Isa nang Kapamilya si Iza Calzado at dahil dito, mawawala na rin siya sa Eat Bulaga. Hindi na nga naman maganda na bilang Kapamilya, patuloy pa rin siyang mapapanood sa GMA7, kahit pa sabihin na block timer ang Eat Bulaga.
Gusto raw sana ni Iza na bago mawala sa EB, makapagpaalam muna siya sa staff at televiewers ng show, pero hindi na siya pinayagan dahil isa na nga siyang Kapamilya.
Isang batang-batang actress daw ang makakapalit ni Iza sa Eat Bulaga at kung walang magiging aberya, ipakilala na ito sa noontime show any day soon.
Anyway, anuman ang naging desisyon ni Iza na maging Kapamilya, sana ay naging maganda rin ang pamamaalam nito sa Kapuso Network.
Aminin man o hindi ni Iza, isang malaking kawalan siya sa Eat Bulaga dahil laging nangunguna ang nasabing noontime show at pinapanood ng sambayanang Pilipino.
* * *
Mali ang naglabasan na balitang magsasalita na rin si Danica Paner sa tunay na isyu ng paghihiwalay nila ni JC de Vera.
Gustuhin man daw sabihin ni Danita ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ng aktor, hindi niya magagawa dahil baka tuluyan nang magalit sa kanya si JC.
Umaasa pa rin kasi ang dalaga ni Daisy Romualdez na maayos ang break-up nila at hindi naman itinatanggi ni Danica nasa puso pa rin niya ang hunk actor.
Last November 2011 naghiwalay sina Danica at JC, pero ang ikinagulat ni Danica, bakit hindi nasunod ang napagkasunduan nila na walang magsasalita sa media. Anyway, mahal pa rin daw ni Danica si JC at hindi raw niya ito madaling makakalimutan.
Ilan sa nami-miss niya kay JC ay ang pagiging mabait at maalaga. Kaya nga raw kapag nag-iisa siya, hindi niya mapigilan ang umiyak. At para malibang, nagpa-fans day si Danica para maibsan kahit sandali ang kalungkutan.
Mabuti rin at may bagong day time series si Danica sa TV5, na malaking tulong para maghilom ang sugatan niyang puso.
* * *
Last Sunday ginanap ang binyag ng anak nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid na si Nathaniel James o Baby Nate.
Ilan sa mga naging ninong at ninang ni Baby Nate ay sina Sen. Bong Revilla, mag-asawang Manny and Jinkee Pacquiao, Kris Aquino, Judy Ann Santos, Dingdong Dantes at Ai Ai delas Alas. Ang ibang ninong at ninang, mga kaibigan at kapatid nina Regine at Ogie.
Tinanong si Ogie kung paano sila nagdesisyon kung sino ang magiging mga ninong at ninang.
“Alam ninyo, si Sen. Bong (Revilla) at Cong. Manny (Pacquiao), naalala ko noon, sinabi ni Congressman sa akin, “O, bakit hindi ka manood ng laban ko? Sabi ko, eh, kasi nanganak si misis. Sabi niya, “O, ninong ako, ha!” O, ako ang nag-alok? Hindi ko maalala.
“Tapos si Senator, in fairness to him, he really went out his way and said, “O, hindi ako puwedeng hindi ninong d’yan. Sino ba naman kami para tumanggi? Si Kris naman, she’s someone who has been very supportive to us in her own quiet way. Napakabuti niya sa amin.
“Si Ai Ai naman, related sa amin. Actually, cousin nga ang tawagan namin. Malayong cousin kami. Kasi ang nanay ko, Herminia delas Alas Lualhati.
“Ninang din si Michelle (Van Eimeren). Kinuha ko talaga siya. And you know, she’s very thrilled also. So, bago ako umalis ng Australia,bumili siya ng regalo at nilagyan na niya ng card. Kaso, masyadong maraming trabaho si Michelle ngayon kaya hindi siya makakapunta,” kuwento ni Ogie.
After ng binyag ng anak, magiging super-busy na si Ogie.
Pagkatapos ng Valentine concert nilang mag-asawa, may movies siyang gagawin -- ang Boy Pick Up opposite Solenn Heusaff at Dubidobidoo I Love You, So.
At siyempre hindi niya puwedeng pabayaan ang Bubble Gang, napapanood tuwing Biyernes, kahit busy si Ogie, gagawa siya ng paraan para makapag-taping.
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 13
By : Bong de Leon
THE members of the entertainment press came early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview with the lead actor, Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 13
By : Mario Bautista
THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 12
By : People's Tonight
GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 11
By : Nel Alejandrino

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family. Lalo pa nga at free from school ngayon ang only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 11
By : Vinia Vivar
FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more