Vic finally admits relationship with Pauleen


SA interview ni Zoren Legaspi sa mestisang aktres na si Nina Jose sa Paparazzi last Sunday, ibinuko nitong nililigawan siya ni Vic Sotto.

Pero bago daw aminin ng aktres on air na nililigawan siya ni bossing Vic, tumawag pa raw ito kay Vic at nagpaalam kung puwedeng sabihin na nililigawan nga siya ng sikat na komedyante.

Umoo naman daw si Vic at sinabihan pa raw si Nina ng: “Sige sabihin mo na nililigawan kita at mahal na mahal.”

Kaya nga nu’ng sumalang na sa interview ni Zoren si Nina, napanganga ang moviewriters na bisita dahil ang buong akala nila, si Pauleen Luna ang pinopormahan ni Vic.

Kamakalawa, nagpa-interview na umano si Vic sa ilang reporters at ipinagtapat na raw nito ang tunay na relasyon nila ng co-host niya sa Eat Bulaga.

Ayon raw kay Vic, totoo raw na sila na ni Pauleen at may mga ilang buwan na rin ang kanilang relasyon.

Ayon pa sa comedian-TV host, ginusto nilang huwag nang magsalita tungkol sa kanilang relasyon dahil talagang noon pa hindi nagko-comment si Vic tungkol sa kanyang lovelife.

Ang nakakaloka, wala raw sinabi o binanggit man lamang si bossing Vic tungkol sa naging pahayag ni Nina na nililigawan siya ni Vic.

Parang dinedma lang ito ni bossing Vic, ganun?

Ayon naman sa tsismis sa apat na sulok ng Broadway, kung saan live ang Eat Bulaga, nagkaroon raw ng masinsinang pag-uusap sina Vic at Pauleen. Halata kasing nagtampo si Pauleen dahil nalaman niya ang naging pahayag ni Nina.

Hindi daw hinihingi ni Pauleen kay Vic na aminin na nito ang tunay nilang relasyon, pero napilitan daw si bossing Vic na umamin para patunayan kay Pauleen na siya ang mahal ng komedyante at biruan lang nila ni Nina Jose ang ligawan issue?

Kakaloka, huh!

* * *

ISA sa patuloy na pinag-uusapan ngayon sa iba’t ibang media organization ang magandang Pinay na si Anna Gil Esteban na tinatagurian nilang “Dangal ng mga Kababaihang Pilipina.”

Ayon sa ilang taga-media at sektor na nangangalaga para mapataas ang uri ng mga Pinay, kung hindi pa nila nabasa sa latest issue ng Metro Magazine si Anna, hindi pa nila malalaman na Pilipina pala ito.

Sa dalawang pahinang artikulong isinulat patungkol kay Anna sa naturang magazine, inilarawan ang kanyang kasipagan, katalinuhan, kabaitan at walang pagod na paglilingkod kahit sa ibang lahi.

Sa aming research, mga sikat at kinikilalang perso-nalidad sa iba’t ibang bansa ang personal ng nagpapahatid ng paghanga at pasasalamat kay Anna, na 17 years nang nagtatrabaho bilang finance executive ng isang international oganization na may branch dito sa Pilipinas.

Bukod dito, siya rin ang presidente ng isang kooperatiba na layuning magbi-gay-tulong sa iba’t ibang institusyon sa bansa para umagapay sa mga mahihirap na Pilipino.

Hindi naman nakapagtatakang papurihan si Anna dahil mula siya sa inirerespetong pamilya at pinsan si Presidential spokesperson Ricky Carandang.

Sa true lang, low-profile ni Anna dahil nu’ng una ko siyang makita sa Facebook, inalok ko pa siyang maging artista dahil maganda ay sexy pa siya, huh!

Kaya naman pala hindi pinatulan ang aming offer, mayroon sa siyang sariling mundong ginagalawan .

Mabuhay ka, Anna!



Showbiz News

Raymart snubs presscon

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 10
By : Bong de Leon

THE members of the entertainment press came  early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview  with the lead actor,  Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more

Luis a good catch for Jennylyn

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 9
By : Mario Bautista

THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more

Thumbs up for 'The Road'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 9
By : People's Tonight

GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 9
By : Nel Alejandrino

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family.         Lalo pa nga at free from school ngayon ang  only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more

Angeline sapped Coco's strength

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 8
By : Vinia Vivar

FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC