Death threats prevent Beth from returning to the Philippines


GUSTONG umuwi ng bansa ni Beth Tamayo sa April pero tila mauudlot dahil sa death threats na natatanggap umano ng aktres.

Sa interview ni Cristy Fermin sa nanay ni Beth sa Paparazzi, ibinulgar nito na may death threats nga ang kanyang anak dahil sa malaking utang ng naging asawa nito sa kung sinu-sino.

Nasangkot si Beth dahil pirmado niya ang lahat ng dokumento sa pagkakautang ng asawa niya dito sa Pilipinas.

Kaya nu’ng magkaroon ng problema, nadamay na ang aktres sa paghahabol at pananakot na rin umano ng mga pinagkakautangan ng asawa. Marami ang naawa sa mother ni Beth at sa pinagdaraanan ng aktres na sangkot sa eskandalo ng kanyang mister.

Nakilala ni Beth ang asawa sa Guam habang siya ay nagtatrabaho bilang entertainer doon.

Noong wala pa siyang asawa at active sa showbiz, walang isyung kinasangkutan si Beth tungkol sa pera.

In fact, nakapagpatayo pa si Beth ng bahay sa Kyusi mula sa kanyang kinita sa showbiz.

Kung gusto lang niya ng marangyang buhay, puwede siyang pumatol sa kahit sinong mayaman. Pero dahil sa kanyang moral values, mas pinili nitong magtrabaho sa Guam kaysa pumatol sa kung sinu-sino DOM (dirty old man).

May maikling role si Beth sa A Mother’s Story na pinagbidahan ni Pokwang na kinunan sa abroad.

Nakausap din ni Pokwang si Beth at gusto na nga raw sanang magbalik-’Pinas nito pero nangangamba siya sa kanyang buhay.

Sana magawan ng paraan ng mga kinauukulan kung totoo man na nasa peligro ang buhay ni Beth.

* * *

Natupad ang isa pa sa 18th wishes ni Mommy Elvie Villasanta, na makita at magkakilala nang personal si Comedy Queen Ai Ai delas Alas.

Last Tuesday, walang kaabug-abog na pumayag si Ai Ai na magkita sila ng ina ni Ariel Villasanta ng Ariel & Maverick tandem.

Naitsika kasi ni Mommy Elvie na matagal na niyang paborito si Ai Ai.

Katunayan, pinapanood daw niya ang mga pelikula ni Ai Ai.

Lalong tumindi ang pa-ngarap ni Mommy Elvie na magkita at magkaharap ang Comedy Queen nang manalo si Ai Ai na Best Comedy Actress sa nakaraang 2011 PMPC Star Award for TV, kung saan nominado rin si Mommy Elvie sa Best Comedy Actress category.

Nang magkaharap daw sina Mommy Elvie at Ai Ai, humingi ng pointers ang nanay ni Ariel sa Comedy Queen kung paano maging isang superstar.

Dahil natural na komed-yana, kada bitaw ng punchline ni Mommy Elvie, talaga namang napa-pahalakhak si Ai Ai.

Pero biglang naging emos-yonal ang dalawa nu’ng sabihin ni Ai Ai na ibibigay niya kay Mommy Elvie ang kanyang korona bilang Comedy Queen.

Natural na masayang-masaya si Mommy Elvie pero agad na nag-isip ito kung saan niya ito ga-gamitin.

“Ah, alam ko na. Isusuot ko na lang kapag namatay na ako,” say ni Mommy Elvie.

Hindi tuloy napigilan ni Ai Ai na mapaiyak dahil bago sila nagka-harap ni Mommy Elvie naka-
rating na sa kanya ang ka-lagayan ng kalusugan nito.

Lalo nu’ng malaman ni Ai Ai na inire-schedule ni Ariel ang operasyon ng ina dahil pinili ni Mommy Elvie na matuloy ang kanilang pagkikita.

Hindi ipinaalam ni Ariel sa ina na may bukol ito sa dibdib.

At hindi rin napigil ma-ging emosyunal ni Ariel kapag napag-uusapan ang sakit ng ina.

Bago umalis ni Ai Ai, taus- pusong nagpasalamat si Ariel kay Ai Ai dahil nagkaroon ito ng panahon para sa ina.

In turn, nagpasalamat din si Ai Ai sa mag-ina dahil nasaksihan niya ang magandang relasyon nina Mommy Elvie at Ariel.



Showbiz News

Raymart snubs presscon

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 6
By : Bong de Leon

THE members of the entertainment press came  early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview  with the lead actor,  Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more

Luis a good catch for Jennylyn

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 6
By : Mario Bautista

THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more

Thumbs up for 'The Road'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 6
By : People's Tonight

GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 6
By : Nel Alejandrino

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family.         Lalo pa nga at free from school ngayon ang  only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more

Angeline sapped Coco's strength

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 6
By : Vinia Vivar

FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC