This early ay marami na ang nagtatanong sa amin kung sino ba talaga ang magiging leading man ni Kris Aquino sa kanyang bagong teleserye with Anne Curtis.
Pero ayon sa Queen of All Media, hindi pa raw talaga puwedeng i-reveal dahil pagagalitan siya ng manager na si Deo Endrinal. Soon ay ia-announce din naman daw ito ng ABS-CBN kaya hintayin na lang.
Basta ang masasabi lang namin, tiyak na marami ang masusurpresa at matutuwa kung sino ito.
Ang maise-share lang daw niya sa ngayon ay ang role niya.
“Mabait ako dito,” she said.
“Siguro what I can reveal na lang is about how an illness can affect the entire family, and ’yung parang even if you’re well-off, para mapagaling mo ‘yung mahal mo sa buhay, ’di ba magsasanla ka? And then may ibang family members na medyo ire-resent na bakit nauubos tayo para lang sa isang tao.
“And then mayroon kang choices na gagawin along the way na mababagong lahat. Na what if you’re not actually dying pala. Kasi minsan, may ganu’n ’di ba?” kuwento ni Kris.
Pupunta pa raw sila ng Sagada para mag-taping since kilala ang lugar na ’yun na nakakapagpagaling ng may sakit.
Bukod kay Anne ay makakasama rin daw nila si Xyriel Manabat who will play her daughter. And no less than si Direk Joyce Jimenes lang naman ang magdidirek ng serye na matatandaang nakatrabaho ni Kris sa box office MMFF hit na Segunda Mano.
Natanong namin si Kris kung okey lang sa kanya kung magkaroon sila ng kissing scene ng leading man, sey niya, “Dedma, okay, go!”
Magsisimula na raw ang taping nila ng Kailangan Ko’y Ikaw on Feb. 21. Pero bago ito ay magpupunta muna sila ng dalawang anak sa Japan bilang selebrasyon ng kanyang kaarawan on Feb. 14.
* * *
Sabay na magsisimula ang teleserye ng mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde na Mundo Man Ay Magunaw at Eboy sa Jan. 30.
Si Sylvia ay isa sa lead cast sa Mundo Man Ay Magunaw na mapapanood sa Kapamilya Gold at si Arjo naman ay kasama sa Eboy na ieere naman sa primetime slot ng ABS-CBN.
Arjo is 21 years old at kasalukuyan pang nag-aaral. Ayon kay Sylvia, noon pa raw talaga gustong pumasok sa showbiz ng anak pero pinipigilan pa nila ng asawang si Art Atayde dahil nag-aaral pa nga.
Pero nito raw huli ay palakas na nang palakas ang tawag kay Arjo sa showbiz kaya kinausap na raw siya nitong pagbigyan na siya sa gusto at nangakong hindi naman niya pababayaan ang pag-aaral.
“Parang nakita ko sa kanya ang sarili ko noong bata ako. Kasi ako rin, sinasabihan ng mother ko na mag-aral, ang sabi ko noon sa nanay ko, “eh gusto ko na ngang mag-artista, gusto ko nang kumita ng pera.” Ngayon, ganyan din ang sinabi sa akin ni Arjo. Napatanga na lang ako. Sabi ko, nabalikan ako,” kwento ni Sylvia nang makatsikahan namin siya.
Naintindihan naman daw niya ang anak sa puntong may passion ito na gustong mailabas at ito ay ang pag-arte.
“Basta sinabihan ko lang siya talaga na makisama ka, be professional, ’wag mag-attitude dahil the moment na makabalita ako ng ganu’n, patitigilin ko siya,” pahayag pa ni Ibyang (tawag kay Sylvia).
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 12
By : Bong de Leon
THE members of the entertainment press came early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview with the lead actor, Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 11
By : Mario Bautista
THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 10
By : People's Tonight
GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 10
By : Nel Alejandrino

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family. Lalo pa nga at free from school ngayon ang only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 10
By : Vinia Vivar
FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more