KUNG nag-trending sa Twitter si Jolo Revilla two weeks ago, mauulit ito sa pagtatapos ng “My Binondo Girl” sa Biyernes.
Unang nangyari ito nang matiyak ni Onyx (Jolo) na wala na siyang pag-asa sa puso ni Jade (Kim Chiu). Sa matinding close-up na ibinigay sa kanya, naipadama niya sa televiewers ang hapdi ng pagkabigo sa kaisa-isang babaeng iniibig niya mula pagkabata.
“Ang galing-galing niya. Pero, how sad ng nangyari sa kanya. Feel namin at napaiyak kami talaga.”
Mga ganitong mensahe ang nabasa sa Twitter hindi lamang sa mga Jade-Onyx (Kim-Jolo) fans club kundi sa mga Jandi, Jade-Andi fans (Kim-Xian Lim) at lalo na sa solid Jolo fans.
"How we wish mayroon pang mga lalaking katulad ni Onyx na tapat kung magmahal hanggang wakas. Ang galing ng expression ng mukha niya,” patuloy nila.
Nagpahiwatig na si Jolo kung ano ang magaganap sa kanya sa pagtatapos ng teleserye sa Biyernes. At mismong siya ang nag-suggest ng makabagbag-damdaming eksenang iyon. Hinding-hindi siya mawawala sa isip ng lahat ng sumubaybay ng “MBG” sa loob ng anim na buwan. Wala na kasing hihigit pa sa pagmamahal ng iniukol niya bilang Onyx kay Jade. Marami tuloy ang nagtatanong kung naranasan na ba niya ang damdaming ito sa tunay na buhay, dahil sa tindi ng kanyang pagganap. Posibleng dahil dito’y manalo siyang best actor or best supporting actor sa susunod na awards for TV.
Samantala, ginanap naman noong Linggo ang 7th birthday celebration ni Gab, love child ni Jolo (kay Grace Adriano) sa Alabang Town Center Ballroom.
Kapansin-pansin ang pagdating ni Kim at pag-stay niya hanggang matapos ang party. Totoong naka-establish sila ng kakaibang friendship habang nagte-taping ng “MBG.” Ang kapansin-pansin naman ay ang absence ni Kris Bernal. Dahil sa closeness nila nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon, inasahang darating siya sa nasabing okasyon.
Posible kayang habang maaga pa ay natuklasan nilang hanggang pagkakaibigan lang ang puwede nilang ihandog sa isa’t isa? Sayang naman.
Dumating din si Sen. Ramon Revilla, who just came back from a two-week vacation in the U.S. Kailangan niyang i-cut short ang bakasyon dahil naghanda pa siya para sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona na nagsimula na noong Lunes.
Maganda rin ang pagsalubong sa kanya ng GMA Kapuso dahil patuloy ang tagumpay sa takilya ang kanyang “Panday 2” kahit nasa 3rd going on 4th week ang kanyang MMFF entry.
Namumula ang pisngi ni Sen. Bong na pinuna din ng mga naroon. It did him good dahil lalo siyang gumuwapo.
Much as he wanted to stay sa States para samahan si Jolo sa check-up nito sa pabalik-balik nitong migraine, ipinaubaya na lang niya kay misis, Rep. Lani Mercado ang pagsama ditto. Nagpapasalamat din siya sa mga nagmamalasakit sa anak. Marami ang gustong tumulong at nagmumungkahi kay Jolo kung paano masu-solusyunan ang matinding migraine nito. Kaya lang, naka-sked na ito sa ibang bansa.
RICHARD, MAINIT ANG PAGBABALIK
TOTOO palang matutuluyan nang matigbak ang “Hapi, Yipee, Yehey” sa katapusan ng buwang ito.
Kahina-hinayang dahil parami pa naman nang parami ang mga taga-TFC na bumabalik ng ‘Pinas para lamang makapanood nito. Hindi rin kami agad-agad naniwala dahil lagi na rin kasing nababalita ito, pero, hindi naman matuloy-tuloy. Actually, paganda pa naman nang paganda ang noontime show, lalo na ang portions ng “Tanging Hinga Mo,” “My Girl,” at lalo na ang “Pa-girl” contest.
Gayunpaman, panibagong saya ang hatid kung ano ang makakapalit ng “HYY.” Magiging “Palibhasa Tanghali” ito. Tulad ng inaasahan, pagsasamahan muli nina Richard Gomez, Joey Marquez, at John Estrada.
Damang-dama ni Richard ang napakainit na pag- tanggap ng mga tao sa kanyang pagbabalik ABS. Sa presscon pa lamang ng “Walang Hanggan” teleserye, kahit ang mga co-stars niyang sina Madam Susan Roces, Helen Gamboa, Julia Montes at Coco Martin ay nadama ito.
Ganun din kainit ang hatid kay Richard ng “Hapi, Yipee, Yehey” nang mag-guest siya para sa promo ng “WH.” At hindi nagpahuli si Vice Ganda sa kanyang “Magandang Gabi Vice” Sunday show.
Red carpet treatment ang ibinigay niya kay Richard at hindi siya maawat-awat sa kahihipo ng tuhod ni Richard at sinuklian din siya nito ng isang awitin habang gumigitara. Siyempre, ano pa nga ba ang ending noon, kundi isang matinding yakap kay Vice ng nag-iisang “Adonis ng Showbiz.”
Hindi naman totoong makakasama si Carmina Villarroel sa “Palibhasa Tanghali,” tulad ng napapabalita. Isang heavy dramang teleserye ang gagawin ni Carmina, tulad ng kanyang hiling.
POKWANG, MALAS KASAMA?
NAKAKALUNGKOT din na pati si Pokwang ay hindi na rin mapapasali sa noontime show. Siguro, hindi naman totoo na parang “malas” daw si Pokwang sa mga shows o projects na sinasamahan nito. Tulad nitong “YHH” at ang still showing na “A Mother’s Story.” I really wish na hindi totoo ito, dahil, tawa naman ako ng tawa kapag napapanood siya, lalo na sa “Toda Max.” Naku, 'wag sanang mangyari na mawala din si Pokwang sa sitcom nina Robin Padilla at Vhong Navarro tuwing Sabado. 'Yan naman ang hindi na kapani-paniwala.
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 5
By : Bong de Leon
THE members of the entertainment press came early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview with the lead actor, Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 5
By : Mario Bautista
THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 5
By : People's Tonight
GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 6
By : Nel Alejandrino

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family. Lalo pa nga at free from school ngayon ang only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 5
By : Vinia Vivar
FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more