Ayon kay Zoren Legaspi, ang pagdedesisyon daw ni Carmina Villarroel na magbalik sa ABS-CBN ay sariling desisyon at hindi niya pinakialaman.
In fact, pagdating daw sa kani-kanilang career, hinahayaan nila ang isa’t isa sa pagdedesisyon.
Noong una nga raw, hindi niya alam na nagdesisyon na si Mina at bandang huli na lang niya ito nalaman.
“Nag-consult siya pero ’yung talagang desisyon niya, hindi ko alam. Hindi ko pinakialaman,” sabi ni Zoren nang makatsikahan namin sa last taping day at cast party ng Glamorosa last Friday night.
Pero kahit hindi nagsasalita, nakita raw niya kung gaano nahirapan si Mina sa pagdedesisyon.
“Mga dalawang buwan ’yan, eh, na medyo irritated, lagi na lang galit sa akin, lagi akong nasa ilalim ng kama, ginaganu’n ako ng walis tambo, ‘lumabas ka riyan!’,” kuwento ni Zoren na ikinatawa namin dahil alam naming nagbibiro sa part ng “walis tambo.”
Dagdag niya, “Sabi ko, ‘hon, sa tingin ko, kaya ka ganyan dahil hindi mo alam kung saan ka pupunta.’ “Eh, tatlo ’yung nag-iimbita sa kanya, merong GMA, may Channel 5, may Channel 2. So, tatlo ang choices niya na magaganda.
“Sabi ko, ‘hon, ang dali-dali lang niyan, eh. O, ’di kung nahihirapan ka, ’di kung sino ang mataas ang offer.’
“Sabi niya, ‘hindi! Hindi nakukuha sa ganyan ’yan! Hindi ganu’n ’yun!’
“Sabi ko, “hon, hindi ba ganu’n ’yun?’” say pa ni Zoren na ikinatawa na naman namin.
In the end, sinabihan daw niya si Mina na kung saan ito masaya, ’yun ang tanggapin nito.
“Doon niya na-resolve. Kasi ’yung Channel 2, talagang home studio niya ’yan. At saka, very, very proud siya na kahit lumipat siya ng ibang channel, hindi binaba ’yung litrato niya sa hallway ng Channel 2. So, talagang hihintayin siya roon.
“Eh, nakita mo naman smile niya ru’n sa picture-taking nila ni Ma’m Charo (Santos-Concio, president ng ABS-CBN), talagang genuine na genuine. So, ayun, happy siya ngayon.”
Kung happy si Carmina sa Kapamilya, siya ba naman ay happy sa Kapatid network?
“Sa TV5, una, happy ako rito sa ginawa nilang karakter ko sa Glamorosa. It’s one of my, I guess, challenging roles, and one of my best performances, sa tingin ko, on TV, at saka ito ’yung pinakamabigat kong role na nagampanan at saka talagang from start to finish, malaman talaga,” he said.
Bukod sa Glamorosa, host din si Zoren ng Paparazzi every Sunday sa TV5.
Dream interview daw niya si Rhian Ramos dahil gusto niyang malaman ang side nito sa kontrobersyal na nangyari sa relasyon nito sa dating kasamahan na si Mo Twister.
Matatandaang co-host din si Mo dati sa Paparazzi pero kinailangang umalis ng programa dahil sa masasakit na nangyari kaugnay ng naging relasyon with Rhian.
Anyway, ang nasabing last taping day ng Glamorosa ay nagtapos sa birthday celebration ng direktor ng soap na si Eric Quizon at isa sa cast na si Meg Imperial.
May inihandang party sa National Parks and Wildlife (kung saan din nag-taping) ang buong cast after the taping.
Hanggang Feb. 10 na lang mapapanood ang soap na pinagbibidahan nina Lorna Tolentino, Alice Dixson, Tonton Gutierrez at Ritz Azul, among others.
* * *
Nakatsikahan din namin sa cast party ng Glamorosa si Lorna Tolentino na masayang-masaya ngayon dahil sa pagdating ng apong si Lyla Victoria, anak ng panganay niyang si Rafael “Ralph” Fernandez.
Aniya, napakasarap na may bagong baby sa pamilya at feeling nga niya ay parang siya rin ang nanganak.
Mas kamukha raw ni Ralph si Tori (nickname ng baby), pero may nakuha rin daw sa yumaong lolo nito na si Rudy Fernandez.
“’Yung noo niya, sa lolo niya. Tapos ’yung lalim ng cleft chin ni Rudy, ganu’n din kay Tori. ’Yung lalim ng cleft chin talaga,” she said.
May lungkot ba siyang nararamdaman na hindi na nakita ni Daboy ang first apo nito?
“Palagay ko naman, nakikita niya ’yun. Hindi lang natin nakikita na nakikita niya, pero nakikita niya ’yan.
“Kasi minsan nga, niloloko namin, naka-stare siya sa picture ni Rudy, kasi ang daming pictures ng lolo niya sa bahay, sa kuwarto lang ni Ralph, maraming pictures. ’Pag dumedede siya, naka-stare siyang ganu’n, tinitingnan niyang maigi.
“Sa baba, sa sala, may painting (ni Daboy). Kung gusto mo siyang tumahimik, itatapat namin siya ru’n, nakatingin lang siya sa picture ng lolo niya,” kuwento pa ng aktres.
Published : Thursday February 23, 2012 | Category : Showbiz | Views : 87
By : Charlie Lozo
USAP-usapan ngayon ang pagiging babaero ng guwapong aktor na si Derek Ramsay. Kung dati-rati, pa-blind item siyang nasusulat sa ginagawa niyang pambababae, ngayon, hayagan nang binabanggit ang kanyang pangalan. Tsismis nga sa amin ng isang malapit na kaibigan ni Derek, noong araw pa raw matinik sa chicks ang actor. Kung... Read more
Published : Thursday February 23, 2012 | Category : Showbiz | Views : 81
By : Vinia Vivar
First teleserye ni Carmina Villarroel sa ABS-CBN ang Lorenzo’s Time with Zaijian Jaranilla and Diether Ocampo na iere sa primetime slot once na magtapos na ang Budoy. Proud and happy si Mina na primetime agad ang ibinigay sa kanya plus kasama pa niya ang child superstar na first time niyang... Read more
Published : Thursday February 23, 2012 | Category : Showbiz | Views : 70
By : Jun Nardo
JACKPOT ang GMA Films sa horror movie nilang The Road dahil nagustuhan ito ng international film distribution outfit na Freestyle Releasing kaya naman mapapanood ito sa 50 sinehan sa buong Amerika at Canada simula sa Mayo 11. Take note na hindi sa mga pipitsuging sinehan ipalalabas ang Yam... Read more
Published : Thursday February 23, 2012 | Category : Showbiz | Views : 70
By : People's Journal
EVEN after 18 years in showbusiness, Rufa Mae Quinto has not lost her passion in moving forward and exploring new things. She is still one of the busiest stars around with two shows on GMA7, the long-running “Showbiz Central” and “Bubble Gang.” She was also on the highly successful “Daldalita”... Read more
Published : Thursday February 23, 2012 | Category : Showbiz | Views : 75
By : Aster Amoyo
WALA mang tahasang pag-amin mula kay Gerald Anderson tungkol sa estado ng kanilang relasyon ng pop princess na si Sarah Geronimo, inamin ng ex-boyfriend ni Kim Chiu na espesyal sa kanya si Sarah G. at gusto niya itong makilala pa nang husto. Hindi man sila solo nung nakaraang Valentine’s day... Read more