SUPER-HAPPY ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez nu’ng dumating sa presscon ng kanilang nalalapit na concert sa Feb. 14, 8 pm, sa Araneta Coliseum.
First time kasi nilang naisama si Baby Nate sa presscon na agad pinagkaguluhan ng press at photographers.
Guests sa Valentine show nila sina Dingdong Dantes, Vice Ganda, Erik Santos and Angeline Quinto. May tsikang darating din sa show sina Michael V, Moymoy Palaboy, Boy Pick Up, Sam Pinto at iba pang kasamahan ni Ogie sa Bubble Gang.
Dahil more than two months na ngayon si Baby Nate, masarap na itong hawak-hawakan.
Biro tuloy sa mag-asawa kung susundan agad si Baby Nate, agad na sagot ni Regine: “Basta para sa akin, blessing si Baby Nate.”
Kaya kung may dumating na bagong baby pa sina Ogie at Regine, masaya nila itong tatanggapin.
Ibig lang sabihin, walang planong mag-family planning ang mag-asawa.
Say naman ni Ogie, lalo raw nagkaroon ng init ang kanilang sex life after lumabas si Baby Nate. Mas lalo rin daw silang naging sweet at loving sa isa’t isa, very obvious habang magkatabi sila sa presidential table.
Mas happy din daw si Ogie sa anak nila ni Regine dahil lalaki ito. Pero nanghihinayang si Ogie dahil sa 44 years-old na siya and by the time aktibong mag-basketball ang anak, 60 years-old na siya at hindi na gaanong makakatalon.
Spoiled daw sa kanila ni Regine ang anak, lalo na raw kay Regine na hands-on sa pag-aalaga. Gusto ring ituloy ni Regine ang breastfeeding for six more months.
Kaya naman hindi pa siya puwedeng lumabas sa Party Pilipinas o tumanggap ng soap. Isa pang dahilan kaya ayaw pang lumabas sa TV ni Regine ay dahil nagbabawas pa siya ng timbang.
“Hindi ako nagda-diet dahil nagpapa-breast feed ako. Hanggang exercise at yoga lang ang ginagawa ko ngayon. Medyo nabawasan na ako ng 30 pounds.
“Pero dahil may concert kami ni Ogie, ang Mr and Mrs. A sa Araneta Coliseum sa Valentine’s Day, mapipilitan akong lumabas sa Party Pilipinas para magpromote ng concert, kaya mas puspusan ang pagpapapayat kong gagawin,” say ni Regine.
Since two months na si Baby Nate, may nag-offer na gawing commercial model ang baby nila pero tinanggihan ng mag-asawa dahil sobrang bata pa ito.
* * *
THIS February ang graduation ni Bianca King sa College of St. Benilde ng kursong Filmmaking. Kaya magandang graduation gift sa kanya ang bagong soap ni-yang Broken Vow, kung saan siya ang solo leading lady, kasama sina Luis Allandy, Gabby Eigenmann at Roc-helle Pangilinan.
Matagal nang inaasam ni Bianca ang magtapos sa college na pitong taon niyang pinaghirapan.
Anyway, bagong hamon kay Bianca ang role niya sa Broken Vow dahil madrama ang kanyang mga eksena.
Ang bagong afternoon soap na Broken Vow ay sa direksi-yon ni Gil Tejada at mapapanood na sa Feb. 6.
* * *
HANGA si Direk Ricky Davao kay JC Tiuseco mula nang ma-handle niya sa Kapuso soap na Sisid, na nasundan sa Kokak, na malapit na ring matapos kung saan bida si JC at sina TJ Tri-nidad at Sarah Lahbati.
Nang makausap namin sa set ng Kokak si Direk Ricky, very positive siya sa ipina-kitang acting improvements ni JC.
Bilib din si Direk Ricky kay JC, na kahit kaka-opera pa lang ng aktor sa tuhod, sumabak agad ito sa trabaho. Pang-leading man na rin naman ang aura si JC, tulad ni Mike Tan, na bida ulit ngayon sa Legacy.
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 6
By : Bong de Leon
THE members of the entertainment press came early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview with the lead actor, Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 6
By : Mario Bautista
THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 6
By : People's Tonight
GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 6
By : Nel Alejandrino

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family. Lalo pa nga at free from school ngayon ang only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 6
By : Vinia Vivar
FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more