ang gusot na pinapasok niya,” sabi naman ng isang dating kaibigan ni Rico J.

May tsika ring galit din daw si Rico J kay Reyna ng mga Intriga Cristy Fermin dahil bakit gumagawa ng isyung hindi naman daw totoo.

Take note, Rico J, ginawa mo pang sinungaling si Cristy Fermin, huh!

Feeling yata ng singer na ito, super-sikat pa siya kaya ginagamit ni Cristy para pag-usapan si Willie.

Hahaha!

* * *

ZOREN LEGASPI MAY SARILING SEGMENT NA SA PAPARAZZI

TULUY-tuloy na nga ang pagsikat ng magaling at guwapong aktor na si Zoren Legaspi sa larangan ng TV hosting.

Ngayon, hindi lang siya isa sa paboritong co-hosts nina Cristy Fermin, Dolly Ann Carvajal at Ruffa Gutierrez sa number one ngayong showbiz-oriented TV talk show na Paparazzi, kundi binigyan pa siya ng sariling segment -- ang “Direct Talk With Papa Z!”

Bongga, as in, ang husay-husay talaga ni Zoren sa kanyang segment.

Imagine, keri niyang mapagsalita nang katotohanan ang ka-one-on-one ni-yang artista, huh!

Tulad kay Nina Jose, na napaamin niya tungkol sa ginagawang panliligaw umano sa kanya ni Vic Sotto.

Sa true lang, masasabing history sa showbiz-oriented TV talk shows si Zoren dahil karaniwan kasing host ng tsismis sa showbiz, mga bading.

Bukod-tangi nga naman si Zoren na tunay na lalaki at at tinatangkilik talaga ng viewers.

’Yun nga lang, hindi kaya everytime na naghu-host si Zoren sa Paparrazi, kakaba-kaba ang dibdib ni Carmina Villaroel?

Nakakaloka kasi ang mga baong pasabog ni Zoren -- totoong-totoo at nagiging malaking isyu.



Showbiz News

Derek, a Casanova?

Published : Thursday February 23, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 87
By : Charlie Lozo

USAP-usapan ngayon ang pagiging babaero ng guwapong aktor na si Derek Ramsay. Kung dati-rati, pa-blind item siyang nasusulat sa ginagawa niyang pambababae, ngayon, hayagan nang binabanggit ang kanyang pangalan. Tsismis nga sa amin ng isang malapit na kaibigan ni Derek, noong araw pa raw matinik sa chicks ang actor. Kung... Read more

Carmina's twins do not know BB

Published : Thursday February 23, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 82
By : Vinia Vivar

First teleserye ni Carmina Villarroel sa ABS-CBN ang Lorenzo’s Time with Zaijian Jaranilla and Diether Ocampo na iere sa primetime slot once na magtapos na ang Budoy. Proud and happy si Mina na primetime agad ang ibinigay sa kanya plus kasama pa niya ang child superstar na first time niyang... Read more

'The Road' to be shown abroad

Published : Thursday February 23, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 70
By : Jun Nardo

JACKPOT ang GMA Films sa horror movie nilang The Road dahil nagustuhan ito ng international film distribution outfit na Freestyle Releasing kaya naman mapapanood ito sa 50 sinehan sa buong Amerika at Canada simula sa Mayo 11.        Take note na hindi sa mga pipitsuging sinehan ipalalabas ang Yam... Read more

Rufa Mae still to the highest level

Published : Thursday February 23, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 70
By : People's Journal

EVEN after 18 years in showbusiness, Rufa Mae Quinto has not lost her passion in moving forward and exploring new things. She is still one of the busiest stars around with two shows on GMA7, the  long-running “Showbiz Central” and “Bubble Gang.” She was also on the highly successful “Daldalita”... Read more

They both think the other one is special

Published : Thursday February 23, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 75
By : Aster Amoyo

WALA mang tahasang pag-amin mula kay Gerald Anderson tungkol sa estado ng kanilang relasyon ng pop princess na si Sarah Geronimo, inamin ng ex-boyfriend ni Kim Chiu na espesyal sa kanya si Sarah G. at gusto niya itong makilala pa nang husto.  Hindi man sila solo nung nakaraang Valentine’s day... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC