6,243 guests

Tampuhan nina Kris at Korina, nauungkat

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 1346
Kris Aquino Kris Aquino

SA isang panayam, sinabi ni Kris Aquino na hinahayaan umano siya ni PNoy sa  kanyang mga political decisions and choices.  After all, she has a mind of her own.
   
Dahil nasa  ere na ang political season, usung-uso na ang mga demolition  job sa mag-kakalabang partido.  Ang mga old issue noon ay pilit ding binubuhay tulad na lamang ng anggulo ang naging tampuhan o hindi pagkakaunawaan noon  nina Kris at misis na ngayon ni Sec. Mar na si Korina Sanchez.
   
Sina Kris at Korina ay nagkasama noon sa isang daily morning talk show sa  ABS-CBN,  ang “Morning Girls with Kris and Korina” (Aug. 5, 2002 to May 28,  2004).  In 2009 nang ikasal sina Sec. Mar at Korina kung saan naging ring-bearer  ang maliit pa noong si Bimby Yap, anak ni Kris sa kanyang ex-husband cager na si  James Yap, muling nagtampo si Kris kay Korina dahil hindi umano tinupad ng huli  ang pangako kay Kris na sa nightly program nila ni Boy Abunda noon na SNN or  Showbiz News Ngayon unang maipapalabas ang wedding coverage ng kasal nina Korina at Sec. Mar at hindi na alam ng publiko kung nagkaayos na ang dalawa since then.
   
Tulad ng dating Pangulo at ngayon ay mayor ng Maynila na si Joseph `Erap’ Estrada, naiipit din si Kris ngayon kung sino kina Sec. Mar, VP Binay at kung saka- sakali  si Sen. Grace Poe-Llamanzares.
   
Dahil sa open na pambabatikos ngayon ni VP Jojo Binay sa administrasyong  Aquino, malamang na out na si VP Binay sa mga susuportahan ng Aquino sisters  including Kris.  Pero maninimbang ngayon si Kris kina Sec. Mar at Sen. Grace.
   
Kung si Sec. Mar ang binigyan ng basbas ni P-Noy sa panguluhan would it follow kaya na ang manok niya ang susuportahan ng kanyang mga kapatid laluna si Kris na may malaking impluwensiya bilang celebrity endorser?
   
Hindi maglalaon ay magdi-deklara rin si Sen. Grace ganoon din si Sen. Chiz  Escudero ng kanilang tatakbuhang posisyon. Dito lamang siguro magiging klaro  kung sinu-sino among the presidential at vice-presidentiable aspirants ang  susuportahan ni Kris at ng kanyang mga kapatid.

MOTHER LILY, MAIIPIT DIN KINA SEC. MAR AT SEN. GRACE

KILALA rin ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde sa open na pagsuporta sa maraming kandidato na kanyang pinaniniwalaan worth her  endorsement and support.
   
Nakita si Mother Lily sa formal endorsement ni P-Noy kay DILG Sec. Mar  Roxas na ginanap sa Club Filipino in Greenhills, San Juan kamakailan lamang at hindi nito ikinakaila na kaibigan niya si Sec. Mar at maging ang misis nitong si  Korina Sanchez-Roxas.
   
Kilala rin si Mother Lily sa pagiging malapit sa pamilya Poe laluna sa mag-  asawang FPJ at Susan Roces.  Sumu-porta rin si Mother Lily sa kandidatura ni Sen. Grace Poe nang ito’y tumakbo sa pagka-senador in 2013.
   
Kapag tumakbo si Sen. Grace sa pagkapangulo, tiyak na mahahati ang suporta ni Mother Lily between Sec. Mar and Sen. Grace.

MILYUN-MILYONG NALUGI, GUSTONG BAWIIN NI WILLIE

AFTER a long time ay ngayon lamang kami naimbitahan sa presscon ng dati naming alagang si Willie Revillame na ginanap sa 17th floor executive lounge ng GMA last Wednesday ng tanghali.  Ito’y may kinalaman sa kanyang weekly game show na “Wowowin” na nagmuntik-muntikanang mamaalam sa ere.
   
Isang masayang-masayang Willie Revillame ang humarap sa entertainment media para ibalita na magtuluy-tuloy ang pagsasahimpapawid ng kanyang self-produced game show na “Wowowin” matapos ang kanilang positibong pag-uusap ng Kapuso management.
   
Hindi ikinaila ng TV host-producer na si Willie Revillame na milyones na ang kanyang itinapon sa kanyang weekly game show which he himself hosts and produces pero patuloy siyang umaasa na muli itong makakakuha ng suporta sa mga advertiser ngayong nalipat na ito sa mas magandang time slot (2  p.m. to 3:15 p.m.) at makaka-back-to-back ng bagong magsisimulang “Sunday PinaSaya” na magsisimula naman ng alas-12 ng tanghali hanggang alas-2 ng hapon.  Sina Ai- Ai de las Alas, Marian Rivera, Jose Manalo, Wally Bayola, Alden Richards at iba pa ang hosts ng bagong Sunday noontime musical-comedy show na “Sunday PinaSaya” kaya tuluy-tuloy umano ang saya tuwing tanghali hanggang hapon ng  Linggo na para umanong “Eat Bulaga” on a Sunday slot.
   
Inamin din ni Willie na gumastos siya ng mahigit P13-M sa unang episode pa lamang at P12-M  sa second episode at ilan pang milyon sa mga sumunod na episodes.
   
Hindi bababa ng P50-M ang ginastos na ni Willie magmula nang umere ang “Wowowin” na naka-block time sa GMA.
   
Sa kabila ng malaking magkalugi, Willie is not giving up on the show lalupa’t nabigyan siya ng magandang deal ng GMA.  Umaasa rin si Willie na mapapagbigyan ang kanyang kahilingan na ito’y maging daily show balang araw at gusto niya ang time slot ng 5:30 p.m. to 6:30 p.m. bago ang news program na “24 Oras”.
   
Hindi rin ikinaila ng TV host-producer na tinamad umano siyang magtrabaho noong ito’y nasa 3:30 p.m. to 4:30 p.m. time slot dahil wala umano ito sa primetime.  Ang buong akala nga niya ay last airing na ng “Wowowin” last Sunday (Aug. 2) hanggang sa makatanggap siya ng tawag mula sa isa sa mga top executives ng Kapuso Network na si Joey Abacan hanggang sa sila’y mag-usap at magkaroon ng magandang kasunduan.
   
Pinasalamatan din ni Willie ang ABS-CBN at TV5 management na siya niyang naging daan kung anuman siya ngayon at kung anuman ang kanyang narating.
   
Mahal na mahal din ni Willie ang kanyang staff who stood by him kahit sa simula pa lamang kaya ganoon na lamang ang pangangalaga sa kanila nito.
   
“Kapag dumating naman ang time na hanggang doon na lamang ang programa, bibigyan ko sila ng kanilang kaukulang separation fees para rin naman sila’y makapagsimula sa kanilang buhay pero hangga’t kaya ko pa, patuloy kaming magsasama-sama,” ani Willie na mukhang excited at masaya dahil magpapatuloy na mapapanood sa ere ang “Wowowin” sa bago nitong time slot.

Leave a comment

Make sure you enter all the required information, indicated by an asterisk (*). HTML code is not allowed.