Sunshine, Cesar fighting over Sam?


Pinatunayan lang ni Sam Pinto na pagdating sa kanyang showbiz career, gagawin niya ang lahat.

Sa mga eksena nina Cesar Montano sa isang indie film, hindi nagreklamo si  Sam kahit pa very torrid ang naging romansahan nila ng aktor. 

Nakunan na ang eksena sa indie film, pero hindi pa rin mawala sa isip ni Cesar ang pagiging “game” ni Sam.

Ang isyu nga ngayon, madalas daw inaaway si Cesar ng misis niyang si Sunshine Cruz dahil kahit sa pagtatalik nila, si Sam daw ang nababanggit ni Cesar.

Ingat na ingat naman daw si Cesar sa naging romansahan nila ni Sam sa indie movie dahil siya ang writer-actor-director-producer nito. Ayaw daw niyang mapagbintangang “pinagsasamantalahan” niya si Sam.

Samantala, pinanindigan lang ni Sam Pinto ang sinabi niya sa presscon ng Legacy, kung saan kasama siya sa cast ng teleserye na nagsimula nang mapanood sa GMA7, pagdating sa kanyang showbiz career, gagawin niya ang anumang role na ipinagkatiwala sa kanya.

*  *  *

Nilinaw ni Chris Tiu na walang katotohanan ang isyung lilipat na siya ng TV network, particular sa TV5.

Mananatili pa rin daw siyang Kapuso dahil dito siya nagsimula at maganda naman ang pakikitungo sa kanya ng GMA Network. Lalo na ngayon na pagkatapos ng kanyang Believe It Or Not, binigyan agad siya ng Kapuso ng bagong assignment, ang iBilib, kung saan kasama niya sina Isabelle Daza at ang comedic pair na Moymoy Palaboy.      

Tipong magic-magic ang  ipapalabas sa show pero may mga scientific explai-nation ito.

Ang iBilib ay magsisi-mulang mapanood sa  GMA7 sa Enero 29.

*  *  *

Unti-unti nang nakikilala sa showbiz ang dalagang anak ni Gloria Diaz na si Isabelle Daza.

Natanong namin si Isa-belle sa presscon ng iBilib kung makakaya ba niya ang ginawang pagbuyangyang ng kaseksihan ng ina sa pelikulang Pinakamagandang Hayop Sa Balat ng Lupa.

“Puwede naman. Tingnan po natin!” mabilis na sagot ng dalaga.

Bago pinayagan ni Gloria si Isabelle na pasukin ang showbiz, makailang beses daw kinausap ng ina ang manager ni Isabelle para pag-sabihan na huwag  tatanggap ng sexy  roles  ang anak.

Pero, we heard na hindi raw kayang pagbawalan ni Gloria ang anak kapag gusto nitong gawin ang isang bagay.

Samantala, ikinagulat ni Isabelle ang pagkaka-link ni-ya kay Manny Pacquiao.

Naging co-host kasi si Isabella sa show ni Pacman sa GMA7 na Manny Many Prizes.

“Sa showbiz  naman kasi, expected na ka-pag naka-work ng isang babae ang isang lalaki, sigurado na mali-link na sila sa isa’t  isa. Pero, okey lang naman na ma-link ako kay Manny. Tinatawanan ko na lang ‘yun,” sagot ni Isabelle.

*  *  *

SA episode sa Linggo, tatapusin na ang nagyeyelong planetang ipinakita sa Kap’s Amazing Stories ni Sen. Bong Revilla sa GMA7.

Paano at ano ang nangyayari sa mga hayop na namumuhay sa mga malalamig na lugar kapag nalusaw na ang yelo sa kapaligiran ng kani-lang kinalakihang tirahan?

Samantala, sa nagaganap na impeachment trial kay Chief Justice Renato Corona sa Senado, pinanindigan naman ni Sen.Bong na ma-giging parehas  siya sa kanyang magiging hatol at walang sinuman ang puwedeng magdikta sa kanyang magi-ging desisyon tungkol dito.



Showbiz News

Raymart snubs presscon

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 8
By : Bong de Leon

THE members of the entertainment press came  early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview  with the lead actor,  Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more

Luis a good catch for Jennylyn

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 8
By : Mario Bautista

THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more

Thumbs up for 'The Road'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 7
By : People's Tonight

GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 8
By : Nel Alejandrino

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family.         Lalo pa nga at free from school ngayon ang  only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more

Angeline sapped Coco's strength

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 7
By : Vinia Vivar

FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC