Payroll deductions bubuwisan ng BIR


BUBUWISAN na rin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang payroll deductions ng bawat mamamayan sa kanilang contributions sa housing, health at pension funds.

Sa ilalim ng Revenue Memorandum Circular (RMC) 53-2011,  ang  voluntary contributions para sa  SSS, GSIS, Pag-IBIG at PhilHealth  ay kailangang buwisan ng pamahalaan.

Ayon kay BIR Commissioner Kim Jacinto-Henares, naaabuso na ang pagkakaloob ng income tax exemption  sa SSS, GSIS, PhilHealth, at Pag-IBIG contributions  kaya’t ipatutupad na ngayon ang pagbubuwis dito.

Ayon sa BIR, anumang  contributions ay kinukunsiderang  investments at ang ahensiya ay hindi na magkakaloob pa ng  tax exemption  para dito.

Inamin nang BIR na mayroon silang collection shortfall na P35 bilyon ngayong taon dahilan upang makalikom ng dagdag na pondo mula sa pagkolekta ng buwis.

Nauna ng binuwisan ng BIR ang  tollways, government-backed bonds, professional fees, at retirement funds.


Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC