6,370 guests

‘Ballsy trains’ kailan darating sa MRT?

  • Written by Erwin Tulfo
  • Published in Opinion
  • Read: 517

NANGANGAPA pa ng pambola si Noynoy Aquino para sa kanyang panghuling State of the Nation Address (SONA) habang hilong-talilong pa rin siya kung sino ang hihirangin na “winnable” administration standard-bearer para sa darating na eleksiyon.
   
Well, maaring patulan ng Pangulo ang suhestiyon ni Senate President Franklin Drilon na talakayin niya sa SONA sa Lunes ang problema sa public transportation, partikular na ang tungkol sa problema sa Metro Rail Transit (MRT).
   
Kung iisipin, ang karumal-dumal na estado ng MRT ay sumasalamin sa kalagayan ng bansa na ipinangakong pabubutihin ngunit hindi tinupad.
   
Sa halip, ginawang gatasan ng mga alipores, amuyong at cronies ni Noynoy kaya ’di masisisi ang sinumang may sapantaha na pati ang Pangulo ay nakinabang na rin.
   
Tama naman si Drilon nang sabihin niyang gustong marinig ng sambayanan kung ano pang “band-aid” solution sa kanser ng MRT ang ipapatupad ng pupugak-pugak na administrasyong ito.
   
Kailangan ng “firm executive action” mula sa Pangulo para maibsan ang kalagayan ng mga commuter sa MRT, ayon kay Drilon.
   
“Let’s face it, the MRT-3 is a disappointment. I feel the frustration of our people,” pagdidiin ni Drilon.
   
Aba’y ngayon lang ba na-disappoint itong si Drilon after all these years?
   
Kasabay ng pagpuna niya kamakalawa, nag-breakdown na naman ang isang MRT train at na-stranded ang daan-daang commuters na napilitang maglakad sa riles ng train bandang Mandaluyong.
   
Hindi na mabilang ang ganitong pangyayari at hindi makakalimutan ng publiko ang “runaway train” ng MRT na bumangga sa bakod at tumalon sa EDSA sa Pasay City.
   
Hindi ba ang isyung ito ang inimbestigahan ng Senate committee on public transport ni Senator Grace Poe noong nakaraang taon?
   
Nasubukan ng butihing Senadora na pumila para makasakay ng MRT at makipagsiksikan sa loob ng train.
   
Lumala nang lumala ang kondisyones ng MRT mula noong maupong kalihim si Mar Roxas sa Department of Transportation and Communications (DOTC).
   
Si Roxas ang nanguna sa pakikipag-negosasyon sa maintenance contract ng MRT.
   
Hanggang sa hindi na naging ligtas ang pagsakay ng publiko sa MRT trains na mistula ngayong “rolling coffins.”
   
Wala ni isang MRT train ang nasa good running condition at kinakailangang palitan ang buong fleet nito.
   
Ngunit sa halip na pinalitan nitong mga nakaraang taon, ginawa pang “milking cow” ng corrupt DOTC at MRT officials ang maintenance contract.
   
Pati ang pagbili ng mga bagong bagon ng train ay pinakialaman pa ng kung sinu-sinong mga buwaya at pating na malapit at nakapaligid sa Palasyo.
   
Kaya tiyak gustong marinig ni Senator Poe at buong sambayanan kung kailan darating ang “Ballsy trains” mula Czechoslovakia.
   
Malilinis kuno, pwe!

COMMUTERS ANTABAY SA PNR TRAINS

SANA ay tuluy-tuloy na ang pagbabalik ng commuter services ng Philippine National Railways (PNR).
   
Libu-libong mga commuter, kabilang na ang mga manggagawa at mga estudyante ang nakikinabang sa pagsakay sa PNR commuter trains between Tutuban, Manila and Calamba, Laguna.
   
Iwas trapik at mas mura ang pamasahe kahit na siksikan na parang sardinas ang mga pasahero sa loob ng train.
   
Ilang ulit nang naantala ang resumption ng PNR operations dahil hindi matapus-tapos ang pag-repair sa riles ng train na naging sanhi ng isang aksidente ilang buwan ang nakakaraan.
   
Dapat ay noon pang katapusan ng Hunyo natapos ang repair ngunit kahapon ay “test run” pa rin ang isinagawa.
   
Iyan ba dahil hindi ganoon kalaki ang “kickback” ng mga damuhong opisyal ng gobyerno sa pagkumpuni sa PNR?
   
O inutil talaga itong mga mayayabang na magnanakaw na sidekick ni Noynoy sa DOTC?
   
Mabundol sana kayo ng tren!

* * *

(This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.)

Leave a comment

Make sure you enter all the required information, indicated by an asterisk (*). HTML code is not allowed.