MUKHANG ang teleseryeng Alta ng ABS-CBN ang tinutukoy sa mga blind item na hindi na itutuloy. Bida sana rito sina Gretchen Barretto, Zanjoe Marudo, KC Concepcion, Sam Milby at marami pang iba.
Ito sana ang next project ni La Greta after the success of Magkaribal na pinagsamahan naman nila ni Angel Aquino, Bea Alonzo at Derek Ramsay.
Paano na lang ang mga damit na nabili ni La Greta sa Italy bilang paghahanda sa series? Ang mamahal pa naman no’n, huh!
Wala ring balita kung may kapalit na ang naudlot niyang soap opera. Mabuti pa si KC, magho-host ng X-Factor Philippines.
Si Sam naman ay susubukan ang kanyang suwerte sa Hollywood. Si Zanjoe, parte ng series na Hiyas na hindi pa alam kung kailan ipalalabas.
* * *
IBINI-BUILD-UP ngayon ng ABS-CBN ang loveteam nina Empress at Ejay Falcon. Silang dalawa ang magkapareha sa bagong series ng Dos na Mundo Man ay Magunaw na magsisimula sa Jan. 30.
Unang ipinareha si Ejay kay Kylie Padilla sa Momay. Nagsama rin sila sa pelikula nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez na Tum, pero mukhang hindi kinagat ang kanilang tambalan.
With Empress kaya, nakahanap na si Ejay ng tunay na ka-loveteam?
“Okey naman po kahit sinong ipareha nila sa akin. Hindi naman ako mapili. Ang sa akin, basta may trabaho, okey na,” katwiran niya.
In fairness, they look good together, huh!
Kasama rin sa Mundo Man ay Magunaw sina Tessie Tomas, Eula Valdez at Nikki Gil.
* * *
SA pagiging busy sa taping ginugugol ng aktres ang kanyang panahon para makalimutan ang masamang experience sa kanyang nakaraang relasyon sa isang non-showbiz guy.
Almost three years tumagal ang kanilang relasyon. Kasal na nga lang ang kulang. Pero sa hindi malamang kadahilanan, ipinagpalit ng non-showbiz guy ang maganda at seksing aktres sa isang starlet.
Hanggang ngayon, tikom ang bibig ng aktres about the issue. Unti-unti na rin siyang nagmo-move-on sa tulong ng mga kaibigan sa showbiz na nagmamahal sa kanya.
* * *
HINDI halatang malayo ang agwat ng edad nina Coco Martin at Julia Montes kapag magkasama sila sa mga eksena sa Walang Hanggan. Kung hindi kami nagkakamali, Coco is 30, and Julia is only 17. Pero dahil sa make-up at ilaw, mukha silang magkaedad.
Ang medyo halata na talaga ang edad sa screen ay si Madam Susan Roces na gumaganap bilang nakatatandang kapatid ni Helen Gamboa.
Pero maganda pa rin naman ang dalawang reyna ng Philippine movies. Nakakatindig-balahibo rin ang kanilang confrontation scene na pinalakpakan ng tao sa special screening na ginanap sa SM Cinema 6 last week.
Marami rin ang kinikilig sa tambalan nina Dawn Zulueta at Richard Gomez.
Ayon kay Dawn, una pa lang inalok sa kaya ni Deo Endrinal ang proyekto, na-excite na siya. Ang kondisyon lang niya, dapat ay pumayag si Richard na maging leading man niya para matuloy ang project.
Base sa napanood ng dalawa do’n pa lang sa special screening, proud sila at masaya na tinanggap nila ang Walang Hanggan.
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 6
By : Bong de Leon
THE members of the entertainment press came early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview with the lead actor, Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 6
By : Mario Bautista
THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 6
By : People's Tonight
GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 6
By : Nel Alejandrino

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family. Lalo pa nga at free from school ngayon ang only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 5
By : Vinia Vivar
FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more