Director rejects actor with bad image


Sa mga nagre-request na i-guest ni Kris Aquino sa Kris TV si P-Noy at mga kapatid, naka-schedule sa August ang guesting nila sa kanyang show in honor of their parents at sa paglabas ng new P500 bill.

Malaki pa rin ang tiwala ni Kris sa kapatid na mapapaganda nito ang bansa natin kahit may mga report na bumababa ang rating nito.

Naikuwento nitong pinuri ni Sec. Hillary Clinton ang government ni P-Noy sa report sa CNN.

“But I can’t rate him dahil biased kung mataas ang ibibigay ko at napakasama kong kapatid kung bibigyan ko siya ng mababang rating,” wika ni Kris.

Masaya si Kris sa rating ng kanyang show at confident na mas tataas pa ito. Ipinakita sa kanya ang graph ng rating at paakyat ito.

Mula sa dead slot, binubuhay niya ang 9:30 a.m.  at tiwalang sa mga naka-line-up na guest, tututok ang viewers.

Samantala, hindi na pakakasalan ni Kris si Marcelito Pomoy, Season 2 winner ng Pilipinas Got Talent dahil may mga tumututol daw.

Gusto na niya itong ampunin, i-manage at dadalhin  sa Belo para kuminis at pinayuhang ingatan ang talent.

Anyway, kinumpirma ni Perry Lansigan, manager ni Dingdong Dantes, ang ibinalita ni Kris na tuloy na ang Segunda Mano entry nila sa Metro Manila Film Festival after magpaalam ng actor kay Atty. Felipe Gozon.

“Good news na okay na si Dingdong. Out of respect, nagpaalam siya kay Atty. Felipe Gozon dahil co-producer ng movie namin ang Star Cinema.

“Pumayag sila at ang hiningi lang ay gumawa ako ng movie sa GMA Films sa 2012. I can make a movie na outside Star Cinema next year at okey na sa ABS-CBN management. Sa July, magsu-shoot kami kahit one day lang,” masayang pagbabalita ni Kris.

* * *

In-offer sa isang director ang pagdidirek sa TV remake ng isang popular movie pero magalang na tinanggihan ng director ang offer kahit dagdag na kita ito sa kanya.

Ang pagiging busy ang inirason ng director sa pagtanggi sa project dahil totoo namang busy siya sa TV at movies, pero kaya pa ang isang TV show.

Ang main reason para hindi tanggapin ng director ang project ay dahil sa isa sa cast members ng show, ang actor na kasama sa cast.

Ayaw niyang mamroblema at ma-stress sa taping dahil kahit sinabi ng actor na nagbago na siya, hindi naniniwala si Direk.

Ang sama kasi ng record ng actor gaya ng bigla na lang itong hindi sumisipot sa taping at tinatamad sa gitna ng project.

* * *

Puno ng bata ang cast ng Futbolilits, ang bagong series ng GMA-7 na magpa-pilot na sa Monday, bago ang 24 Oras.

Nahahati sa blue at red teams ang mga bagets at sabi ni Direk Mike Tuviera, nang unang malamang siya ang director ng series, hirap agad ang naisip niya pero nakikinig daw ang mga bata.

Pinakamakulit si Yogo Singh na kasama nina Lenlen Frial at Renz Valerio sa red team.

Hindi bumababa ang energy nito mula umaga hanggang pack-up, nasa harap man at wala sa camera at pag-uwi ng bahay, naglalaro pa ng PS3.

Gustong i-guest ni Direk Mike ang Azkals dahil tiyak na matutuwa ang mahihilig sa football, pero nalamang may exclusive contract ang grupo sa ABS-CBN.

Ga’nun pa man, panonoorin at tututukan pa rin ang Futbolilits dahil sa magandang istorya, magaling na cast pati mga bata.

* * *

Sa pagtatapos ng Magic Palayok today, makikita ni Cookie (Angeline Sanoy) ang mga naging ama-amahan, pero magpa-panic ang lahat nang tumigil ang pagtibok ng puso ng bata.

Makikita rin niya ang inang si Isadora at sasabihin nitong hindi pa oras para sila’y magkasama sa langit.

Magigising si Cookie sa ipinainom na pangontra sa lason ni Pilar (Carla Abellana).

Si Alina (Carmi Martin), mamamatay dahil natusok ang sarili ng makahiya na may lason, pero bago mamatay, ginawa niyang hayop sina Yvonne (Cherie Gil) at Natasha (Chynna Ortaleza).

Magpo-propose si Jude (Geoff Eigenmann) kay Pilar at sa fiesta ni San Isidro, paparada si Cookie na parang prinsesa.

Si Palayok, lilipat sa bagong tahanan na tutulungan.

* * *

Hindi ang Bangis ang first acting project ni CJ Caparas, anak nina Direk Carlo J. Caparas at Donna Villa, pero first mainstream acting project niya, kaya nag-decide na tumigil muna ng Economics studies sa Ateneo para makapag-concentrate sa pagiging actor at honored siya na ang ama ang sumulat ng Bangis.

Sanay sa puyatan si CJ kaya walang reklamo sa minsan ay 20 sequences na tinatapos niya sa taping.        

Excited na rin itong mapanood ang pilot ng series nila sa Monday, July 4, after Bigtime Will Time sa TV5.

Sabi ni CJ, magsu-showbiz na rin ang sister niya sa TV5 din at ang dad din nila ang susulat ng material.

Ano kaya ang gift na ibibigay nina Direk Carlo at Donna sa sister ni CJ dahil siya, binilhan ng brand-new black Turbo Porsche Cayenne.

Whew!

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC