This Sunday na ang binyag ni Baby Nate nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez at may feeling kaming sa binyag ng baby nila gagamitin ang songs na ni-record nila para sa anak. Nine pairs ang godparents ni Baby Nate at para hindi magulo, may invited silang one cameraman per network, pero ang reception ay wala nang coverage.
Magbibigay din ng picture sa bawat editor ang mag-asawa para maayos ang lahat dahil maliit ang simbahan. Humingi ng pang-unawa sina Ogie at Regine.
Kasama rin yata sa repertoire sa Valentine concert nina Ogie at Regine sa February 14 sa Smart Araneta Coliseum billed Mr. & Mrs. A ang ni-record nilang songs for their baby, kaya abangan n’yo ang number na ’yun.
Lumaki ang boobs ni Regine after manganak at nagbiro itong puwede siyang bold star, pero tiniyak na very fit na siyang mag-perform uli. Na-feel niyang kaya na niyang bumirit nang mag-record siya ng songs for Baby Nate, kaya mag-expect kayo ng bonggang performance ni Songbird sa concert nila ni Ogie.
Dagdag na guests sa concert sina Boy Pick-Up, Michael V, Sam Pinto at mga taga-Bubble Gang. Wala raw spot number ang guests, kaya hindi masyadong mahaba ang concert na ididirehe ni Randy Santiago at produced ng Star Media ni Ana Puno.
* * *
Pagkatapos ng Hitman, ready na for more challenging roles si Mark Herras at malaki ang pasasalamat nito kay Cesar Montano na ipinagkatiwala sa kanya ang role ni Alvin sa pelikulang showing sa February 22.
Thankful din si Mark kay Phillip Salvador na tumulong sa kanya at naging acting coach pa niya. May eksenang nag-monologue siya ng 15 minutes at na-feel niyang tama ang kanyang ginawa dahil kinongratuleyt siya nina Cesar after the scene.
First time humawak ng baril ni Mark at kahit alam niyang blanko ang bala, ninerbyos pa rin siya, pero agad ding nasanay at napaputok ang baril.
“Bad boy ang character ko rito, magugulat ang tao, bago ito sa mga ginampanan ko. Pasalamat ako sa chance na makasama ang magagaling na artista at masarap katrabaho sina Direk Cesar, Kuya Ipe at Ricky Davao dahil gina-guide nila ako. May pressure, pero natuwa ako nang mai-deliver ko nang maayos ang mga eksena ko.”
* * *
Magkasama sina Oyo Sotto at Niña Jose sa Valiente, pero hindi alam ng una na nali-link ang huli sa ama niyang si Vic Sotto.
Para naman patunayang mali ang tsismis sa kanila ni Vic, ipinakita ng dalaga ang isang business magazine na cover ang BF niyang si Joseph Calata. May picture rin sila sa kanyang celfone at ipinakita rin sa press na dumalaw sa taping ng Valiente.
Itinanggi ni Niña ang tsikang nanliligaw sa kanya si Vic at nireregaluhan siya mula nang magkasama sa sitcom sa TV5. Isang silver scapular na may sentimental value kay Vic lang daw ang ibinigay nito sa kanya at thankful naman siya.
May BF na raw siya nang ma-link siya kay Vic at ’di ito nagselos. Dumalaw pa ang nobyo sa taping niya, hindi namin natanong kung ipinakilala niya kay Oyo.
Si JC de Vera ang kapareha ni Niña sa Valiente at may kissing scene sila, pero tiyak na walang magseselos dahil single ang actor ngayon after his breakup with Danita Paner. Saka sabi ni Niña, nagtatrabaho lang silang dalawa.
Si Joel Lamangan ang director ng remake ng Valiente, produced ng Archangel Media na magpa-pilot sa February 13. Narito rin sina Michael de Mesa, Jaclyn Jose, Kerbie Zamora, Ross Fernando, Arvic Rivero, Tony Mabesa at Mark Gil.
* * *
Kasama nina Chris Tiu at Isabelle Daza sa iBilib ang Moymoy Palaboy, magpa-pilot sa January 29, after Kap’s Amazing Stories. Third show na ito ng magka-patid at malulungkot ang fans nila sa desisyon nilang maghiwalay muna this year.
Sabi ni James, gaga-win nila ni Rodfil na mag-solo para mas malawak ang kanilang maabot. Type niyang sundan ang yapak ni Andrew E dahil matagal na raw walang Andrew E at kakausapin niya si Sam Pinto kung papayag makapareha siya.
Open si Rodfil sa naisip ni James dahil four years na rin silang magkasama at mas maganda kung may solo career din sila. Bukod sa showbis, magpu-focus siya sa photography, marami raw silang magagawa na hiwalay sila.
Pero sa iBilib, buo pa rin ang Moymoy Palaboy at sama-sama sila nina Chris at Isabelle na pasayahin ang viewers.
* * *
Sa Tweenhearts, bumalik na si Heidi (Kylie Padilla) at makikiusap si Rick (Derrick Monasterio) kay Belinda (Bea Binene) na ilihim ang panliligaw niya rito. Pero ayaw maglihim ni Bel sa BF at payo sa kanya ni Bambi (Barbie Forteza) na magtapat kay Jacob (Jake Vargas) na gagawin nito.
Makikita ni Aya (Joyce Ching) nang halikan ni Chris (Kristoffer Martin) si Teacher Annabelle (Isabelle Daza), pero hindi niya nakita nang lumayo ang teacher sa ex niya dahil napansin na nga ang sobrang kabaitan nito sa kanya. Dagdag na problema kay Aya ang pagbabalik ni Eunice (Yassi Pressman).
Ayos na ang relasyon nina Bambi at Josh (Joshua Dionisio), pero mukhang magiging problema nila ang closeness nina Bambi at kinakaptid nitong si Kevin (Kiko Estrada). Okey lang ito kay Josh noong una, pero sinusulsulan siya ng barkada, time na ba para bakuran niya si Bambi?
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 9
By : Bong de Leon
THE members of the entertainment press came early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview with the lead actor, Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 9
By : Mario Bautista
THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 8
By : People's Tonight
GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 9
By : Nel Alejandrino

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family. Lalo pa nga at free from school ngayon ang only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 8
By : Vinia Vivar
FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more