Mariel to be Willie's co-host this Saturday


MASAYA kami for Claudine Barretto dahil may show siya sa GMA-7, ang Iglot. Kaya lang, happy kaya siya sa role na ibinigay sa kanya na mistulang support lang ng batang bida sa serye?

Pero at least, may trabaho siya, ’di ba and she’s busy, huh!

* * *

PABORITO ng GMA-7 si JC Tiuseco. After one TV series in the afternoon with Jackie Rice, leading man na naman siya ng baguhang si Sarah Lahbati na produkto ng Starstruck para sa series na Kokak.

Siguro may matinding “kinakapitan” ang binata kaya ang dami niyang project, huh! Sino kaya ’yon?

* * *

MAY nami-miss kaming panoorin sa soap opera. Ito ay si Dingdong Dantes na hindi na namin matandaan kung saang TV series ng GMA-7 huling lumabas.

Naku, baka kalawangin ang acting prowess ni Papa Dong kapag hindi siya isinalang sa tele-serye. Buti na lang may ginagawa siyang movie ngayon with Kris Aquino -- ang Segunda Mano. At least do’n, umaarte siya, huh!

* * *

MAY isang contestant sa Miss KB (Kasambahay)  ng Happy Yipee Yihey na sumali last week na hindi mukhang kasambahay. Maganda ang girl, makinis at magaling magsalita. Kahawig niya si Erich Gonzales.

Sobrang daldal nga lang dahil during the interview portion, lahat na lang yata ng kamag-anak at mga kaibigan ay binati niya. Buti na lang hindi siya nakakairita dahil charming ang hitad, huh!

Samantala, ano kaya ang feeling nina Pokwang, Toni Gonzaga at Bianca Manalo na sa Saturday ay lalabas na si Mariel Rodriguez sa Wil Time Bigtime ng TV5?

* * *

SA tweet ni Mariel, excited siya sa pagpasok sa Wil Time Bigtime. Gusto na nga niyang hilahin ang panahon para maging Saturday na.

“This is it! Few days to go na lang...” tweet ng actress-TV host na obviously, patungkol sa pagpasok sa programa ni Willie Revillame ang tinutukoy.

* * *

PARANG totoong-totoo ang iyak ni Cristine Reyes sa Reputasyon do’n sa eksenang nasa kulungan si Rayver Cruz.

Ang younger sister ni Agnes (karakter ni Cristine) ang dahilan kung bakit nakulong si Rayver at gustong ipabawi ni Agnes sa kapatid ang mga sinabi nito. Ipit ngayon si Agnes between love (Rayver) and family.

Tuluy-tuloy naman ang “paghahari-harian” ni Aiko as Catherine Villamayor sa kanilang lugar. She manipulated every person para lumabas na siya ang malinis at ang pamilya ni Cristine ang marumi.

Nakakaloka!

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC