Pokwang criticized for 'ignoring' jailed brother


Obviously, si Pokwang ang tinutukoy sa mga bllind item na komedyanang dinededma at hindi man lang tulungan ang kuyang nakakulong ngayon sa Dubai sa kaso ng hindi pagbabayad ng loan.

Sa blind item na ’yon sa isang blog, halos isumpa ng karamihan sa respondents sa kanilang comments si Pokwang na ang bottomline ay anong klaseng kapatid ito at hindi man lang dalawin ang kapatid na nakakulong?

Para bang kung makahusga ang mga tao, kilalang-kilala nila ang likaw ng bituka ng magkakapatid na Subong.

Hindi alam ng mga ito na itinataguyod ni Pokwang ang pag-aaral ng mga anak ng kuya niya dahil hindi nagpapadala ang ama ng mga pamangkin niya noon pa.

Hindi naman ito 'yung napagbintangan na pumatay o ipinagtanggol lang ang sarili kaya nakapatay at nakulong.

Utang ito na hindi binayaran dahil nagpabaya ang kuya niya, kaya nakulong. Ni hindi rin daw alam ng mga anak ng kuya niya kung ano nang balita sa ama nila, dahil hindi rin nagpapadala at hindi rin nangungumusta noon pa.

Itinanong man lang ba ng mga humuhusga kay Pokwang kung sino ang nagbayad ng placement fee at nagpalipad sa kuya niya sa Dubai?

Na nagtatrabaho na nga sa ibang bansa, pero si Pokwang pa ang nagpapadala ng dollars sa Dubai dahil kinakapos ang kapatid niya?

Hindi naman nanunumbat si Pokwang, pero kami na rin ang nag-suggest sa kanya na ilalabas namin ito bago pa um-OA ang iba sa panghuhusga sa kanya.

Doseng magkakapatid sina Pokwang. Ilan ding kapatid at mga pamangkin ang itinataguyod niya, kaya kayod-kalabaw ang komedyana.

Mas nag-aalala si Pokwang sa nanay niyang ayaw niyang atakehin sa puso sa nangyari sa kapatid niya.

Pero si Nanay Gloria na rin ang nagsabi: "Masakit sa akin bilang ina, pero kasalanan ’yon ng kuya n’yo. Hindi naman tayo nagkulang sa kanya. Kung doon siya matututo, kailangang harapin niya ang resulta ng ginawa niya."                      Ogie Diaz



Showbiz News

Raymart snubs presscon

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 5
By : Bong de Leon

THE members of the entertainment press came  early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview  with the lead actor,  Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more

Luis a good catch for Jennylyn

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 5
By : Mario Bautista

THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more

Thumbs up for 'The Road'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 5
By : People's Tonight

GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 5
By : Nel Alejandrino

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family.         Lalo pa nga at free from school ngayon ang  only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more

Angeline sapped Coco's strength

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 5
By : Vinia Vivar

FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC