Baguio, Surigao nilindol


NIYANIG ng magkasunod na lindol ang Baguio City at Surigao City kahapon.

Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang lindol sa Baguio dakong alas-9:24 ng gabi. Nakita ang epicenter ng 2.6 magnitude lindol sa layong 16 kilometro timog-kanluran ng syudad.

Samantala, makalipas ang halos dalawang oras, naramdaman naman ang  3.8 magnitude na lindol sa Surigao City dakong alas-11:04 ng gabi kamakalawa.

Sa pagtaya ng Phivolcs, namataan ang epicenter sa layong 85 kilometro ng hilagang-silangan ng Surigao City.

Ayon sa ahensya, kapwa tectonic ang origin ng lindol.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasugatan sa insidente at wala ring inaasahang aftershock.     Jun Icban Legaspi

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC