Cesar couldn't help but gape at Sam


Starting next week, sa ibang network na magre-report for work ang isang aktres dahil itinuloy na nito ang paglipat.

Magagandang show ang inilatag sa aktres at matutupad na rin ang matagal na niyang pangarap na makatrabaho ang ilang sikat na talent ng network.

In fairness, sinunod ng aktres ang request ng bossing ng iiwang network na pag-isipan nang maigi ang paglipat at two weeks nga siyang nag-isip nang husto.

Kundi sa hiling ng mga bossing, matagal nang nakapirma ng kontrata ang aktres sa kabilang network.

May grand welcome sa aktres sa isang show na katapat ng nilabasan niya sa iiwang network, pero ganu’n talaga sa showbiz, walang permanenteng bagay.

Basta ang ipinangako nito, hindi siya lalabas sa isa pang show ng network na katapat ng nilabasang show sa iiwang network.

* * *

“Unofficial assistant director” ang tawag ni Cesar Montano kay Phillip Salvador dahil tinulungan siyang tapusin ang shooting ng Hitman.

Naging acting coach din si Phillip nina Mark Herras at Sam Pinto at lahat ng ito’y ginawa ng actor hindi lang para makatulong kay Cesar, pati na rin kina Sam at Mark.

Ipinaalam din ni Cesar sa press na hindi nagpabayad si Phillip sa isang araw na shooting.

Grateful naman si Phillip to work with Cesar dahil hindi lang magaling na artista, mahusay ding director.

Hindi lang nakahirit si Cesar sa pambubuking ni Phillip na lubha siyang nadala sa kissing scene nila ni Sam.

“Ngayon lang ako nakakita ng artistang lalaki na pagdating sa kissing scene, natutulala at nadala sa karakter niya. Nagugulat pa ‘pag pinapaalala naming may next scene pang kukunan.”

* * *

Umiiyak na si Gabby Eigenmann hindi pa man siya nagsasalita sa thanksgiving presscon ng Munting Heredera dahil hindi na sila magkakasama ng cast na itinuring niyang pamilya.

Pero alam niyang madali niyang matatawagan ang mga ito at kundi sa suporta ng mga kasama, hindi niya maaabot ang goal niya.

“Munting Heredera is the best na ginawa ko, kaya okey lang sa akin kung isa ako sa most-hated villain on TV,” wika ni Gabby.

Kinuwento nito ang magiging ending ng karakter niyang si Desmond, pero dahil sa February 3 pa ang ending ng soap, hindi muna ipinasulat.

Nagsimula na ring mag-taping si Gabby sa Broken Vow, kung saan isa siya sa mga bida na aniya, matagal niyang hinintay.

Para maiba ang hitsura niya sa Broken Vow, nagpapayat siya, from 182 lbs., 170 lbs. na lang siya ngayon at 10 lbs. pa ang aalisin.

Mas malinis din ang hitsura niya bilang si Roberto,  isang konsehal at ini-expect na magkakaroon sila ng chemistry ni Bianca King.

Sabi pala ni Gabby, nagpaalam siya kay Dennis Trillo dahil makakatrabaho niya ang GF nitong si Bianca, at kay Arthur Solinap dahil kay Rochelle Pangilinan na kapareha rin niya sa Broken Vow.

* * *

Mas kumportableng host kesa umarte si Isabelle Daza, kaya masaya na kinuha siyang co-host ni Chris Tiu sa infotainment na iBilib na magsisimula sa January 29, after Kap’s Amazing Stories sa GMA-7.

“I’m more of a host and I like it dahil parang you’re just yourself at ang dami kong nakikilalang tao at nakakapag-adlib ka. Takot akong umarte dahil wala pa akong training and I don’t wanna be mediocre. I think I still need training,” pag-amin nito.

First time makatrabaho ni Isabelle si Chris, pero kilala na niya ito at naging kapitbahay sa tinirhang village.

Sabi ni Chris, friend niya ang BF ni Isabelle na ayaw nitong pangalanan, pero inaming foreigner.

Sa pagho-host sa iBilib, si Alodia Gosiengfiao ang peg ni Isabelle sa look niyang parang Cosplay.

“Fun ito dahil like ko ang mag-dress up for Halloween at excited ako to work with Chris, He’s very professional and very intelligent.”

* * *

Manliligaw ang tawag ni Gloria Romero sa ABS-CBN at GMA-7 na parehong may offer sa kanya ngayon.         Dalawa raw ang manliligaw niya, pero mukhang matatagalan pa bago may sagutin ang aktres dahil after Munting Heredera, one month muna siyang magpapahinga.

Inabot kasi ng nine months ang Muher at madalas, kasama sa eksena si Gloria, kaya napagod.

Naging emotional nga ito sa thanksgiving presscon ng soap dahil mami-miss ang mga kasamang artista.

Sa January 23 ang last taping day ng Muher at siguradong magkakaiyakan sa taping.

Sa February 3 naman ang last airing at nag-spoiler si Robert Arevalo na happy ang ending ng love story ng karakter niyang si Enrique at Lola Ana (Gloria).



Showbiz News

Raymart snubs presscon

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 8
By : Bong de Leon

THE members of the entertainment press came  early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview  with the lead actor,  Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more

Luis a good catch for Jennylyn

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 8
By : Mario Bautista

THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more

Thumbs up for 'The Road'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 7
By : People's Tonight

GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 7
By : Nel Alejandrino

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family.         Lalo pa nga at free from school ngayon ang  only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more

Angeline sapped Coco's strength

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 7
By : Vinia Vivar

FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC