6,608 guests

Kinansela

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 1207

NAGHANDA agad si Governor Vilma Santos-Recto nang ihayag ng PAGASA ang tatahakin na lugar ng Bagyong Ruby. Eh, ongoing ang Ala Eh! Festival sa Taal, Batangas, nitong nakaraang week kaya naman kinansela niya ang mga activities hanggang ngayon.
   
Ang big show sana kahapon ay ang VSR (Voices, Songs & Rhythm) singing contest sa mga Batanggenyo. Sina Luis Manzano at Ai-Ai delas Alas ang hosts sana ng show at maraming artistang invited to perform at mag-judge. Ipinagpaliban ang event ni Ate Vi at ayon sa kanya, once maayos na ang lahat ay itutuloy na rin ito.
   
Ngayong araw na ito naman ay naka-schedule ang isang malaking misa na isasabay na rin sa birthday ni Mama Mary na susundan ng makulay na parade at magtatapos ang okasyon sa gabi.
   
Kasalukuyang humahagupit pa sa bandang Visayas at Bicol si Ruby. Ngayon at bukas pa ang tumbok nito sa ibang probinsiya.
   
Sama-sama tayong magdasal na sana ay huwag matulad sa Yolanda ang dulot ni Ruby!

* * *

HINDI nakaligtas sa tanong si Cristalle Henares  kung kelan naman siya ikakasal nu’ng bigyan ng Belo Medical Group ng bridal shower si Marian Rivera.
   
“Wala pa, wala pa! Bago pa lang kami ng boyfriend ko! Ha! Ha! Ha! Although siyempre, gusto ko na rin because I am 31 years old na. Gusto ko na ring magkaanak. Uunahan ko si Mommy (Vicki Belo)! Ha! Ha! Ha!” katwiran ni Cristalle nang uriratin ng press.
   
Dahil sa nalalapit na wedding ni Yan kay Ding-dong (Dantes), nabuo ang Belo Bridal Collection ng beauty clinic kung saan iba’t ibang treatments, procedures at services ang  offer nila sa publiko.
   
Ayon kay Marian, sa Belo lang niya ipagka-katiwala ang ayos niya pagdating sa araw ng kasal.
   
Eh, pagdating sa ibang detalye ng kasal, tikom ang bibig niya sa kulay nito. Basta darating daw si Michael Cinco na gumawa ng kanyang gown na magbibihis sa kanya. Pero sumunod siya sa pamahiin na huwag isukat ang wedding gown!

* * *

MAGSASANIB ang malalaking OPM singers ng bansa sa darating na Fusion 2015: The First Philippine Music Festival na gagawin sa January 30, 2015 sa SM Mall of Asia Concert Grounds.
   
Inorganisa ang malaking event ng Carat Philippines kung saan magpa-patal-bugan sina Sarah Gero-nimo, Bamboo, Rico Blanco, Joey Ayala, Andrew E, Gloc 9, Ebe Dancel, Tres Marias, Kitchie Nadal at Barbie Almabis.
           
Ang top bands naman na kasali rin ay ang The Dawn, Parokya ni Edgar, Kamikazee, Wolfgang, Sandwich, 6 Cycle Mind.
           
Ayon sa CEO ng Carat na si Gladys Basinillo, dream project ang Fusion 2015. “We are not just launching an event, but initiating a movement: the next generations to keep supporting ang loving OPM,” aniya.
           
Available na ang tickets sa Fusion 2015 sa Ticket World, SM Ticket and Ticketnet.

Leave a comment

Make sure you enter all the required information, indicated by an asterisk (*). HTML code is not allowed.