David Archuleta to promote his TV series


MAGHANDA na ang fans ng American Idol finalist na si David Archuleta.

Nag-break muna kasi sa taping ng soap niya sa TV5 si David para pasayahin ang  kanyang fans ngayong hapon para sa isang libreng mall show sa SM Fairview na magsisimula sa ala-1 ng hapon at tatagal hanggang 4 pm.

Ito ay bilang promo na rin sa malapit nang mapanood na teleserye niyang Nandito Ako sa TV5.

Siyempre, makakasama niya sa mall show ang leading ladies niyang sina Jasmine Curtis-Smith at Eula Caballero.

Kaya sugod na kayo ngayong hapon sa SM Fairview , dahil puwedeng magpa-picture at magpa-autograph kina David, Eula at Jasmine ang lahat ng fans. 

* * *

IPINAGTAPAT ni Cami-le Prats sa thanksgiving-cum-farewell presscon ng Munting Heredera   na after four months since pumanaw ang mister na si Anthony Lansingan, hindi  pa rin daw siya nakaka-recover sa nadaramang kalungkutan.

Kaya naging theraphy daw niya para makalimot ay ang pagtatrabaho nang husto. Buti naman daw at tuluy-tuloy ang taping ng Munting Heredera buhat nang mamatay ang mister noong October 2011 sa sakit na cancer.

Apat na taong naging magkasintahan sina Camille at Anthony, at tatlong taon naging mag-asawa.

Mabuti na lang daw at iniwanan siya ni Anthony ng cute na baby boy na more than two years old na ngayon.

Malaki ang pasasalamat ni Camille na napasama siya sa Munting Heredera kahit second choice lang siya, kapalit ng nag-over da bakod na si Gelli de Belen.

Speaking of Munting Heredera, labis ding nagpapasalamat ang dating sikat na bold stars  na sina Leandro Baldermor at Ynez Veneracion dahil napasama sila sa cast ng naturang soap.

Napatunayan nilang hindi lang paghuhubad ang kaya nilang gawin dahil naipakita nilang tunay na silang mga artista ngayon.

*  *  *

NGAYONG Sabado ng  gabi uulan na naman ng mga papremyo sa Manny Many Prizes.

Kahit busy si Cong. Manny Pacquiao sa kanyang trabaho sa Kongreso, hindi niya nakakalimutan ang  paglabas sa kanyang show. Lagi kasing nasa isip ni Manny ang libu-libong audience ng show tuwing Saturday night na pumila para lang makita siya.

*  *  *

BUKAS, Linggo, huwag kalilimutang panoorin ang Tween Hearts.  Nakakikilig ang episode dahil parehong mangungulit sa kanilang pag-ibig kay Bea Binene  sina Derrick Monasterio at Jake Vargas.

Kung dati simple-simple lang si Jake sa paghahayag ng pagmamahal kay Bea, ngayong Sunday, magpapahayag na siya ng tunay niyang damdamin. Talagang pumuporma na kasi si Derrick kay Bea at kailangan nang kumilos ni Jake.

*  *  *

PATULOY pa ring mag-kukuwento  si Sen. Bong Revilla tungkol sa tinatawag na Frozen World sa kanyang  Kap’s Amazing Stories, mapapanood pagkatapos ng Pepito Manaloto. Ngayong Sunday, tuloy ang pagtalakay niya tungkol sa buhay-autumn sa North and South Pole.

*  *  *

NAKAKATABA ng puso  para sa buong cast ng Pepito Manaloto na lagi nilang pagiging no.  1 sa kanilang timeslot.  Kasi, ba naman hindi nakakalimutang panoorin ng buong bansa tuwing Sunday ang Pepito Manaloto  dahil sa iba-ibang nakatutuwang istorya ng buhay ng isang taong dating mahirap na yumaman.

*  *  *

Ngayong Chinese New Year’s Eve, naghanda ang mga programa ng GMA News TV  (Quickfire, Idol sa Kusina at Ang Pinaka) ng tips at ilang recipe na ta-mang-tama sa pagsalubong sa Year of the Water Dra-gon. Sa Quickfire Campus Tour, pupuntahan ni Chef Rosebud Benitez ang Ly-ceum of the Philippines kung saan makakasama niya ang mga estudyanteng avid viewers ng programa tulad nina Ruben Rivamonte, Ka-ren Rosales, Timothy Fal-ler, Bernard Mayo at Wes Perez. Lucky Feng Shui tips naman ang tampok nga-yong Linggo sa Ang Pinaka na pinangungunahan ng host na si Rovilson Fernandez kasama ang Survivor Celebrity Doubles Showdown castaways na sina Betong Sumaya at Maey Bautista.  Mga pagkain para sa Chinese New Year naman ang inihanda ng Idol sa Kusina host na si Chef Boy Logro.



Showbiz News

Raymart snubs presscon

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 8
By : Bong de Leon

THE members of the entertainment press came  early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview  with the lead actor,  Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more

Luis a good catch for Jennylyn

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 8
By : Mario Bautista

THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more

Thumbs up for 'The Road'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 7
By : People's Tonight

GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 7
By : Nel Alejandrino

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family.         Lalo pa nga at free from school ngayon ang  only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more

Angeline sapped Coco's strength

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 7
By : Vinia Vivar

FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC