Isang Tiffany necklace na may heart-shaped pendant ang Christmas gift ni Gerald Anderson kay Sarah Geronimo.
Ito ay inamin mismo ni Sarah sa ginanap na thanksgiving party for the press last Wednesday night sa Imo’s Restaurant na pag-aari ng kanilang pamilya along Mindanao Ave., QC.
Matagal bago napaamin ng press si Sarah. Talagang ayaw niyang sabihin noong una dahil nakakahiya naman daw na siya pa ang magsabi kaya si Gerald na lang daw ang tanungin.
Pero hindi talaga tinantanan ng press si Sarah at dumating pa sa puntong tila nag-Pinoy Henyo pa kami na hinuhulaan pa namin kung ano ito.
Ang dalaga naman, hindi malaman ang gagawin kung paano iiwas sa tanong.
Hanggang sa bandang huli, sambit niya, “Okay lang ba ’yung sabihin? Okay lang naman siguro. Ano po, binigyan niya ako ng necklace.”
Asked kung ano’ng klaseng necklace, bagama’t hesitant pa rin, sinabi na rin niyang Tiffany nga ito na may heart-shaped pendant.
At hindi lang siya ang binigyan ni Gerald ng regalo kundi maging ang kanyang magulang at kapatid. Pumunta pa raw ng bahay nila ang young actor para ihatid ang Christmas gifts.
May gift din naman daw ang buong family niya kay Gerald. Binigyan daw nila ito ng shirt na si Mommy Divine (nanay ni Sarah) ang bumili since wala nga raw siyang time na mag-shopping.
Nanliligaw na ba sa kanya si Gerald?
“Hindi, hindi talaga,” mabilis niyang sagot.
Pero the fact na tumanggap siya ng alahas, ibig sabihin, may something na sila.
“Hindi, hindi naman po sa ganu’n. Siyempre, espesyal naman po ’yung tao, nakatrabaho natin siya at nakita ko naman kung gaano siya kabuting tao, kabuting anak din sa mommy niya, kung gaano siya ka-sweet sa mommy niya.
“Siyempre, for a guy, ’di ba, na maging ganu’n ka-sweet sa mommy niya, nakakatuwa. So, ’yun lang naman po. Hindi ko naman po itatanggi na espesyal din naman po ’yung tao,” pahayag ni Sarah.
Pero hindi suot ng Pop Star ang kuwintas at aniya, isusuot din naman daw niya ito siyempre.
Ready na ba siyang magmahal ulit?
“Hindi pa,” she said.
Pero nag-e-entertain naman siya ng suitors?
“Ay, ano lang naman po, wala naman po sigurong masama na hayaan natin ’yung friendship, ’di ba po? Pero sa ngayon, wala po munang relationship.”
“Titingnan po natin kung kelan po ready na itong puso ko na magmahal ulit.”
Samantala, nabanggit din ni Sarah na may bago siyang show sa ABS-CBN na magsisimula ng mapanood ngayong February. Ito ay ang Sarah G. Live which will air every Sunday night.
Aminado si Sarah na kinabahan at natakot siya nang unang sabihin sa kanya ito ng management.
"Siyempre ho, nu’ng una, ayoko, natatakot ako. Kasi sariling show ko na 'yon, eh, saka malaking responsibility 'yon sa akin as an artist. Pero blessing ito. Napakagandang blessing nito at another challenge para sa akin para mag-grow as an artist and as a person. So, ba't ko tatanggihan?”
Dahil kailangan ng malaking preparations para sa show, kakailanganin ni Sarah na magpahinga muna sa ASAP kung saan isa siya sa mainstays na napapanood tuwing Sunday ng tanghali.
Pansamantala lang naman daw ito habang may Sarah G. Live siya.
"Pero siyempre, ’pag may mga guesting, show, project na kailangang i-promote, babalik tayo sa ASAP,” aniya.
Tuloy pa rin daw ang concert tour niya abroad sa April at siguro raw, magte-tape na lang siya ng episodes for Sarah G. Live kung sakali.
Tungkol naman sa third movie nila ni John Lloyd Cruz, ang alam daw niya, tuloy pa rin ’yun at sinabihan na siyang magsisimula na sila ng shooting sa February.
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 7
By : Bong de Leon
THE members of the entertainment press came early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview with the lead actor, Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 6
By : Mario Bautista
THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 7
By : People's Tonight
GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 7
By : Nel Alejandrino

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family. Lalo pa nga at free from school ngayon ang only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 6
By : Vinia Vivar
FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more