HINDI itinatanggi ng sexy hot mama na si Jennylyn Mercado na malaking impluwensiya talaga ang dyo-wa niyang si Luis Manzano para gawin ang mga bagay na hindi niya dating magawa.
Isa na rito ang kinatatakutan niyang scuba diving.
Aminado ang magaling na young actress na never pa siyang nag-scuba diving dahil takot daw si Jen sa ilalim ng dagat.
Kahit noong time na kailangan gawin niya sa isang project, hindi natuloy dahil sa hindi kakayanin pa noon ito Jen.
Pero nitong nakaraang holiday season, binigla ni Luis si Jen sa kanilang date nu’ng nasa dagat na mismo sila nang sabihin ng hunk actor na mag-i-skuba diving sila.
Dahil sa laki ng tiwala ni Jen kay Luis at sa encouragement na ibinigay nito sa kanya, napilit si Jen sumama sa dyowa na sumisid sa ilalim ng dagat.
Ang ending, enjoy na enjoy si Jen sa ginawa nila ni Luis na pagsisid.
Iba raw pala ang feeling sa ilalim ng dagat at parang may sariling mundo raw sila ni Luis.
Bukod sa scuba diving, malaki rin ang naging impluwensiya ni Luis kay Jen pagdating sa hosting job.
Regular host si Jen sa Showbiz Central, at unti-unti nang nakikitaan ng galing sa pagho-host si Jen.
Ayon sa young actress, marami raw pointers na itinuro sa kanya si Luis pagdating sa pagho-host.
Itinuturo raw sa kanya ni Luis kung ano ang dapat gawin at hindi dapat gawin ng isang host.
Unti-unti na raw nae-enjoy ni Jen kung anuman ang kinahihiligan ni Luis at masaya siya sa mga pangyayaring ito.
Lalo raw kasi silang nagiging close ni Luis.
* * *
NALOKA si Eula Valdez sa lumabas na tsikang naghiwalay na umano sila ng landas ng boyfriend niyang model na si Rocky Salumbides.
Third party daw ang rason at tipong may bagong kinahuhumalingan si Eula, na mas batang ’di hamak kay Rocky at mas matangkad.
Nakita kasi minsan si Eula na kasama ang naturang guy at sweet daw sa isa’t isa kaya iniwanan daw bigla ni Rocky si Eula.
Giit naman ang premyadong aktres, walang hiwalayan na nangyari sa pagitan nila ng boyfriend.
Sa katunayan pa nga, mas naging strong daw ang bonding nila ni Rocky ngayon at wala talagang ibang kinahuhumalingan si Eula.
Natatawang sinabi pa ni Eula na malamang ang na-kitang kasama niya raw noon minsan lumabas siya ay ang 17-anyos niyang anak na sobrang tangkad.
Halos nasa 6’1” na ang bagets ni Eula, kaya malamang na ito ang napagkamalang BF daw ni Eula.
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 11
By : Bong de Leon
THE members of the entertainment press came early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview with the lead actor, Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 11
By : Mario Bautista
THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 10
By : People's Tonight
GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 10
By : Nel Alejandrino

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family. Lalo pa nga at free from school ngayon ang only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 10
By : Vinia Vivar
FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more