Cesar likens Sam's appeal to an 'earthquake with aftershock'


“NETWORKLESS” si Cesar Montano ngayon. Tapos na ang kontrata niya sa GMA Network kaya freelance na siya at in-announce niya ito sa presscon ng upcoming movie niyang Hitman.

Eh, dahil may tie-up sila ni Boss Vic del Rosario sa bagong movie, posible bang gumawa siya ng project sa TV5 kung saan may shows ang Viva producer?

“Meron, may possibility! Kasi freelance ako ngayon, so, any station, any network. Very possible na mapunta ako roon,” tugon ng writer, actor, director ng movie.

Naging masaya ba siya sa Kapuso Network?

“Oo! Oo! Talagang ’pag ikaw ay napunta sa network na GMA-7, talagang mararamdaman mo ang puso nila, ang pagmamahal nila,” sagot niya.

Eh, balitang may naka-line-up siyang drama series sa Channel 2.

“Yes, may offer sila sa akin to do a John Lloyd (Cruz) and Bea (Alonzo). Hindi pa raw final.

“Pero right now, kami ni Boss Vic, may nakahilera kaming pelikula immediately right after this. Getting To America at ako rin ang magdidirek nu’n.

“Co-writer din ako doon. Sa last week of February or first week of March ang shooting. After that, balik kami sa isang action movie,” balita pa ni Cesar.

Sa Hitman, muling nagpakita ng katawan si Cesar at pumayag sa maiinit na romansahan at halikan kay Sam Pinto.

Sa totoo lang, naging dahilan ang seksing katawan ni Sam upang magpaganda rin ng katawan si Cesar, huh!

Natutulala nga raw ang aktor tuwing matatapos ang kissing o bed scene dahil aniya, parang earthquake ang appeal ni Sam at tipong may aftershock pa.

* * *

PUMAYAG na si Annabelle Rama na isang drama ang next series ng anak na si Richard Gutierrez sa GMA-7. Leading lady na lang ang hinahanap ng network para sa anak niya.

“Kulang kasi sa mga babae sa GMA, eh. Sinasabi sa akin nila si Sarah Lahbati. Maganda naman siya, seksi rin,” sambit ni Annabelle nang makachikahan namin sa presscon ng Valiente kung saan isa sa cast ang alagang si JC de Vera.

Naku, tiyak na liligawan ni Chard si Sarah!

“Sa tingin mo? Hahaha! Kasi sabi ni Sarah, isa si Chard sa gusto niyang makapareha. Tingnan natin!” sambit niya.

Eh, kung walang leading lady sa GMA, lipat na lang sila sa Dos?

“Matagal pa ang kontrata namin, eh, hahaha! At kahit na matapos, may option pang one year bago kami makakawala. Ganyan ang nangyari kay JC. Akala ko, tapos na ang kontrata, eh, may one year option pa pala. Kaya hayun, naburo siya ng isang taon bago nakalipat ang bruho,” katwiran ni Bisaya.

* * *

NAGING emotional lang daw sina JC at Danita Paner kaya naman dumating sa puntong kailangan na nilang maghiwalay. 

Walang third party at ayon kay JC, umikot lang kasi ang mundo nila sa isa’t isa kaya kinailangang tapusin nila ang kanilang relasyon.

Hindi nga lang naging amicable ang split nila ni Danita.

“Hindi rin, eh. Emotional lang. Hindi naman madugo,” sey niya sa pocket interview sa bagong soap niyang Valiente sa TV5.

Paano niya tinanggap ang hiwalayan?

“Meron pa rin akong emotional moment. Siyempre, nalulungkot ako dahil for one year, marami nang nakasanayan. Pero ’yun nga, dahil busy ka sa work, busy ka sa Valiente, meron kang every Tuesday and Saturday, Sunday lang ang pahinga ko. Eh, nag-i-spend ako palagi ng Sundays with my family. So, kumbaga, sa namatayan, no time to mourn. Hahaha!

“Paano ka magiging malungkot kung ang dami mo pang aasikasuhin? ’Yun lang, minsan, matutulala ka lang kasi ’pag nakakita ka ng two hours sa isang araw na wala lang gagawin, siyempre, tutulala ka lang kasi, doon mo maiisip, eh,” paliwanag ni JC.

May regrets ba siya sa nangyari?

“Wala! Naka-charge na lahat sa experience. Ah, natuto ako and I’m sure, marami ring natutunan si Dan.             “Siyempre ’pag nag-regret ka, parang ang sama, eh. Puro ka na lang… parang negative ang dating,” dugtong pa ng actor.

Pero itinanggi ni JC na ang manager niyang si Annabelle ang nag-utos sa kanyang hiwalayan si Danita dahil kaaway nito ang mother ng huli na si Daisy Romualdez-Paner, huh!



Showbiz News

Raymart snubs presscon

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 7
By : Bong de Leon

THE members of the entertainment press came  early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview  with the lead actor,  Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more

Luis a good catch for Jennylyn

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 7
By : Mario Bautista

THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more

Thumbs up for 'The Road'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 7
By : People's Tonight

GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 7
By : Nel Alejandrino

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family.         Lalo pa nga at free from school ngayon ang  only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more

Angeline sapped Coco's strength

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 6
By : Vinia Vivar

FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC