TILA nagiging paboritong topic ngayon ng mga bading sa beauty parlor ang byuti ni Pauleen Luna.
Pero tila ginagawa na lang siyang katatawanan dahil sa ‘pananahimik’ niya sa mga dumaraming kabit-kabit na isyung patutsada sa kanya.
Tsikang parang nagpapapansin na talaga nang husto ngayon si Pauleen si-mula nang maging ‘girlfriend’ siya ni Vic Sotto. Una kahit pa ano’ng tanggi ang gawin ni Pauleen na hindi talaga sila ni Vic ay halatang-halata naman sa ikinikilos nilang dalawa sa Eat Bulaga na may ‘special something going bet-ween them.’
Bakit kailangan pang mag-tweet ni Oyo Boy Sot-to kay Pauleen kung sa pa-lagay nito ay wala naman siyang relasyon kay Bos-sing?
Heto na naman po si Pau-leen, may bago na namang isyu. Siyempre pa ay may kinalaman kay Vic ang biglang ‘pagbabago’ ng mukha ni Pauleen. As in, biglang tumangos ang kanyang ilong at parang mas lalong gumanda ang dating nito ngayon.
Nang ilang araw na umab-sent si Pauleen sa Eat Bulaga, ang naging excuse ng dalaga ay naaksidente siya nang mag-bike. Pero ang totoo, nagpaopera siya ng mukha at sa kanyang pagbabalik, iba na nga ang kanyang anyo, halos ‘di na siya makilala.
Ayon naman sa taong ma-lapit kay Pauleen, hindi raw totoong nadisgrasya si Pauleen kundi nagpa-retoke lang ito ng ilong kung kaya magpahinga muna ito sa work.
Puwede namang sabihin ni Pauleen na nagpaayos siya ng ilong. Wala namang masama roon dahil ginagawa naman ito ng maraming artista. Kaya nga lang, pa-rang type na type ni Pauleen ang maging ‘mister-yosa’ ang dating.
Nang mata-nong si Pauleen sa bagay na ito, ang nasabi lang niya ay haya-an na lang ang mga tao kung ano ang gusto nilang isi-pin.
O ‘di ba, nambitin na naman si Pauleen!
* * *
PAKI lang po ng aming katotong Rodel Fernando. Mapapanood na ngayong Lunes (Jan.23) sa ganap na ika-7:30 ng gabi ang kauna-unahang teleserye ng Net 25 na 5 Girls and a Dad. Pinagbibidahan ito ng respetadong character actor na si Richard Quan, with Precious Lara Quigaman na kauna-unahan din niyang pagbibida sa dramang pantelebisyon.
Ito ang teleseryeng ma-giging salamin ng bawat ma-mamayang hindi dapat ma-walan ng pag-asa kung may mga pagsubok at problemang dumarating sa buhay. At first time sa isang TV show na walang violence at pawang kapupulutan ng aral ang tanging masasaksihan. Kakaiba ito sa mga palabas sa telebisyon na may mga patayan, digmaan, po-ot, paghihiganti, kasakiman, at iba pang mga negatibong aspeto ng buhay.
Sa panulat ni Lualthati Bautista, bahagi rin ng pa-labas ang mga beteranong aktor na sina Leo Martinez at Vangie Labalan.
At ang limang girls na bumubuo ng programa ay kinabibilangan nina Dixie Nedic, Kate Nizedel, Abby Quilnat, Kiane Palmes at ang gumanap dati na anak ni Marian Rivera sa programang Marimar na si Chesca ‘Cruzita’ Salcedo.
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 11
By : Bong de Leon
THE members of the entertainment press came early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview with the lead actor, Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 10
By : Mario Bautista
THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 9
By : People's Tonight
GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 9
By : Nel Alejandrino

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family. Lalo pa nga at free from school ngayon ang only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 9
By : Vinia Vivar
FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more