WILLING victim ang naging papel ni Ivan Dorschner, ex Pinoy Big Brother Teen Edition alumnus na nilandi-landi sa stage ni Katy Perry sa Sunday concert niya sa SM MOA Grounds.
Agad ngang kumalat at naging instant hit sa You Tube ang paglalandi ni Katy kay Ivan na yuma-yummy na dahil sa mata-pang na pagpapakita ng hubad niyang katawan sa stage, huh!
Nilapi-lapirot muna ni Katy ang nipple ni Ivan na ikinakiliti nito at saka hinaplus-haplos ang hubad nitong katawan. Pagkatapos ay hinalikan ng foreign singer sa kaliwang pisngi si Ivan at dumiretso sa konting bahagi ng labi nito! Umani ng maugong na tilian at sigawan ang pagiging game ng kontrobersyal na foreign singer ang pasabog niyang ito.
Kapagdaka, si Ivan naman ang humalik kay Katy. Sabog ang buong MOA grounds sa paglapat ng labi ni Ivan sa kanang pisngi ni Katy na humantong sa konting parte ng labi niya, huh!
Eh, matapos naming mapanood sa You Tube ang ginawa ni Katy kay Ivan, nalaman naming gimik na pala ito ng singer tuwing may concert siya sa ibang bansa, huh! Ganoon din ang gimik niya. Kukuha ng presentableng lalaki sa stage at hahalikan.
Ginawa na ni Katy ’yan sa mga lalaking umakyat sa stage sa concert niya sa Indonesia, Birmingham, sa isang French – Canadian boy, sa Newcastle, isang Brazilian, sa Rio at kahit sa 14-year old boy, huh!
Sa totoo lang, 10 p.m. na nag-start ang concert ni Katy at kahit nainip ang manonood kabilang ang ilang showbiz personalities nasiyahan namang umuwi ang lahat sa performance ni Katy na maraming pinasikat na kanta gaya ng Firework, Friday Night at iba pa.
At least, dahil sa paghalik sa kanya ni Katy, naging sikat bigla ang unpopular na PBB alumnus na si Ivan, huh!
* * *
WALA nang magnanasang babae kay TJ Trinidad ngayong certified taken na siya. Nagpakasal na last December 28 si TJ sa non-showbiz girlfriend na si Marga Valdez. Kinumpirma ang pagpapakasal ng alaga ni Tita Annabelle ni Girlie Rodis sa biglaang Chinese New Year celebration sa Imperial hotel last Sunday na pinag-imbita ni Mother Lily.
Undisclosed ang venue ng wedding pero base sa pictures na ni-research ni Tita Girlie sa friend ni Marga na si Stephanie, dating nag-host ng Eat Bulaga bago namayagpag sa pagiging writer sa Amerika, sosyal ang dating ng wedding at walang showbiz na invited, huh!
A few days after ng wedding, balik-trabaho si TJ sa current series niyang Ko-kak sa GMA-7 na parang ordinaryong araw lang ang dating ng kasal niya.
Hindi man isinapubliko, naging bukas naman si TJ sa pagsasabing very private siyang tao at hindi ipinagkailang may girlfriend na siya, huh!
Best wishes, TJ at Marga kahit hindi namin siya kilala! He! He! He!
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 12
By : Bong de Leon
THE members of the entertainment press came early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview with the lead actor, Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 11
By : Mario Bautista
THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 10
By : People's Tonight
GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 10
By : Nel Alejandrino

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family. Lalo pa nga at free from school ngayon ang only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 10
By : Vinia Vivar
FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more