'James Bond' visits his wife in the Philippines


NABULABOG ang mga taong nasa airport kamakailan nang biglang bumulaga sa Ninoy Aquino International Airport  ang Hollywood actor at ang bagong James Bond Agent 007 na si Daniel Craig. Dinalaw ng sikat na aktor ang misis niyang si Rachel Weisz na ilang araw na rin niyang hindi nakakasama dahil nagsu-shoot dito para sa pelikulang Bourne Legacy.

Tahimik ang pagdating sa bansa ni Daniel at para hindi na magkagulo pa sa airport, hindi na lang ito nagpa-interview sa ilang mga reporter na naroroon.

Dumating na rin pala sa bansa ang bida ng Bourne Legacy na si Edward Norton.

* * *

NAG-TRENDING sa social networking ang wedding nina Valenzuela Councilor Shalani Soledad at Congressman Roman Romulo na ginanap last January 22 sa St. Benedict’s Church, Ayala Westgrove, Sta. Rosa, Laguna.

Lalung-lalo na raw sa si-nabi ng political couple sa kanilang wedding vows: “You are my home. You are my happiness,” say ni Shalani at “I waited 44 years before God gave me this favor,” sa parte naman ni Rep. Roman.

May kilig factor ang buong pamilya Soledad at Romulo, maging ang mga sumaksi sa kasal ng dalawa habang pumapasok na sa simbahan ang bride at sinasaliwan ng awitin ni Bruno Mars na Just The Way You Are in a slow version.

Ang awiting ding ito ang ginamit noon ni Willie Revillame nang ipakilala niya si Shalani bilang lady co-host sa programa niyang Wil-ling Willie, kaya naman pinasasalamatan ng mother ni Shalani na si Evelyn Soledad-Yumol si Willie sa pagtanggap sa kanyang anak bilang host, kahit alam niyang wala pa itong experience sa pagho-host, na napag-aaralan na raw ng kanyang anak habang tumatagal.

Ilang araw ding hindi mapapanood si Shalani sa Wil Time Big Time dahil magha-honeymoon muna sila ni Rep. Roman.   

Happy naman si Willie sa bagong buhay na tinatahak ngayon ni Shalani at natagpuan na raw nito ang lalaking tunay na makakapagpaligaya sa kaibigan.

Teka, birthday ni Willie sa Friday, January 27, dumating kaya si Shalani para bumati sa TV host?

* * *

HOW true na hindi lang pala ang Happy Yipee Yehey ang mawawala sa ere sa Pebrero, kundi pati ang Saturday showbiz talk show din na E-Live, hosted by Luis Manzano, Bianca Gonzales, Nikki Gil at Ogie Diaz.

Four years na sa ere ang Saturday talkshow at wala pang idea ang aming source kung ano ang ipapalit sa slot na maiiwan nito.

Say naman ng hosts ng show, wala pa raw silang alam hinggil sa isyung titigbakin na ang kanilang programa.

* * *

SI Bugoy Cariño ngayon ang binigyan ng break ng Kapamilya Network para sa fantaseryeng E-Boy na mapapanood sa January 30.

Showbiz na showbiz din kung sumagot ang Best Child Performer sa nakaraang Metro Manila Film Festival. Ang E-Boy ay tungkol sa isang batang robot na bi-nigyan ng mga katangian ng isang tao na nang lumaon, nagtulak sa kanyang hanga-ring maging isang tunay na bata, sa katauhan ni Bugoy.

Makakasama ni Bugoy sina Ariel Rivera, Jomari Yllana, Agot Isidro, Valerie Concepcion, Jaime Fabregas, Chinggoy Alonzo at Pen Medina. Kasama rin ang mga bagets na sina Maliksi Morales at Blythe Gorostiza.

* * *

VERY open na si Sarah Geronimo tungkol sa kanyang lovelife.

Wala mang pag-amin na may namumuong relasyon sa kanila ni Gerald Anderson, inamin ng singer-actress na masaya siya kapag nakakausap at nakakasama ang Fil-Am actor.

Katunayan, hindi itinago ni Sarah sa press na niregaluhan siya ni Gerald ng Tiffany necklace last Christmas. In turn, binigyan niya ng t-shirt si Gerald na si Mommy Divine pa raw mismo ang pumili.

Happy din daw si Sarah dahil magkakaroon na siya sariling show na mapapanood every Sunday night sa ABS-CBN. Isa itong musical na kapalit ng Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda, entitled Sarah G Live. Dahil sa show na ito, hindi muna mapapanood si Sarah sa ASAP.



Showbiz News

Derek, a Casanova?

Published : Thursday February 23, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 87
By : Charlie Lozo

USAP-usapan ngayon ang pagiging babaero ng guwapong aktor na si Derek Ramsay. Kung dati-rati, pa-blind item siyang nasusulat sa ginagawa niyang pambababae, ngayon, hayagan nang binabanggit ang kanyang pangalan. Tsismis nga sa amin ng isang malapit na kaibigan ni Derek, noong araw pa raw matinik sa chicks ang actor. Kung... Read more

Carmina's twins do not know BB

Published : Thursday February 23, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 81
By : Vinia Vivar

First teleserye ni Carmina Villarroel sa ABS-CBN ang Lorenzo’s Time with Zaijian Jaranilla and Diether Ocampo na iere sa primetime slot once na magtapos na ang Budoy. Proud and happy si Mina na primetime agad ang ibinigay sa kanya plus kasama pa niya ang child superstar na first time niyang... Read more

'The Road' to be shown abroad

Published : Thursday February 23, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 70
By : Jun Nardo

JACKPOT ang GMA Films sa horror movie nilang The Road dahil nagustuhan ito ng international film distribution outfit na Freestyle Releasing kaya naman mapapanood ito sa 50 sinehan sa buong Amerika at Canada simula sa Mayo 11.        Take note na hindi sa mga pipitsuging sinehan ipalalabas ang Yam... Read more

Rufa Mae still to the highest level

Published : Thursday February 23, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 70
By : People's Journal

EVEN after 18 years in showbusiness, Rufa Mae Quinto has not lost her passion in moving forward and exploring new things. She is still one of the busiest stars around with two shows on GMA7, the  long-running “Showbiz Central” and “Bubble Gang.” She was also on the highly successful “Daldalita”... Read more

They both think the other one is special

Published : Thursday February 23, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 75
By : Aster Amoyo

WALA mang tahasang pag-amin mula kay Gerald Anderson tungkol sa estado ng kanilang relasyon ng pop princess na si Sarah Geronimo, inamin ng ex-boyfriend ni Kim Chiu na espesyal sa kanya si Sarah G. at gusto niya itong makilala pa nang husto.  Hindi man sila solo nung nakaraang Valentine’s day... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC