Mother Lily won't leave Andi!


KUMALAT sa Twitter ang pagtanggi ni Jake Ejercito na siya ang ama ng batang ipinagbubuntis ni Andi Eigenmann.

Kasunod nito ang pagturo sa baguhang aktor na si Albie Casino na siyang nakabuntis diumano sa anak ni Jaclyn Jose.

Wala pang kumpirmasyon mula sa aktor na huling napansin nang magsalita ng hindi maganda kay Andi.

Para naman kay Mother Lily Monteverde, kahit buntis si Andi, gusto pa rin niyang makasama ito sa cast ng festival entry niyang Ho To Tay.

Suwerte raw kasi ang buntis sa pelikula. Si Mother ang nagbigay ng break sa movie kay Andi sa pelikulang Mamarazzi at isa sa installments ng Shake, Rattle & Roll.

"Buntis sina Vilma Santos at Alma Moreno nu'ng ginagawa nila ang Magkaribal.

Gayundin ang situation ni Rio Locsin habang ginagawa ang Disgrasyada. Kaya naman okey lang sa akin na isama pa rin siya sa cast kung gusto niya," pahayag ni Mother Lily sa kalagayan ni Andi.

Anyway, may mga bago na namang Regal Babies si Mother Lily at apat silang mga baguhang babae na mula sa TV5 stable. Pawang produkto ng reality show na Star Factor sina Ritz Azul, Eula Caballero, Jazz Ocampo at Morisette Amon.

Sa apat, si Ritz ang lamang pagdating sa karanasan sa pag-arte. Nakasama siya sa drama series na Nagbabagang Bulaklak at parte siya ngayon ng variety show na Hey, It's Saberdey. Although 3rd runner-up lang si Ritz, isasama na siya sa festival entry ng TV5 at Regal na Yesterday, Today and Tomorrow.

Big winner naman si Eula ng SF at nasa cast ngayon ng Bagets. Ang pagkanta naman ang panlaban ni Morisette kaya win siya bilang first runner-up. 

Kahit finalist naman si Jazz sa SF, napabilang siya sa cast ng Bagwis.

Nang tanungin si Mother Lily sa potential sumikat ng apat, ayon sa Regal producer, "Lahat sila, may potential. Pero nasa attitude na lang nila 'yan kung gusto nilang magtagal sa showbiz."

* * *

MAKIKIPAGDAYALOG ang mga manager sa presidente ng isang network na apektado sa patarakan tungkol sa guaranteed contracts na pinirmahan ng kanilang artists.

Gusto kasi ng mga manager na maliwanagan ang sistema ng network sa pagbabawas sa talent fee ng isang artista kung sakaling tanggihan nila ang isang project, guesting o personal appearance dito man o sa abroad.

Sa kaso ng isang aktres na tumanggi sa isang drama series, pumayag siyang ibawas sa kanyang guaranteed contract ang suweldo sana niya sa serye.

Pero hindi ganito ang naging sitwasyon ng isang aktor. Hindi siya nakapag-guest sa isang show kaya naman umabot sa milyon ang kinaltas sa talent fee niya. Umalma ang manager niya sa nangyari sa artist niya.

Sa kaso naman ng isang aktres, hindi siya nabigyan ng mga trabaho sa isa niyang guaranteed contract. Binayaran siya ng network kaya nakabili ng kotse ang kanyang manager, huh.

So, ang payo ng showbiz observers, kung kayang hindi pumirma ng guaranteed contract ang isang artista, huwag pumirma nang sa gayon, tapos ang problema!

* * *

KAKAIBANG cooking show ang Idol sa Kusina ni Master Chef Pablo "Boy" Logro.

Informative na kasi, entertaining pa ang dating ng programa na mapapanood tuwing Sunday, 7 p.m., simula sa July 3.

Bongga nga ang credentials ni Chef Boy mula nang maging trabaho niya ang pagluluto. Master chef siya ng Oriental, Mediterranean at Western cuisines.         Nagtapos siya ng International Culinary training sa Italy, Switzerland, Spain at United Kingdom, Turkey, Singapore at Japan.

Sa husay niya, siya ang naghari sa royal kitchen ng Sultan of Oman, huh!

Ang pabuloso kay Chef Boy, habang nagluluto, nagagawa niyang magpatawa na parang stand-up comedian.

Anyway, sa Sunday, guests niya sina Wally Bayola at Paolo Ballesteros na patitikimin niya ng Chinese dishes.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC