LQ in NY


ANG seksi at ang ganda-ganda pa rin ni Ina Raymundo. Hindi halatang apat na ang kanyang anak sa non-showbiz husband na isang Canadian businessman.

Halata ring walang problema si Ina sa kanyang asawa at sa pagiging ina sa apat niyang anak.

“I’m so blessed na okey ang lahat sa family ko and I’m thankful na ganu’n ang nangyari simula nu’ng nagpakasal ako sa husband ko,” kuwento ni Ina na kasama sa bagong series ng ABS-CBN na Lumayo Ka Man sa Akin, starring Maja Salvador and Jason Abalos, na magsisimula sa Jan. 23 after PBB Unliday.

Hindi rin daw siya pinipigilan ng kanyang husband na bumalik sa pag-aartista.

“He’s very supportive. Tuwang-tuwa siya na nakikita ako sa TV na umaarte. Pati mga anak ko, happy for me.         “Pero siyempre, may limitations pa rin kahit papa’no. Dapat hindi ko mapapabayaan ang mga anak ko at ’yung obligasyon ko sa husband ko, dapat hindi nagsa-suffer,” dagdag pa niya.

* * *

INI-LAUNCH kamakailan ng Net 25 ang kanilang kauna-unahang soap opera na mapapanood simula sa Lunes ng gabi na pinagbibidahan nina Richard Quan, Leo Martinez, Precious Lara Quigaman, Vangie Labalan at mga homegrown talent ng Eagle Broadcasting Network.

5 Girls and a Dad ang title ng TV series at si Lualhati Bautista ang sumulat nito. Feel-good daw ang  programa na tatalakay tungkol sa isang ama at kung paano niya pakikisamahan ang limang anak na babae.

“Walang sampalan dito. Walang patayan. Walang violence. Light lang talaga. Iba ito sa mga teleserye na napapanood sa ibang channels,” paniniguro ni Lual-hati.

Sigurado ang Net 25 na may instant following na ang series dahil sa mga kaanib sa Iglesia ni Cristo na palaging nakatutok dito. Pero wish nila na mas madagdagan pa ito lalo pa nga at tungkol sa family values ang theme ng kanilang unang teleserye.

* * *

Si Luis Manzano na at hindi si Kris Aquino ang host ng Deal Or No Deal na muling mapapanood sa ABS-CBN sa February.     Hindi sinasadyang ma-banggit ni Kris ang tungkol dito sa kanyang programang Kris TV the other day.

Ayon pa sa kanya, magko-concentrate siya ngayon sa pagiging aktres kaya ibinigay na niya kay Luis ang Deal Or No Deal.

After ng kanyang birthday (Feb. 14) ay magte-taping na si Kris ng series kung saan makakasama niya si Anne Curtis.

Hindi pa malinaw kung sinu-sino ang iba pang makakasama sa serye.

* * *

NAG-AWAY pala sina Cristine Reyes at Rayver Cruz habang nasa New York nu’ng New Year dahil lang sa maleta.

Ipinipilit ni Cristine na isaksak sa maleta ni Rayver ang iba sa mga dala-dala niyang gamit para mabawasan ang kanyang bitbit pero hindi pumayag ang aktor.

Nag-dialogue pa ito na bumili na lang si Cristine ng bagong maleta.

Pero dahil love ni Rayver ang aktres, habang natutulog ito, ipinagpilitan niyang isiksik sa maleta niya ang ibang gamit ng kasintahan.

Nang magising si Cristine, solved na ang problema niya at nagbati na rin agad ang dalawa.



Showbiz News

Raymart snubs presscon

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 5
By : Bong de Leon

THE members of the entertainment press came  early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview  with the lead actor,  Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more

Luis a good catch for Jennylyn

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 5
By : Mario Bautista

THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more

Thumbs up for 'The Road'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 5
By : People's Tonight

GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 6
By : Nel Alejandrino

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family.         Lalo pa nga at free from school ngayon ang  only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more

Angeline sapped Coco's strength

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 5
By : Vinia Vivar

FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC