Marvin clears up issues about Madonna, his financial standing


Birthday ni Marvin Agustin sa January 29 at sa halip na magpa-party, ang mga bata sa Operation Smile ang iti-treat niya sa isang araw na kasiyahan sa Enchanted Kingdom sa Jan. 28.

Hindi lang birthday ang isi-celebrate ni Marvin, pati ang 15th anniversary niya sa showbiz at sa rami ng gustong gawing projects.

Ilu-launch nito ang Life-Changing Gifts: Marvin at 15, na tungkol sa sharing ng blessings niya with the less fortunate kabilang ang mga anak ng bilanggo.        

May 15 recipients na tatanggap ng gifts na ’di niya nakamit noon, gaya ng makatapos ng pag-aaral, take up singing and dancing lessons at kumuha ng Culinary education.

Sinimulan niya ito ng Viva Films movie na Moron 5 and the Crying Lady, papasukin niya ang TV production at kung matutuloy, isang food reality show ang ipopro-dyus nito sa TV5.

Gusto na rin nitong ituloy ang matagal nang balak na mag-prodyus ng pelikula at tuloy pa rin ang concert production.

Hindi binanggit ni Marvin kung sinong foreign singers ang dadalhin ng Futurentainment, pero may naka-line-up na.

Mag-o-open din sila ng kanyang mga partners ng more restaurants.

Kasunod nito, itinanggi ni Marvin ang tsismis na nabulilyaso ang deal niya para dalhin sa bansa si Madonna.

Ang sabi, nalugi siya ng P65 million at kinailangang magbenta ng bahay para mabayaran ang malaking pera.

“Not true ang tsismis, pero totoong nagbebenta kami ng house ng dad ko sa Ayala Heights. Pinagawa namin ang house at ibebenta, marami na ang tumingin, baka du’n nagsimula ang tsismis,” paliwanag ni Marvin.

Freelance si Marvin ngayon dahil gustong ma-experience working with other people at nakikipag-usap sa ABS-CBN, TV5 at GMA-7, pero priority niya ang Channel 7.

Isang magandang drama project ang makakapagkumbinse sa kanya kung kaninong offer ang tatanggapin dahil gusto niyang gumawa ng drama. 

* * *

Sina Lea Salonga, Regine Velasquez at Nora Aunor ang dream guests ni Sarah Geronimo sa musical show niya sa ABS-CBN na Sarah G Live na magsisimula sa February 19 sa direction ni Erick Salud.

Kung puwede pang mag-guest sa Dos si Sharon Cuneta, gusto rin siyang maging guest ni Sarah.

Nahihiyang sagutin ni Sarah ang tanong na ang show niya ang ipapalit sa time slot ni Sharon Cuneta, pero nagpapasalamat siya sa tiwalang ibinigay sa kanya.

Big preparation daw ito dahil parang may concert siya sa Araneta Coliseum, kaya mawawala muna siya sa ASAP.

Samantala, happy si Sarah para sa inang si Divine dahil natupad ang dream nitong magkaroon ng restaurant, ang Imo’s Pancit Palabok na nasa Mindanao Ave.

Dati pala silang may carinderia at dahil sa resto, type nitong mag-aral magluto lalo na ang specialty  na pancit malabon para makatulong sa mommy niya.

* * *

May special participation si Raymart Santiago sa Daldalita bilang si Tanzan na sasagip kay Daldalita nang mag-crash ang sinakyang eroplano.

Tutulungan nito at ng mga kaibigang hayop si Daldalita na hanapin ang mga kasama sa bumagsak na eroplano.

Kasama nilang maghahanap si Ramo, isang baboy damo.

Magiging dahilan ang aksidente para malaman na ni Mateo (Ogie Alcasid) na anak niya si Daldalita at si Beki (Milkcah Nacion) ang magsasabi nito sa kanya.    Sa wakas, malalaman na ang matagal nang inililihim ni Tisay (Jinky Oda).

* * *

Sa Kokak, masaya ang mag-inang Angela (Jessa Zaragoza) at Kara (Sarah Lahbati) at nagkita na rin ang una at si Berta (Caridad Sanchez).

Isinama ni Norman (Gian Magdangal) sina Renato (Gary Estrada) at Yaya Bing sa kanyang bahay na ikinagalit ni Cheenee (Diva Montelaba).

Sa bahay na rin ni Norman pinatira sina Kara at Berta, kaya kasama na nila si Renato.

Very emotional si Renato nang makita ang anak, niyakap si Kara na hindi alam kung bakit.

Later on, malalaman din ni Kara ang katotohanang si Renato ang tunay niyang ama.

Nakiusap si Kara kay Angela na ’wag paalisin si Renato at nag-promise na magko-cooperate para itago ang kanilang sikreto.



Showbiz News

Raymart snubs presscon

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 6
By : Bong de Leon

THE members of the entertainment press came  early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview  with the lead actor,  Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more

Luis a good catch for Jennylyn

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 5
By : Mario Bautista

THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more

Thumbs up for 'The Road'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 6
By : People's Tonight

GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 6
By : Nel Alejandrino

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family.         Lalo pa nga at free from school ngayon ang  only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more

Angeline sapped Coco's strength

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 5
By : Vinia Vivar

FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC